Huwag Magpost Para Lang Makapagpost

Format Pamagat: Apeliydo, Klase, Seksyon Reaksyon: Dito idiskas ang iyong tingin sa pinakahuling post bago ang sa 'yo. Sabihin ang mga dahilan kung bakit sang-ayon ka sa opinyon n'ya, o kung bakit sa tingin mo dapat s'yang bumalik sa greyd wan. Paksa: Dito magsimula ng bagong diskusyon.

Tuesday, February 28, 2006

CABANILLA, PP17 TFU1

Reaksyon: Pagbabalik ng Wowowee ni AVILES, PP17 TFU1
Sumasang-ayon ako sa iyo 100%. Ang pagbabalik ng Wowowee sa ere ay magpapanumbalik lamang ng masasamang alaala sa mga naulila ng mga biktima. Ang ilang mga pagbabago sa pangangasiwa sa awdyens sa loob ng studio ay katanggap-tanggap at kinakailangan, subalit dapat isaalang-alang din ng mga tao sa likod ng programa ang interes ng nakararami.

Paksa:

Poscript to ULTRA Tragedy:
Are Game Shows Promoting Mendicancy?

Ang trahedya, tulad ng kamatayan, ay dumarating sa oras na di ito inaasahan. Kagaya na lang ng nakalipas na Wowowee tragedy sa Ultra. 24 dreams crushed, kuhang-kuha ng Inquirer ang drama ng balitang gumulantang sa buong bayan.

Habang patuloy ang imbestigasyon na isinasagawa ng NBI sa naturang insidente, umaasa tayong mabibigyan ng hustisya ang mga naging biktima at ang mapapatunayang responsable sa pangyayari ay mananagot sa batas. Higit sa lahat, umaasa tayong ang trahedya ay magsilbing aral sa lahat at ilang certain measures ay siguraduhing dapat ipatupad para hindi na maulit ito.

Subalit maliban sa seguridad sa venue, may mas malalim pang usaping nakapaloob sa trahedyang ito. Kung susuriin, mapapansing ang common sa lahat ng naging biktima ng stampede ay ang mukha ng kahirapan. Hindi lingid sa kaalaman natin ang abang kalagayan ng nakararaming Pilipino dito sa atin, dagdag pa ang nakapanlulumong klimang pampulitika sa bansa at ng kaliwa’t kanang kalamidad na nangyayari sa ating kapaligiran. Sa kabila ng problemang ito, hindi nakapagtatakang pangunahing pinaghuhugutan ng simpleng kaligayahan ng mga Pinoy ay ang telebisyon, lalung-lalo na ang mga variety-game show na hindi lang nagbibigay-aliw kundi nakakatulong din sa manonood. Kaya aminin man ng gobyerno o hindi, matiniding kahirapan din ang nag-udyok sa mga tao nong araw na iyon na magtungo sa Ultra, matulog nang ilang araw sa harap ng venue, tiisin ang hirap at pagod sa pakikipagpila makakuha lamang ng puwesto sa loob. Hindi natin basta-basta masasabing katamaran ang dahilan kung bakit lubos na lamang ang pag-asa nila sa isang walang kasiguraduhang pakontes dahil hindi tayo ang nasa kanilang kalagayan.

Samakatuwid, masasabi bang kasalanan ng libu-libong nagsipunta sa Ultra ang magbakasakaling sila ang manalo ng limpak-limpak na salapi, house and lot o di kaya isang pampasaherong jeepney o taxi? O mas tama kayang sisihin ang mga game show na ayon sa iba ay nagpapalaganap diumano ng kultura ng mendicancy o pagsasantabi sa kahalagahan ng yamang pinaghirapan? Isang halimbawa ng gawaing nagpapalaganap ng mendicancy ang paglilimos o begging dahil natututong umasa ang naglilimos sa ibang tao nang hindi sinusubukang maghanap ng ikabubuhay sa pamamagitan ng sariling pawis at pagod. E ang game show kaya, nangyayari ba ito? Sa sweepstakes o lotto? Ilang dekada ang nakalipas nang magsimula ang mga ganitong klase ng game of chance sa bansa, ngunit ngayon lang kinekuwestyon ang values na mapupulot mula rito.

Sa aking palagay, hindi kasalanan ng mga game show kung sa hirap ng panahon eh sila ang kinakikitaan ng mga tao ng pag-asang umahon sa buhay. Ayon nga kay Pepe Pimentel (host ng dating sikat na sikat na palabas, ang Kuwarta o Kahon), simple lang naman ang pakay ng mga game show: ang magbigay-aliw at makatulong sa mga kapus-palad nating kababayan. (Bagamat ratings pa rin naman ang nagdidikta sa gawain ng programa, wala namang immoral kung pagsasabayin ang pansariling interes at ang pagtulong sa kapwa.) Ang tendency ng tao na umasa sa game of chance bilang pagkukunan ng ikabubuhay ay nakabatay sa sarili nitong prinsipyo at paniniwala. Kumbaga ang pagsali sa mga ganitong laro ay isa lamang opsyon ng indibidwal ngunit sa kalaunan siya pa rin ang gumagawa ng sariling desisyon kung paano siya mabubuhay.

Ngunit hindi nga ba ine-exploit ng mga game show ang kahirapan ng tao upang sila ay patuloy na tangkilikin? Guilty marahil ang karamihan sa kanila sa obserbasyong ito, ngunit ito ay maituturing inherent na sa kalakaran ng mass media. Kung gayon, mainam siguro kung kalakip ng pagtulong sa nangangailangan ay ang pagpapaalala ng mass media sa publiko sa halaga ng sipag at tiyaga.

In the first place, bakit nga ba naghihirap si Juan dela Cruz? Alamin natin kung ginagawa ba ng pamahalaan ang buong makakaya nito para sugpuin ang kahirapan, dahil sa tingin ko ang trahedya sa Ultra ay bunga hindi lamang ng pagkukulang ng organizer ng programa, kundi sa kabuuan senyales ito ng lumalalang depresyon at kawalan ng pag-asa. Tanungin din natin ang ating mga sarili kung ginagampanan ba natin ang ating tungkulin sa sambayanang Pilipino bilang Iskolar ng Bayan. Ginagawa ba natin ang lahat para kumbinsihin ang mga mahihirap na marami pang paraan upang umunlad ang buhay maliban sa pagsali sa mga game show? Nagtrabaho ba tayo at nagsikap para ipakitang tayo ang magiging pag-asa nila balang-araw? Di ba nga tayo ang pag-asa ng bayan?

GRAVADOR, Hum1 (MHU2)

Reaksyon: Mike Defensor: Little President

Bilang isang masugid na tagasunoid ni GMA eh hindi na natin maiwasang makita sa Defensor sa ating mga TV para ipagtanggol ang pangulo. hindi ko rin napansin na mas marami pala ang pagpapakita niya sa publiko kaysa sa ating pangulo. pero ok lang naman iyon sa akin dahil nga spokesperson niya ito. may posibilidad din na siya ang komokontrol sa ating pangulo at maging lider natin pero palagay ko'y malabo iyon. kasi may constitution naman tayong nasususnod at sa pagkakaalam ko eh wala siyang karapatang maluklok sa pwesto. nandyan lang siya bilang gawin ang tungkulin niya sa pangulo: ang maging tagapagsalita nito.

Paksa: Collegian ng Peyups

Kada linggo yata eh may sirkulasyon o isyu ng collegian sa bawat bilding ng Peyups. sa unang tanaw ko pa lang sa may pinto ng aming dorm eh natambakan na ito ng mga collegian. magandang basahin naman ito. sabi pa nga ng iba eh ito ang dyaryo ng mga tibak. oo nga't walang takot ang mga pagkakagawa ng mga artikulo sa bawat pahina ng dyaryo ngunit sa palagay ko'y nagpapakatotoo lang naman ang mga staff nito. UP ito at malaya tayo magsabi ng ating mga hinaing. marami silang mga pinapatamaan pero para sa atin eh ordinaryo na itong makita sa collegian kasi nga nasanay na ito sa malayang pagpapakita ng mga hinaing. hindi naman ako tutol sa dyaryong ito. takot lang ako sa maaaring mangyayari sa kanila pag may masagasaan silang mas makapangyarihan na kaya silang ipatumba. =[

SUAYBAGUIO HUM1 MHU2

Reaksyon: Curfew

Hindi pa ako nakakaranas ng buhay ba na may curfew.
MAlaki kasi ang tiwala ng mama ko sa aming magkakapatid, at dahil sa probinsya lang kami nakatira, hindi masyadong magulo doon at hindi masyadong dilekado compared dito sa metro manila.
malayo din kasi ang school ko sa bahay namin, 35 mins ang biyahe(walang traffic) kaya palaging gabi na ako nakakauwi sa amin at umuuwi lang ako ng super duper late if may activity sa school.
kahit ngayon, sa boarding house namin walang curfew, pwede kang umuwi anytime..

Paksa: Bakit masarap kumanta kapag nasa loob ng banyo habang naliligo?
aham!! Ewan ko, hindi ko alam kung bakit hindi ko mapigilan ang sarili ko na kumanta sa loob ng banyo. alam kong hindi lang ako ang gumagawa nito, aminin! marami kamingng/tayong gumagawa nito.
kaya siguro masarap kumanta sa loob ng banyo, dahil nageecho ang boses mo at parang feeling mo ikaw lang ang nakakarinig sa boses mo na sa totoo ay hindi naman..

DEE
PP17, TFR1

REAKSYON: Larong pambata (ni Buluran, pp17 tfr1, feb. 28)

Ako rin, sobrang namimiss ko na ang mga larong iyan, lalo na ang garter, taguan, jackstone, habulan, at iba pa. Ang teknolohiya naman kasi eh, puro nalang computer. Parang pagnakikita ko ang mga batang mga 5-7 years old pa lamang na ang hilig hilig na gumamit ng computer, parang naiisip ko, na ako dati noong ganoong edad ay walang anumang kaalaman sa pag-exist ng bagay na ito na tinatawag nating computer. Hahaha.

Agree ako na nawawala na nga ang konsepto ng teamwork dahil nga mag-isa lang silang naglalaro. Nawawala rin ang konsepto ng socialization dito dahil hindi sila nakakapag-interact ng harap-harapan sa kanilang mga kalaro. Kahit sabihin mong online gaming, hindi mo naman masisigurado kung totoo ang mga sinasabi ng iyong kalaro eh...Kaya mas okey talaga kung harap-harapan.

PAKSA: WWE wrestling sa Pilipinas

Nakakahiya naman sa kanila! Dumating pa talaga sila (last weekend) sa panahon na nagkakagulo sa bansa! Kakaunti lang siguro ang nakanood. Sayang naman ang kanilang pagpunta.

Ikukuwento ko lang ang isang bahagi ng kanilang show dito. Nanood kasi ang kapatid ng kaibigan ng kuya ko sa Araneta at ikuwinento niya na sa akin ang tungkol sa isang wrestler na si Carlito na may mga sinabi. Parang ganito ata iyon sa pagka-alala ko...

"The Philippines is very nice, very cool... No, just joking...
The women here are hot... No, just joking...
They look like Manny Pacquiao with hair!"

ANO!?!?!?!? >:(

By the way, may isa ring wrestler na Pilipino. Si Batista. Ang tunay niya daw na pangalan ay Bautista. Gets? ;)

DEE
PP17, TFR1

REAKSYON: Kapag May Dumi sa Pagkain (ni Martinez, pp17 tfr, Feb. 28)

Ang worse experience ko naman ay sa Math Bldg. Buti nalang, hindi ko pa nagagalaw ang pagkain ko nung makita ko! Nope, hindi buhok...IPIS!!!!! :(

Alam kong may karapatan akong magreklamo dahil hindi talaga dapat ganoon ang pagkain. May responsibilidad dapat ang mga nagbebenta ng pagkain sa pagpapanatili ng kalinisan nito. Hindi ko alam bakit, pero hiyang-hiya ako magreklamo sa mga ganitong bagay. Ewan ko ba. Siguro dahil naaawa ako sa kanila? Na dahil aksidente lang naman at hindi sinasadya tapos sobra ko silang pagagalitan? Wala namang perpekto na hindi nagkakamali eh. Hanggang wala naman nasaktan, pababayaan ko na lamang. Siyempre, hindi ko na rin tutuluyin ang pagkain. Nawawalan na rin ako ng gana na ipapalit...

PAKSA: Bali Walang Pinaghirapan

Hindi ba sobrang nakakainis kung may isang bagay kang sobrang pinaghirapan pero hindi naman kanais-nais ang kinalabasan ng iyong pagsisikap?

Ilalabas ko lang ang aking frustrations. Waaah! :( Naiinis ako. May group presentation kasi kami sa archaeo 1 class namin kanina tungkol sa assigned na epiko ng isang lugar. Napunta sa amin ang sa Palawan. Napagdesisyunan naming magkagrupo na gumawa ng isang powerpoint presentation. Kaya iyon. Buong weekend pinaghirapan ang aming presentasyon. Sa wakas, natapos din! Napaka proud ko sa aming gawain! Ni-burn na namin ito sa cd. Pero kanina, nang iprepresent na namin...hindi gumana iyong mga special effects at animations! :( :( :( Naglabasan lang ang mga pictures nang sabay-sabay! NAKAKAINIS! :(

ALMAZAN HUMI MHU2

REAKSYON: gusto ko na ng kotse

Ako din... Gusto ko na rin ng kotse... Kahit hindi yung magara... Kahit yung mga simple lang pero astig... Malayo pa ang kailangan kong marating para maabot ito... Kailangan ko munang tapusin ang pag-aaral ko bago simulang abutin ang mga bituin sa langit...

PAKSA: Ang Tunay na Pagkatao Ko

K - asama mo sa mga problema
I - paglalaban ka lalo na kung ikaw ang nasa katarungan
N - andito para sa kaibigan at hindi nang-iiwan
G - agawin ang lahat mapasaya lang ang mga mahal sa buhay

C - aring din at matulungin
Y - oung and handsome(^_^)
R - amdam mo ang pagiging totoo at hindi plastik
U - maasa sa kaligtasan ng iba
S - asamahan ka sa mga desisyon mo

A - stig din pumorma
L - aging handa sa lahat ng oras (Boy's Scout)wah!
M - atindi kung magmahal
A - lam ang tama sa mali
Z - esto ang paboritong fruit juice
A - ndito para sa iyo, sa lungkot o ligaya, sa hirap at ginhawa
N - aks... Maniwala ka sana...

(^_^) Sana nga ganito ako...

Reyes, C. PP17 TFU1


Reaksiyon: Bali Walang Pinaghirapan

Haay…madalas kong maranasan ‘yan at sa totoo lang nakakainis talaga kapag nangyayari ‘to sakin. Naranasan ko nang gumawa ng paper na inabot ako ng siyam siyam bago ko ito mapaprint. Yung tipong akala mo ok na ang lahat tapos magugulat ka na lang kasi sira pala ang printer niyo sa di malamang dahilan. Tapos due ang paper mo nung araw na ‘yon mismo. Mahihirapan ka pang humanap ng printing shop na malapit dahil nga gahol kana sa oras at malelate kana sa klase mo. Isa lang naman yon sa mga masasabi kong napakasakit kon experience lalo na kung dugo at pawis ang ginamit ko para mabuo ang paper na yon. Pero ngayon natuto na’ko. Hangga’t maari ginagawa ko ng advance ang mga projects para kung may aberya man, handa ako.



Paksa: Hindi Mahirap Ang Pilipinas!

Ikaw, naniniwala ka bang mahirap na ang ating bayan? Ako kasi hindi. Mayaman kaya tayo sa natural resources, madalas nga lang ay inaabuo natin ito kaya nagreresulta sa sakuna gaya ng landslide, mudslide, baha at kung anu-ano pa. Hindi man tayo makahabol in terms of technology, pwedeng pwede tayong umangat sa larangan ng agrikultura. Sabi nga ng kakilala ko, pwede daw nating payamanin ang ating mga lupa, sana lang may magkusang mag-umpisa at sana may makakita sa potensiyal na ito. Kulang lang tayo sa tiyaga at paniniwalang kaya nating umangat. Mali ang sinasabi ng maraming tao na wala na tayong pag-asa at lalo tayong humihirap,kalokohan! Kung mahirap na nga tayo bakit puno pa rin ang mga malls, bakit marami pa rin ang kumakain sa jollibee at mcdo? Bakit halos lahat ng pilipino may cell phone at bakit tayo ang text capital ng mundo?

YALONG, HUM 1, MHR 2
REAKSYON sa Fairy Tales ni TABAL, MHU2

Palagay ko nga ay produkto ng patriyarkal na lipunan ang mga fairy tales. Lagi na lang kasing kailangan dumepende ng mga bidang babae sa mga prince charming. Ano kaya ang dapat gawin para hindi na maacquire ng mga magiging anak natin ang masyadong patriyarkal na sistema na kakabit ng mga fairy tales? Wag na kaya nating ikwento sa kanila ang fairy tales? Or ikwento natin pero sabihin nating wag nilang gagayahin yung mga bida kasi masyado silang umasa sa mga prince charming. Dapat marunong silang tumayo sa sarili nilang mga paa. O di ba? Ok lang ba yung naisip ko?

PAKSA: Braces sa ngipin

Masakit magpalagay ng braces. Lalo na nung simula. Sa katunayan, pumayat ako noon kasi hindi ako makakain. Kailangan may sabaw lahat ng kinakain ko. Pero ok lang sa’kin yun kasi alam ko namang magiging maayos yung mga ngipin ko. Pangarap kong maging broadcaster. Ang sagwa namang humarap ako sa tv, magsalita tapos palingi yung mga ngipin ko. nakakadestruct kasi sa audience pag ganun. Kaya eto, nakabraces ako ngayon. Sabi ng dentista ko, ilang buwan na lang, tatanggalin na niya ‘to. Hindi naman kasi malala ang kaso ko kaya dalawang taon lang mahigit. Hindi katulad nung iba limang taon na, hindi pa rin pwedeng alisin. Pero siguro, mamimiss ko ‘tong mga bakal na ‘to sa ngipin ko ‘pag inalis na.

ARDA, HUM1, MHU2

Reaksyon: HIV sa ketchup ni JOY HUISO

Sa totoo lang, nang marinig at makarating sa akin ang balita tungkol sa ketchup nay an ay nainis ako. Yun dahil paborito ko ang ketchup. Pero kung iisipin natin, tama nga naman na magingat. Tulad na nga lang ng sinabi ng mga kaibigan ko, wala naman mawawala kung hindi muna ako gagamit ng ketchup sa mga fastfood chains pansamantala. Binigyan pa nila ako ng halimbawa, tama nga naman din dahil hindi nga naman natin makikita ang pagkakaiba ng dugo sa ketchup dahil sa kanilang kulay. Wala nga naming masama sa pagkakaroon ng dobleng pag-iingat.
Para naman sa taong may gawa ng insidenteng ito, sana ay naisip nya kung ano ang kahihinatnan o mga posibilidad ng ginawa niya. Dapat isaalang-alang ng lahat ang kapakanan ng bawat isa bago tayo gumawa ng isang bagay.

DINEROS, PP19(MHY1)
Reaksiyon: Pagbabalik ng Wowowee
Dapat talagang palitan ang pangalan ng programa dahil magsisilbi lamang itong malagim na alaala ng trahedya. Mawawalan din ng silbi ang bagong konsepto na ilalagay nila rito. Ang pagbabago ng sistema sa pagsali sa mga palaro ay mainam upang maiwasan ulit ang mahabang mga pila. Tingnan na lang natin ang Laban o Bawi ng Eat Bulaga. Dito ay araw araw nilang binabanggit sa telebisyon ang mga susunod na kasali. Iniisip ng iba na mukhang pera ang mga host tuwing nagbibigay ng dollars ang mga TFC subscribers kapalit ng pagbati. sa bagong palabas, mas mainam na sa likod na lang ng kamera ito gawin.
Paksa: Mga Digital Films
Ang lugmok na industriya ng mga pelikulang R-18 ay hindi pa tuluyang mababaon. Sa pagsulpot ng mga digital films, parehong nakinabang ang mga sexy actress/actor at mga independent filmmakers. Kahit hindi sa mainstream cinema naipapalabas , may mga Pilipino pa ring tumatangkilik sa mga ito. Dito ay nakakapag-eksperimento nang mabuti ang mga producer at direktor. Naghahanap sila ng mga pangyayari o problema sa lipunan at ginagawan ng magandang istorya. Sa kabila ng lahat, nanatiling higante pa rin sa Pilipinas ang mga Hollywood films.

Aparentado PP17 TFU1
Reaksyon sa Summer ni Desamero
Ngayon pa lang ay iniisip ko na kung anong gagawin ko sa bakasyon. Ang mga plano ko ay napakababaw na mga gawain. Siyempre magsu-summer class. Pero kung walang klase ay manonood ng tv at dvd, pero magbabasa naman ako ng mga libro. Nung isang linggo lang ulit ako nakapunta sa Quiapo at halos malunod na ako sa dami ng dvd. Sobrang “heaven” para sa akin ang isang kalsadang puro dvd ang binebenta. Inaamin ko, kasama din ako sa mga taong sumusuporta sa western na pelikula at tv show. Bata pa ako nanonood na ako ng mga sitcom tulad ng Murphy Brown at Perfect Strangers pero enjoy din naman ako sa panonood ng Okey Ka Fairy Ko at Ang TV. Para nang hindi worth while ang mga plano ko sa bakasyon. Puwede namang magvolunteer akong tumulong sa komunidad namin, tulad ng pinagsasabi ko sa ibang post ko sa blog na ito. Pero puro mga planong hindi natutupad. Yung mga madadali na lang ang ginagawa, yung mga gawaing hindi mo kailangan masyadong magpagod at makisama sa ibang tao. Hindi lang naman ako, marami ding ibang kabataan na manonood lang ng tv sa bakasyon. Bakit ko pinapabayaan na ganito lang ang gagawin ko, alam ko namang may mas mabuti akong magagawa sa oras ko?

Paksa: Enchanted kingdom

Siguro plano ng ibang taong mag Enchanted Kingdom kasama ng mga kabarkada nila, pagdating ng bakasyon. Ako, wala akong plano. Kahit i-libre pa ako ng kahit sino ay ayoko talagang pumunta. Siguro kung nasisiyahan ako sa pag sakay sa mga rollercoaster ay pupunta ako, pero yun ang problema, takot akong sumakay.
Nung 1st year high school pa ako ay nagpunta kami ng limang mga kaklase ko at ng teacher namin sa Enchanted para sa Christmas party namin. Ako na lang ang naghahawak ng mga payong at bag nila at okey lang sa akin na pinapanood ko lang sila habang nagfa-Flying Fiesta sila. Kahit bayaran ako ng ng isang milyon ay hindi ako sasakay. Pagkatapos nila sa Flying Fiesta ay pumila na sila sa pagsakay sa Anchors Away. Nung malapit na sila sa unahan, pinilit nila akong sumama. Sabi nila na subukan ko lang daw sumakay. Subukan ko raw gumawa ng bagong mga bagay para ma-experience ko naman daw ang buhay. At mabuti rin na masasabi kong kahit isang beses nagawa ko yun. Bumenta naman sa akin ang mga pinagsasabi nila at sumakay na ako sa barko. Para hindi ko na pahabain ang kuwento ko, sasabihin ko na lang ang nangyari. Sa takot ko ay kinagat ko ang braso ng titser ko habang nagsasaya ang iba kong mga kaklase dahil nakasakay rin sa barko si Ryan Agoncillo na nagshoo-shoot ng advertisment. Pinagtawanan ako ng mga kaklase ko at yung tister naman namin ay nag-alala sa akin dahil akala niya aatakihin na ako sa puso sa takot. Para talagang nakakulong na ako sa barko at hindi ito puwedeng tumigil kahit na sumigaw ako na “tama na!” Ang pangit ng pakiramdam na trapped ka sa isang situwasyon na ayaw mo. Kahit na Disneyland yun o mga rides sa UP fair…ayoko. Ayoko talaga!

Aparentado PP17 TFU1
Reaksyon sa paano ko gustong mamatay
Nagkaroon kami ng bisita sa MP10 na klase namin, at ang manunulat na si Eros Atalia ng UST ay nagbasa ng excerpts galing sa libro niya. May kuwinento siyang dalawang paraan ng pagpapakamatay, yung isa ay araw-araw at kung kailan mo gusto ay kumain ka ng chicharon at lechon, uminom ka lang ng beer. Siguradong mamamatay ka sa kolesterol at sa grabeng alcohol intake. Yung isa namang paraan ay habang nanonood ka ng horror na mga pelikula ay hiwain mo ang wrist mo at patuluin ang dugo sa balde habang nakikita mo ang mga eksena na nagpapatayan na si Freddy at Jason. Hindi ko gustong mamatay sa ganung mga paraan. Tulad ng iba, gusto kong mabilis lang at hindi ko mararamdaman. Pero gusto ko rin kasing harapin ang mga kinatatakutan ko. At dahil takot ako sa heights ay puwedeng habang nagbu-bungee jumping ako ay matuklasan kong masarap palang tumalon galing sa mataas na lugar at kung maputol man ang tali ay hinarap ko na naman ang kinatatakutan ko. Pero puwede ring atakihin ako sa puso habang nagbu-bungee jumping. Ayokong mamatay ng ganun.

Paksa: hi5

Alam niyo naman yung hi5 diba? Parang friendster rin yun pero hindi ko kasi alam kung paano gamitin yun. Parang hindi ko ma-kontrol kung sino ang puwedeng tumingin sa profile ko. Isang beses may nakita akong taong nagpapa-add sa hi5 account ko. Pangalan niya Mike T. at nagtaka ako kasi wala naman akong kakilalang Mike T.. Pag pasok ko sa account ko may message sa akin yung Mike T. at nakita raw niya ang picture ko at ang sexy ko raw tingnan at puwede raw ba niya akong kilalanin. 49 years old siya na overweigh na Amerikano at balbas sarado. Ang mga kaibigan niya sa hi5 account, puro mga mail order bride na naghahanap ng dayuhang magsasalba sa kanila sa kahirapan. Nabastos ako sa sulat niya at dinelete ko ang hi5 account ko. Mas nako-kontrol ko ang friendster account ko, mga kakilala ko naman lahat ng ina-add ko at hindi ko tinatanggap ang friend request ng mga total stranger. Isang message pa lang talaga nakakabastos na. Yung Mike T. na yun siguradong may web cam at laging nakikipag chat sa mga babae, malamang hindi lang puro chat yun. Kahit na nasa Amerika siya at hindi niya ako mapupuntahan at hindi niya naman ako kilala, parang ang lapit niya at madali siyang nakaka-offend sa mga babae.

Aparentado PP17 TFU1
Reaksyon sa sadtrip

Minsan pag may malungkot kang kaibigan at gusto mo siyang i-comfort, ang sinasabi mo, “Okey lang yan ako nga ganito nangyari sa akin, e”. Imbes na tutukan ang problema ng kaibigan, nilalagay mo ang sarili mo sa sentro ng usapan. Ganun talaga tayo, no? Minsan talaga mahirap maka-relate sa nalulungkot dahil iba yung nararamdaman mo sa panahon na yun. Dun ka na lang makaka-relate pag ikaw na ang nalulungkot at ikaw na ang kino-comfort ng mga tao. Minsan may topak din ang mga tao pag malungkot, pag sinasamahan ka ng mga kaibigan, sasabihin mo “Gusto kong mapag-isa.” Pag wala nang pumapansin sa’yo, naiinis ka dahil iniwan ka lang na malungkot.

Paksa: Ang mga report sa panpil

Ang grupo ko sa panpil ang unang nag-report sa klase. Ang report namin ay yung readings na Dreams, Myth and Idols. Ang haba ng readings na yun at naghati-hati na lang kami ng archetype na i-rereport namin. Siguro mabuti rin na nauna kaming nagreport para hindi na yun sumabay sa iba pang requirements. Dahil kami ang una, kami ang nagset ng “standards” sa pagreport, kung meron mang standards. Siyempre kung naunahan kami ng isang magandang report, dapat madaigan yung report nila, grabe masyadong competitive! Hindi siguro natapos basahin ng mga kaklase namin ang readings dahil sobrang haba kaya mabuti na rin ang pagrereport namin para nalaman nila kung ano talagang mahalagang sinasabi ng readings.Pero yung mga sumunod na report, maiikli na yung mga readings at karamihan ng mga kaklase namin ay nagbabasa naman talaga. Kaya nakakainis ang mga report na inuulit lang ang sinasabi sa handout kasi alam na namin yun, nabasa na namin yun. May ibang reporter na buti naman ay nagbigay ng dagdag na impormasyon, hindi lang yung nakalagay sa handout. Sayang ang oras sa pakikinig sa report na inuulit lang talaga, halos word for word, ang readings. Ako nakikinig ako sa mga report at na-a-appreciate ko talaga pag may dagdag akong impormasyon na nakukuha.

Aparentado PP 17 TFU1
Reaksyon sa mga pamangkin
Nung nagkaroon ako ng mga pamangkin, nagsimula akong mag-reflect tungkol sa pagpapalaki sa akin at saka sa mismong buhay ko nung bata pa ako. Iniisip ko kung ganun ba ako kakulit noon tulad nila ngayon. At nakakahiya pala talaga pag may nakita kang nagdadabog na bata, parang sisisihin mo nga na mali ang pagpapalaki sa bata. Pero hindi naman perpekto ang mga tao at normal na rin na nagdadabog ang bata. Pero pwede namang idisplina.
Napapansin ko ring iba na nga ang mga bata noon at ngayon. May pamangkin akong 12 years old na may t-shirt na nakalagay: “the man” at may arrow na naka-turo pataas sa mukha niya. At mayroon ding nakalagay na “the legend” at nakaturo pababa sa “lawit” niya. Pinapabayaan lang siya na magsuot ng ganung ka-obscene na t-shirt at sabi niya sa akin: “Totoo naman, e.” Noon ang mga pambatang t-shirt namin ay may mga design ng ninja turtles, hello kitty atbp. Ngayon iba-iba na ang mga design at nakasulat, at may mga hindi bagay na suotin ng bata.
Pero nakakatuwang malaman na kahit panahon na ng computer games at cellphone, naglalaro pa rin ang mga pamangkin ko ng habulan at taguan. Wala ring nagbago sa mga pambatang laro. Simple pa rin ang kasiyahan ng mga bata. Sama-sama sila, nagtatawanan habang pinapawisan.

Paksa: Ukay-ukay

Gustong-gusto ko talagang mag-ukay ukay. May mga gabi ngang napapanaginipan ko na nasa ukayan ako at ang dami kong magagandang napiling damit. Pag-gising ko, wala naman pala. Sa Baguio, legal na ang magbenta ng ukay-ukay kaya marami pa ang nagsulputang mga stall. Smuggled na mga damit nga raw ito at para talaga sa salvation army. Ibig sabihin mga damit talaga ito na ibibigay dapat sa mga nangangailangan. Masama ba na sinusuportahan ko ito? Pero ginawa na siyang legal, e. Pero masarap talagang mag-ukay. Kahit na ngawit na ngawit na ang mga kamay ko sa katitingin sa bawat rack ng damit. Yun ang sekretong sinabi sa akin para makahanap ng magandang damit. Kailangan bawat damit isa-isahin mong tingnan at sa gitna ng mga pangit na blouse ay may unique at maganda kang matatagpuan. ‘Yun nga lang kailangan ng inspection, dapat walang butas o mantas. Hindi ko na pinakukuluan ng sampung beses ang mga damit na nakuha ko sa ukay. Grabe naman yun, isang ordinaryong paglalaba okey na, malinis na yun. Hindi naman ako kinakati, kasi sabi ng iba may mga surot sa damit. Kaya ko gusto mag-ukay ay dahil mura na nga presyo at ikaw lang ang merong ganung damit sa buong mundo, este buong Pilipinas pala. Minsan may kapareho ka pero at least dalawa lang kayo…o tatlo… Basta wag lang bumili ng leather jacket kung hindi sigurado kasi natatanggal ang balat pag pangit ang pagkagawa.

Aparentado PP17 TFU1
Reaksyon sa high school classmates ni Capinpin
Naaalala ko nung huling mga buwan ng buhay high school, habang nagkukuwentuhan ang mga kaklase ko sa classroom, tinitingnan ko sila isa-isa at ninanamnam ko na ang huling mga panahong magkasama kami. Inaalala ko yung bawat detalye, yung kalat sa classroom, yung mga kalokohang nakasulat sa blackboard, yung iba’t ibang tawa at expression sa mukha nila. Expected na kasi na hindi na magiging buo ang klase namin pagkagraduate. Iba-iba nang mga college ang papasukan, bago nang mga kaibigan ang makikilala namin.
Hanga ako sa ibang mga kaibigan ko na malapit pa sila sa mga kaklase nila nung high school. Yung isa nga, bawat linggo silang lumalabas ng kabarkada niya nung high school. Ako, tinetext ko yung iba o mine-message ko sa friendster yung mga matagal ko nang di nakakausap pero hindi talaga nagrereply yung iba. Nakakalungkot kasi parang kinalimutan na nila yung samahan namin noon. Pero nakakatuwa naman yung hanggang ngayon nako-contact ko pa rin at kahit na malayo kami sa isa’t isa at kahit na may iba na rin silang kaibigan ay nagagawa pa rin naming makapagkuwentuhan at makarelate sa isa’t isa kahit iba na ang mundong ginagalawan namin. Iba talaga pag kasama mo yung tao at sabay niyong nararanasan ang problema at saya. Pero okey na rin kung hindi na kayo magkasama, pero napag-uusapan niyo pa rin ang mga problema at nagtatawanan pa rin.

Paksa: Mannequinism

Wala pa raw sa diksyunaryo ang salitang mannequinism pero bawat taon naman dinadagdagan ang listahan ng Webster atbp. Ang fight mannequinism campaign (sa U.S.) ay tinatamaan ang mga kabataang walang pakialam sa mundo o sa komunidad niya. Ang halimbawa nito ay ang kabataang hindi bumoboto at hindi rin nagvo-volunteer tumulong sa komunidad niya. Ang mannequinism daw ay kondisyon na resulta ng political inactivity, kung saan tumitigas na ang balat mo at nagiging taong plastic ka, mannequin. Hindi ka naaapektuhan sa nangyayari sa paligid mo. Hindi lang naaapektuhan ang utak, kundi ang buong pagkatao at ang komunidad. Sa fight mannequinism campaign, hinihikayat ang kabataan na makisama, bumoto at mag volunteer. Sa isang survey, nalaman ng mga tao sa likod ng campaign na 57 percent ng kabataan ay hindi nakikialam sa komunidad niya.E, sa Pilipinas kaya, ilang porsiyento ng kabataan ang walang paki-alam sa nangyayari sa paligid nila? Hindi ko alam kung epektibo ang fight mannequinism campaign sa U.S.. Hindi ko rin alam kung meron nang campaign sa Pilipinas na naghihikayat sa kabataan na mangialam sa komunidad nila. Bakit ba walang pakialam ang kabataan? Sa UP student elections maraming estudyante ang hindi bumoboto. Ang cwts na klase ay parang pinipilit sa mga estudyante, at ginagawa nila ito dahil requirement. Ilan lang ba ang mga taong tunay na nag-eenjoy sa cwts? Paano nga ba mahihikayat ang kabataan na mangialam?

DINEROS, PP19(MHY1)
Reaksiyon: rodics… tse!
Teka, easy lang. OK kasi opinyon mo yan. Bilang isang kilalang food service establishment sa UP, hindi ganon ang pinapakita ng staff diyan sa Rodic's. Marahil ay ilusyon mo lang na ayaw ka nilang paorderin. Paano ka naman nila aayawan, e profit nga ang hanap nila. Sa dami dami ng kustomer ng Rodic's bawat araw, wala naman silang masamang feedback sa maliit na space. bumabalik sila dahil sa pagkain at pati na rin ang ugali ng staff. Napakahalaga sa isang kainan ang attitude ng food servers dahil repleksyon sila ng buong establishment. Huwag tayong maging judgmental.
Paksa: Presidenteng Babae
Sa US,may mga sumubok nang tumakbo noon ngunit palaging natatalo sa mga lalaking kandidato sa pagkapangulo. Sa pagtataguyod ng gender equality at pagkakaroon ng aktibong presensiya ng mga babae sa US, marahil ay malapit nang masira ang "spell". Kasalukuyang hinahangaan ngayon si Condoleezza Rice na siyang Secretary of State. Sabi nang iba ay posibleng kalabanin niya si Hillary Clinton upang maging unang babaeng presidente ng US. Ngunit naunahan na silang Germany dahil si Angela Merkel ang naging kauna-unahang babaeng chancellor ng bansa. Si Rice ay isang Nobel Prize nominee habang ang ating pangulo ay nakasali sa People Who Mattered noong 2005. Pareho naman silang matatag nunit may pagkakaiba p[a rin. Di tulad ni Rice, si Pangulong Arroyo ay matatag sa harap ng malakas na oposisyon at kabi-kabilang batikos.

YALONG, HUM 1, MHR 2

REAKSYON sa Liham para kay Kurt Cobain ni Salendab, TFR 1

Nakakatakot kung mag-isip ang mga sobrang talino noh. Anyway, hindi ko kilala si Kurt Cobain. Hindi ako maka-relate.

PAKSA: Mga Pusa sa mga Dorm

Alam nyo ba na welcome ang mga pusa sa Kalai? Kasi sabi nung dorm manager na si Ma’am Alma Tirona, hindi niya pinapaalis ang mga pusa kasi nagkakaroon ng mga daga pag wala yung mga pusa. E mahirap na daw baka kung anu- ano pa ang ngatngatin ng mga daga. Kaya kahit nagkakalat ang mga pusa, wecome pa rin sila sa Kalai.
Dito naman sa Ilang, palibhasa, grass and open ang gitna ng dorm, hindi maiiwasan ang mga pusa. Ano ang common sa mga pusa dito at sa Kalai? Pareho nilang kinakalat ang laman ng mga basurahan.

Tan, PP19/ MHY1

Reaksyon: Love is a state of mind ni ANG, U. HUM1 MHU2

Lahat naman kontrolado ng utak.

Sabihin nating nagkaroon ka ng total amnesia. Maniniwala ka bang ‘pag nagkita kayo ulit ng boyfriend mo ay may mararamdaman kang kurot sa dibdib tulad nang sa mga pelikula? C’mon. Sino pang naniniwala sa ganon? Syempre iniisip mo na mahal mo siya, na mayroong something sa kanya na hindi mo maipaliwanag. But it’s all in the mind.


Paksa: UPCAT Announcement: Bad news po..

Kakalabas lang ng UPCAT results. Marami sa mga kaibigan ko sa lower years ang hindi nakapasa. Nakakapanlumo pala kapag ikaw ang magdadala ng bad news sa isang tao. Kahit ba hindi mismo ikaw yung bumagsak sa test. Kaya pala ganun na lang mag-react yung mga pinsan ko nang sabihin nilang pumasa ako. Kasi masarap talaga yung feeling.

Pansin ko lang, mas kakaunti na ang mga pumasa ngayon kumpara noong nakaraang taon. Bukod daw kasi sa bago na ang academic committee, ang budget cut taon-taon ay nakakaapekto sa dami ng estudyanteng kayang suportahan ng unibersidad.

Mas kakaunti pa kaya sa susunod?

YALONG, HUM 1, MHR 2

REAKSYON sa Pinoy big brother teen edition ni ALMEDA, TFU1

Ay sayang naman over age ka na. Ayokong mag-audition, mas gusto kong mag-aral.

PAKSA: Manok maya’t maya

Bakit ganun yung concessionaire dito sa dorm? Masarap silang magluto kaya lang nakakasawa kasi lagi nalang manok ulam namin. Madalas pang mag-ulit kaagad ng klase ng ulam. Konti na lang ba talaga ang alam nilang putahe o tinitipad lang nila kami? Isa pa, mamantika yung ulam. kapag nga lumamig lang ng konti nagsesebo na kagad. Sino kaya ang makakasagot sa tanong ko noh? Pero in fairness to my dorm mates,yung bumubuo ng welfare committee, gumagawa na yata sila ng paaran para maresolbahan ang laging pag-uulam namin ng manok at iba pang problema sa ulam.

YALONG, HUM 1, MHR 2

REAKSYON sa Panoorin o basahin... ni Rdrgz, mhu2Kung ang isang libro ay naisa-pelikula na at hindi ko pa nababasa yung libro, papanoorin ko na lang kasi wala na akong panahon magbasa. Kahit pa sabihin nilang mas detalyado yung nasa libro, ok lang atleast, alam ko na yung story and moral of the story.

PAKSA: Senior Voice Talents

Yung buddy ko sa MCO, nagpunta sila sa DZRH. Mula doon, nalaman niya na kailangan ng DZRH ang mga batang voice talents. Puro kasi senior citizens na ang mga voice talents sa mga radio drama nila. Nag-aaya mag-apply yung buddy ko. Gusto kong sumama kaya lang kaya ko pa kaya? Sa totoo lang first year college pa lang, naisip ko nang gawing part-time job ang pagvovoice talent. Sana kayanin pa ng schedule ko at ng katawan ko.

YALONG, HUM 1, MHR 2

REAKSYON sa Debut Blues!!! Ni Capinpin MHY1

Capinpin, baka naman isusurprise ka ng parents mo? Malay mo di ba surprise pala kaya wala man lang sinasabi. Pero pakiramdaman mo din. Gusto mo ba magdebut? Edi sabihin mo sa parents mo. Wait lang, naghihintay ka na magsalita sayo yung parents mo para sa specila night mo, e may konsepto ba sila ng debut? Baka naman mamaya wala silang konsepto ng debut. Baka bigla- bigla ka nalang reregaluhan ng kotse, o laptop o cellphone.
Yung 18 sa babae at 21 sa lalake, I don’t really have an idea kung bakit.

PAKSA: Pagkanta ang frustration ko

Sana hindi ako tone deaf para naman makapasok ako sa isang chorale. Kaya lang tone deaf ako. Hindi ako sigurado kung nareremedyuhan ang ganoong incapability ko. Pero pagkanta talaga ng frustration ko. Gusto kong maging miyembro ng UP Singing Ambassadors. Gusto kong makasama sa mga European Tours nila. Bukod sa nakakapamasyal na’ko, nagkakaroon pa’ko ng pagkakataon na irepresent at ipagmalaki ang Pilipinas sa buong mundo!

YALONG, HUM 1, MHR 2

REAKSYON sa ang pangalan niyo ni Almeda, TFU1
Oo proud ako sa pangalan ko! Naniniwala akong kasing ganda ko ang pangalan ko – Ynna Margarita. Haha! Wala ng gagaya niyan. Nga pala, may gumaya na kasi nyan. And of all people, ginaya yan ng tita ng crush ko. So kapangalan ko yung bata at ang surname nya yung surname din ng crush ko. Sabi ko nga dati, ginaya niya pangalan ko, gagayahin ko naman ang apelido niya! Haha! Gets?

PAKSA: Movies as Advertisements

Napansin niyo ba na pati ang medium na film at maikling pelikula ay ginagamit na rin sa mga commercial sa TV? Nagpacontest pa nga ang Sunsilk para jan di ba? Yung hair story now a mini movie. Tapos yung bagong commercial ni Dennis Trillo ng Kotex, short movie format din. Nung una ko ngang napanood yun akala ko, trailer ng bago niyang pelikula. Commercial lang pala. Pero hindi ba nakakatuwa na hindi na lang pang puting telon ngayon ang pelikula? Dahil sa pagiging malikhain ng mga tao, pang commercial na rin sa TV ang pelikula!

YALONG, HUM 1, MHR 2

REAKSYON sa high school classmates ni Capinpin, MHY1

Hindi ko alam kung paano magrereact kasi hanggang ngayon di ko masabi kung masaya ba talaga ang high schol life ko. Ang buong high school life ko ay puro pressures. Pero masaya ako kapag nagkakaroon ako ng achievements. Maraming nakikipagplastikan pero kapag nandyan na ang mga totoo kong kaibigan na mabibilang mo lang sa kamay wala na akong pakialam sa mga namamlastik sa’kin. Pakiramdam ko noon, pinagtutulungan ako ng buong classroom (pero minus my friends). Kinukumpitensya nila ko kahit hindi ako nakikipagkumpitensya. Nabubugbopg ako ng pamamlastik at pangungumpitensya nila. Pero kailangan kong maging matatag. Kailangan manatili akong nakatayo dahil hindi naman ako papayag na tumawa sila at my expense! Pagkagraduate, akala ko matatapos na ang lahat. Pero hindi pa rin. Patuloy ang pagkulo ng lava na kahit anong pagtatakip ang gawin ay natural na maramdaman pa rin. Pero hanggang nanjan ang high school friends ko at tuwing naaalala ko ang mga napagtagumpayan ko, may maitatago pa rin akong magandang alaala ng high school.

PAKSA: Chandelier sa may lobby ng Ilang Dorm

Meron bang ibang dorm dito sa UP na may chandelier? Ang Ilang dorm lang ba? Ngayong taon lang daw nilagay yung chandelier na yun. Ewan ko ba kung bakit sa kabila ng budget cut ay nakuha pa ng Ilang Admin. na maglagay ng magandang chandelier sa lobby. Pero sa totoo lang, nang makita ko ito ay natawa ako. Hindi naman kasi bagay yung golden chandelier sa gusaling ito na mahigit 50 taon na. Basta! Hindi nagmamatch yung chandelier sa architecture ng Ilang- Ilang Residence Hall. Try nyong pumunta dito sa Ilang and check out the golden chandelier at the lobby. Hehe…

YALONG, HUM 1, MHR 2

REAKSYON sa forwarded text quotes ni Almeda, TFU1

Depende sa mga nagtext. Kasi alam ko kung sino sa mga katext ko yung minimean pa rin yung forwarded. Alam ko kung sino yung para lang masulit yung unli. Mas maganda nga yung personalize, yung nandunyung pangalan mo sa message. Atleast sigurado ka na para talaga sa’yo yun at hindi ka lang nadamay sa distribution list.

PAKSA: Open house ’06 sa Ilang Dorm

Nag-open house kami last Saturday. Kaya lang, wala ako. Yung mga roommates ko lang natira dito sa room. Yung nanay ko kasi dumating dito sa dorm ng 10:30 am tapos after a few minutes umuwi na kami sa Bulacan. Sabi ng room mates ko, pag-alis ko daw tsakanagdatingan yung mga tao. Kinagabihan, may concert dito sa dorm. Hindi ko rin napanood yung concert na yun/ java night na hindi kape ang sinerve kundi ice tea kasi nga nasa Bulacan na’ko. Ano ba ang sususnod na activity? Ah, formal dinner. Sana naman walang masabay na ibang important activity para makaattend ako. Recognition din kasi yun e. Baka kasi last time ko ng maging CS, sayang naman kung hindi ko pa maaatenan ang recognition. Hay, pahirap na ng pahirap ang buhay estudyante. Pero thankful pa rin ako kasi dormer ako. Ang hirap kaya sa mga boarding house dito! Kapag boarding house mahal ang bayad, masikip, at hindi ka sigurado sa paligid mo.

YALONG, HUM 1, MHR 2

REAKSYON sa nakawan sa dorm ni Gimao, MHY1

Nakawan nga ang isa sa mga pinakalumang problema sa mga dorm sa lahat ng unibersidad. Noong isang buwan lang dito sa Ilang-Ilang residence hall, may nag-announce at nagmamakaawa na ibalik na raw yung kanyang digicam at webcam. Noong isang taon, yung kabarkada ko, nawala yung cellphone niya sa kwarto niya sa Kalai. Kung kapos sa pera, wag naman sanang magnakaw kasi pinaghirapan yung mga bagay na ninanakaw. Pwede namang manghiram ng pera. I hope matigil na ang nakawan.

PAKSA: Eye glasses

Malaki ang nagiging epekto sa itsura ng salamin sa mata. Mas nagmumukhang kagalang-galang at matalino ang isang tao kapag may salamin. Kaya yung iba, ginagawang pamporma ang salamin. Tama ba yun? Ang disadvantage naman ay nakakatanda ito ng itsura. Yung younger sister ko, may astigmatism sya kaya nakasalamin. Ayun, mukhang s’ya ang ate ko! Kasi ‘pag astigmatism pala hindi pwedeng contact lenses kailangan talaga eye glasses. Kaya for the mean time, kailangan magmukhang matanda ng kapatid ko.Haha!

Reyes, C. PP17 TFU1

Reaksiyon: Mas Maarte ang mga Lalaki

Hindi ko alam kung totoo nga ito pero kung magbibigay ako ng komento sa tingin ko meron talagang mga lalaki na mas maarte pagdating sa pangangatawan nila. Yung kuya kasi ng kaibigan ko, mas mabusisi pagdating sa pagpapaganda ng itsura. Madalas nga, nakikihingi lang siya ng mga gamit nito gaya ng Ponds (facial wash). Pero hindi naman bading ang kuya niya, meron pa nga itong long time girlfriend at kung titignan, gwapo talaga ang kapatid niya. Siyempre maganda rin naman siya. May mga lalaki lang talaga na sadyang maalaga sa katawan nila.

Paksa: Unlimited text, forever Na!

Naalala niyo ba kung saang commercial sinabi ito? Sinabi ito ni Michael V. Sa commercial ng Globe. Parang kelan lang, wala pang cellphone at nauna munang mauso ang beeper at monologue phones. First year college na nga ako nung unang magka-cellphone at ngayon paganda na ng paganda ang mga unit na nilalabas ng mga cellphone companies, pero pamahal na rin ito ng pamahal. Kaya siguro nauso ang unlimited texting para lang pambawi sa pamahal na pamahal na mga gastusin ngayon. Bialng subscriber ng Globe, malaking tulong sa akin ang serbisyong ganito. Ang problema nga lang, globe-to-globe lang pwede ‘to. Sana pwede ring makapagtext sa ibang networks gamit ang unlimited text. Asa pa ‘ko.

YALONG, HUM 1, MHR 2

REAKSYON sa pbb season 1&2 ni Zablan, MHU2

Hindi ko maaffirm nor makontra yung sinabi ni Zablan kasi pareho ko namang hindi masyadong natutukan at natututukan ang dalawang version ng PBB. Pinapanood ko yun pero hindi tutok. Pero nung huli kong pinanood ang PBB celebrity edition, mukha namang masasaya talaga sila. Hindi naman mukhang plastik.

PAKSA: DZUP 1602

Alam nyo ba na may radio station ang UP? Ito ay AM station, ang DZUP 1602. Mga broad com interns yung mga nag-oon-air dun and last sem, natatag ang DZUP Radio Circle (DZUPRC). Ang org na mangangalaga sa DZUP 1602. Bilang isa sa mga unang project ng DZUPRC, nagprovide ang org ng speakers sa iba’t-ibang colleges para mapakinggan ang DZUP sa buong sangka-UP-han. Ngayong election season, special ang programming ng DZUP 1602 para magbigay daan sa elections coverage.

YALONG, HUM 1, MHR 2

REAKSYON sa new friends vs old friends ni Zablan, MHU2
Hindi naman kailangang maglaban ang mga new friends at old friends. Yung mga old friends ko (hs friends) sinisigurado namin na magkakaroon kami ng kahit isang araw na bonding kapag sem break, Christmas break at summer vacation. Ok na sa amin yun at tinetreasure na namin ang mga bilang na bilang na araw na’yun. Naiintindihan naman namin ang isa’t-isa. Alam naman naming pare-pareho kaming abala. Kapag may okasyon tulad ng birthdays, pinapakilala namin ang mga new friends sa mga old friends and vice versa. Imposible naman kasing hindi ka magkaron ng new friends. Pero anu’t ano pa man, walang namang kahit sinong makakapalit sa mga kaibigan natin. Hindi pinapalitan ng new friends ang old friends at hindi rin mapapalitan ang new friends kahit pa sabihing people come and go sa buhay natin. Hindi napapalitan ang mga kaibigan, nadadagdagan lang.

PAKSA: UP-MCO Tambayan

Hindi malaki ang tambayan namin, kadalasan, masikip dito lalo na kapag maraming members ang nandun. Pero wala kaming pakialam. Mayroong parang magnet ang tambayan na parang hinihila kami para manatili doon. Mahal namin ang organization namin at mahal din namin ang isa’t- isa. Dahil din siguro sa mga tao kung bakit tuwing nasa tambayan kami ay kulang na lang dun na lang kami at wag na kaming pumasok sa classes namin. Mababait at masayahin ang mga orgmates ko kaya lahat kami magaan ang pakiramdam namin pag nasa tambayan. Tulong-tulong din kami sa responsibilities. Maswerte ako dahil hindi ako nagkamali sa pagpili ng inaplayang org.

ATIENZA,PP17/TFU1
Reaksyon: Speech ni Buluran,PP17
Naku, nakakatakot talagang magspeech sa harap ng maraming tao, lalo na pag alam mong intelektwal 'yong mga nakikinig. Natatakot nga akong kumuha ng Comm1,pero required akong kumuha eh,bahala na.
PAKSA: Pagsali sa Rally
Nasubukan mo na bang sumali sa rally? Ako hindi pa, gusto ko ngang subukan. KAso nakakatakot, kung si Prof. David nga naikulong, ako pa kaya. Pero, humahanga talaga ako sa mga raliyista, sila kasi ang nakikibaka para sa ikabubuti ng ating bayan. Hindi sila natatakot makulong at mukhang nakakapagod magmartsa.

Tan PP19/MHY1
Reaksyon: pagbabalik ng Wowowee ni AVILES, PP17 TFU1

Sang-ayon ako sa sinabi mo. Ibahin na lang din nila ang host. Sa palagay ko kasi, hindi na maibabalik ang dating sigla ni Willie dahil sa nangyari. Tsaka ano na lang ang sasabihin ng mga bata kapag napanoon nila ang Wowowee at si Willie sa tv? Na, “Ay yan, dyan sa show na ‘yan namatay yung nanay ko.” Ang sama naman yatang pakinggan ng ganun.

Hindi na rin makakabangon pa ang noontime shows ng ABS. Mahirap na kasing matapatan ang Wowowee dahil baka maulit lang ang pananabik ng mga tao at mangyari ulit ang stampede. Good luck na lang sa kanila.


Paksa: RACISM at ang kakaibang amoy ng mga negro sa COOP

Napansin nyo ba ang mga nagkalat na mga negro dito sa UP? Hindi naman sa racist ako pero buti na lang at wala na sila.

Regular kasi akong kumakain sa COOP. At noong mga nakaraang buwan, hindi na matiis ng sikmura ko ang “kakaibang amoy” doon lalo na kapag dumadagsa na ang mga negro sa lugar. Yung parang “concentrated shawarma smell” ayon sa isang prof. Grabe talaga. Alam ko naman na dahil lang ‘yon sa mga kinakain nila. Pero , di ba yun naalis ng paligo? Ganon ba talaga sila karumi sa katawan? Kadiri naman. Buti na lang Pilipino ako. Kahit papaano mabango at naliligo naman araw-araw.

Pero isipin mo rin. Kung tayo, nababahuan sa kanila, sila kaya nababahuan din sa atin? Iba rin syempre yung kinasanayan nilang amoy ng paligid di ba? Oh well...

Reyes, C. PP17 TFU1

Reaksiyon: high school friends

Miss na miss ko na rin ang mga high school friends ko. Sa tingin ko rin, sa kanila ako naging pinakamasaya pero nung magkolehiyo ako mas naging masaya ako kasi mas marami akong naging kaibigan na talagang mahal ako. ‘Di ko rin naman mapasusubalian ang naging kontribusyon nila sa buhay ko. Sila ang mga naging katukayo ko at kasama sa lakaran nung high school. Sa ngayon bihira na kaming magkita-kita. Sana magkaroon kami ng reunion.

Paksa: Hair Relax, Hair Rebond, Cellophane, at iba pa

Pansin ko lang bakit ang karamihan sa mga babae gusto ng diretso, mahaba at makintab na buhok? At bakit kaya maraming parlors ang may iba’t ibang promo tungkol dito? Sa tingin ko bahagi ito ng kulturang popular na ipinahihiwatig ng mga shampoo commercials. Nakakita na ba kayo ng commercial kung saan ang modelo ay may kulot at buhaghag na buhok? Wala pa diba? Palagi na lang straight at shiny ang buhok nila. Para bang sinasabi nilang maganda ka kapag maganda rin ang buhok mo at pangit kapag kabaligtaran. Siyempre, alam naman nating lahat na hindi gumanda ang buhok nila dahil sa paggamit ng produkto na ineendorso nila. Iba talaga ang impluwensiya ng media sa masa.

YALONG, HUM 1, MHR 2

REAKSYON sa japanese/chinese food ni Zablan, MHU2

Pareho kami ni Zablan, hindi ko makain ang mga Japanese food kasi nga parang hilaw na parang malansa na basta ‘di ko gusto ang lasa. Pero gusto ko ang mga Chinese food. Sa katunayan, noong elementary, pag nagsusulat ako sa slumbook at tinanong ang favorite food, eto ang sagot ko: Native foods, sea foods at Chinese foods!

PAKSA: Pearls

Totoo ba na married woman lang dapat ang nagsusuot ng pearls as accessories? Kasi dahil nga nagcocollect ako ng earrings, isa sa mga naging collection ko yung mga imitation na pearl earrings. Mayroon yata ako ng lahat ng kulay ng pearls kasi whole sale akong mamili sa Divisoria para mabenta ko din yung iba. Tapos, nung napansin ng mga pinsan kong mas matanda na lagi akong nakapearl earrings, sinabi nila sa akin na malas daw yun. Kasi daw it will cause sorrow to a single woman. Mukha daw kasing luha ang pearls. Pang married woman lang daw ang pearls. Tapos inaffirm yun ng tita ko. May basis ba yun?

Reyes, C. PP17 TFU1

Reaksiyon: Pagtira sa Mars

Oo naman siyempre dapat unahin muna nating alagaan at i-enhance ang earth bago ang ibang planeta. Pero astig din kung pwede palang tumira sa Mars ang mga tao. Yun nga lang, siyempre super mahal siguro ‘yon. Nakakatuwang isipin na may mga taong nagpapakatiyaga gawin ang mga ganitong pag-aaral. Sana may parte din tayong mga Pilipino sa mga pangyayaring ganito. Pero malabo na siguro ito dahil sa teknolohiya pa lang, sobrang atrasado na tayo kumpara sa ibang bansa at isa pa, napupunta ang malaking halaga ng ating budget sa pambayad-uatang. Pero may pag-asa pa tayo at yun ang isang paniniwalang hindi ko bibitawan.

Paksa: Online Games

Ano ba ang meron sa ragnarok at MU at kinababaliwan ito ng maraming mga kabataan lalo na ng mga kalalakihan? May kakilala kasi ako na gabi-gabi naglalaro ng MU at sobrang adik na talaga siya dito. Parang ang lumalabas pa nga, binili ang computer nila para sa paglalaro niya imbes na gamitin sa mas inportanteng mga bagay. Ano bang nakukuha nila dito? Bukod sa magastos ito sa prepaid cards at kuryente, sayang din ang oras. Ano ba talagang meron sa online games?

YALONG, HUM 1, MHR 2

REAKSYON sa ayoko ng magblog ni Zablan MHU2

Wag kang mag-alala hindi lang ikaw ang tinatamad. Ako naman wala sa mood mag-net. Hindi kasi talaga ako internet person nor pc person. Mabilis kasi sumakit ulo ko sa harap ng computer. Kaya eto kinacram ko ang blog ngayon. Pero bumabawi naman ako sa topics ko. Galing sa puso yung mga sinusulat ko.

PAKSA: Dangling Earrings

Bawal ang dangling earrings noong high school kami. Kaya simple lang ang mga accessories ko. Pero nung first year, nagkaroon ako ng fashionistang room mate. Hanggang sa naging magbabarkada na kami kasama ang iba pang corridor mates namin sa Kalayaan Residence Hall. Ibat’t iba ang personalities namin. May mga fashionista, may mga simple. Never kong kinonsider ang sarili kong simple simula pagkabata. Kapag naman kinumpara ako sa mga kabarkada kong fashionista, wala akong sinabi sa kanila. Conservative ako pero hindi simple. Siguro nasa gitna ako. Dahil nasa nagdadala naman ang pagsususot ng dangling earrings, sinimulan kong gumamit ng mga ito. Pati kapatid ko pinagsuot ko ng dangling earrings and it turned out na bagay sa kanya at hindi siya mukhang cheap. Ako naman lagi kong tinitimbang ang itsura ko tuwing may suot akong dangling earrings. Hindi pwedeng masyadong mahaba kasi maikli ang leeg ko. Ngayon nagdadangling earrings na ko. At tulad ng dati kong room mate, naging koleksyon ko na rin ang mga hikaw. Parang naging form of expression ko na rin ang pagsusuot ng hikaw. Parang incomplete ako pag walang hikaw. Kapag naman sinadya kong hindi magsuot ng hikaw, ibig sabihin, bad mood ako.

YALONG, HUM 1, MHR 2

REAKSYON sa pusang aktibista ni Zablan, MHU2

Matatalino talaga ang mga taga-UP! Isang patunay lang yan na hindi kayang isupress nino man ang freeedom of speech at expression. Hindi natin hahayaang maipagkait sa atin ang ating mga karapatan! Lagi tayong makakaisip at makakagawa ng paraaan para ilabas ang ating mga hinaing at saloobin. Walang makakapigil sa mga Iskolar ng Bayan!

PAKSA: Yellow Cab- hindi sulit!

Dahil nagbirthday ako, tinreat ko ang mga room mates ko sa Yellow Cab sa Katipunan. Umorder kami ng pizza na four seasons (4 yung variants sa isang pizza) para masaya, iba’t- ibang flavor. Tsaka dahil brthday celebration, umorder din kami ng spaghetti. Tapos tigi-tigisa kaming softdrinks in can. Bale 4 kaming kumain at naka P800 kami. Nakakabusog pero parang hindi sulit kasi bakit paper plates and plastic spoon and fork ang ginagamit dun? First time ko kasi sa yellow cab. Mas gusto ko pa rin ang Pizza Hut o kaya Sbarro. Pero sabi nung room mate ko mas masarap daw sa yellow cab SM North. Iba-iba pa pala yun!

Reyes, C. PP17 TFU1

Reaksiyon: Pagbabalik ng Wowowee

Sa tingin ko rin, mas makabubuti kung papalitan na lang nila ang title ng show dahil magiging alaala lang ito ng trahedyang hindi naman ginusto ninuman. Pero sa tingin ko, unfair na sisihin natin ang may pakana ng show na ito. May mga kasalanan din tayong mga mamamayan sa nangyari. Masydo dumepende ang tao sa instant pera. Hindi na natin naiintindihan and mga salitang pagsusumikap at pagbabanat ng sariling buto. Oo nga nagkulang ang management sa pagkontrol ng mga tao pero huwag naman sana natin ibunton lang sa kanila ang sisi. Isipin niyo nga, kasalanan ba ng ABS-CBN na namatay ang isang batang babae sa stampede samantalang nag-aaya na ang bata sa kanyang ina na umuwi na bago pa man maganap ang trahedya?Bago tayo magalit at manisi ng iba, marapat lang siguro na maging patas tayo sa pagtingin sa kabuuan ng larawan.

Paksa: Last Day On Earth!

Sa dami ng sakunang nagaganap sa ating bayan ngayon at sa dami ng nagsasabing end of the world na, maisip niyo na ba panu kung huling araw niyo na ngayon dito sa mundo? Paano kung hanggang mamayang alas dose na lang ng gabi ang huling pamamalagi niyo dito? Ako, hindi pa ako handing mamatay pero hindi ako takot na mawala. Alam ko rin naman kasi na hindi ito ang permanenteng bahay ko, ang pagtira ko dito sa mundo ay isa lamang “training” para sa mas malaking hamon na naghihintay sa akin. Pero kung kayo ang tatanungin, anong gagawin niyo sa huling araw niyo sa mundo?

YALONG, HUM 1, MHR 2

REAKSYON sa usapang single ni Zablan, MHU2

Bakit nga ba big deal ang pagiging single? Pero equally big deal din naman ang pagkakaroon ng boyfriend or girlfriend. In my case, hindi ko masabing peer pressure na kailangang may boyfriend kasi ang buong barkada ko ay walang boyfriend. Social pressure siguro ang dahilan kaya nasasabi ng maraming tao na big deal ang singleness. Ang dami kasing nag-pi-PDA sa paligid. Pero mas enjoy nga ang pagiging single kasi wala kang iniintindi. Although minsan malungkot mag-isa, I just turn to my friends whenever I need a company.

PAKSA: Flip flops

Uso ang flipflops. Sa madaling salita, tsinelas. Ito yung parang Beach Walk na may design. Pero bakit napakamahal nung isang klase, yung Havaianas. Imported daw kasi from Brazil. Pero kahit na! Grabe ang presyo nung simpleng tsinelas na’yun! Anong klaseng goma ba ang ginamit dun? Aba nadaig pa yung Happy Feet. Buti pa yung happy feet, kahoy tsaka may leather tsaka mas pwedeng pang-alis. E yung Havaianas parang pang beach lang.

DINEROS, PP19(MHY1)
Reaksiyon:Text votes
Tama nga na unfair ang ganitong sistema lalo na sa mga artista search o iba pang mga contest. Kahit pa sabihin na 25,30 o 40% lamang ito ng buong score, hindi pa rin patas dahil masasayang lamang ito. Mapupunta ang votes sa mga taong malakas ang appeal kahit na walang talent. Napakadaling magsend nang magsend nang text votes lalo nakung mapera. Sa kabilang banda, ang mga organizers ng ganitong show ay hinahayaan na amg mga tao na piliin ang mga contestants na para sa kanila ay magiging matinee idols at sikat balang araw.
Paksa: Dress Code sa Sports ,Atbp
Matagal-tagalna ring nagkaroon ng dress sa NBA at iba pang mga isports. Halimbawa na lamang ang mga manlalarong injured o hindi maglalaro na dapat ay nakabusiness attire (coat and tie). Nagkaroon naman ito ng magandang idinulot lalo na sa pagsulong ng imahe ng isang liga. ang isang manlalaro ay dapat na maging propesyunal hindi lamang sa kilos kundi pati na rin sa pananamit.Kailangang sumunod sa mga rules kahit na may choice pa rin silang magsuot ng maluluwag at informal na damit. Kagaya rin ito sa ilang mga pagtitipon tulad ng executive meetings, JS Prom at debut party. Mahalaga ang sumunod sa dress code dahil repleksyon din ito ng ating personalidad.

YALONG, HUM 1, MHR 2

REAKSYON sa Mga walang kwentang tao ni Zablan, MHU2

Para sa’kin may mga kwentang tao ang mga nr o no reaction. Kasi dahil sa pananahimik nila, nagiging kabawasan sila sa mga lalong magpapagulo ng sitwasyon. Magpapatangay na lang sila…bahala na. Hindi logical sa kanila ang magbuwis ng buhay kung malamang ay dehado sila sa susuunging laban. Bakit ko alam at bakit ko pinagtatanggol ang mga nr? Kasi syempre, kadalasan ay isa ako sa kanila.

PAKSA: Mga dula ng DUP

Bakit yung mga shows ng DUP, hindi consistent? Merong maganda merong boring. Yung St. Loves dem Filipinos laging well applauded at standing ovation pa. Ilang beses pa nga yung naextend at pinalabas pa sa ibang teatro dito sa Metro Manila. Maganda ang pagkakagawa sa paly na ito. Educational na, entertaing pa at nakakatouch pa ng emotions. Pero yung kasunod, yung Sepharad, hindi ko masyadong nagustuhan. Boring. Buti na lang complimentary yung ticket ko. At least wala akong pinanghinayangang pera. Yun namang Gabriela, maganda din. Pero mas bongga pa din ung St. Louis… Maipagmamalaki ng Gabriela yung mga actors nito at yung mensahe at ideyalismong ipinalalaganap ng dula. Try nyong manood ng mga theater plays kung hindi pa kayo nakakapanood. Mag-eenjoy kayo. Naaapreciate ko kasi yung mga alagad ng sining sa larangan ng teatro.

YALONG, HUM 1, MHR 2

REAKSYON sa Pagiging Devil's Advocate ni MARTINEZ, TFR1

Kung minsan nga ay parang advantage na mayroong devil’s advocate sa grupo. Isa syang challenge na nagkatawang –tao. Atleast, dahil sa kanya, magiging handa ka sa mga pangyayaring hindi mo inaasahan pero posible talagang mangyari. Kapag napaghandaan mo yun or nakagawa ka ng plan B at plan C bukod sa orihinal mong plano, edi nakatulong pa sa’yo yung devil’s advocate.

PAKSA: Ang Debut ng Pinsan Ko

Yung isa kong 2nd cousin, magdedebut pala! Aba gawa na yung imbitasyon tsaka lang sinabi sa akin na kasama ako sa 18 candles at isa pa ako sa mag-eemcee. Hay nako, ayokong pumunta sa debut niya. Sasabihin ko nagkasakit ako o kaya baka kasi matapat yun sa formal dinner and recognition namin dito sa dorm. Bakit ayokong umattend? She doesn’t deserve an 18th Birthday Celebration!(with conviction ang statement na yun.) Bakit? Kasi hindi naman siya nag-aaral. Pinag-aaral siya ng mga magulang niya pero ayaw niyang pumasok. Dalawang beses na siya nagfirst year sa magkaibang eskwelahan at kurso. Pero pareho niyang bigla na lang hindi pinasukan. Anong inaasikaso niya? Yung boyfriend niyang addict! Nasa abroad mommy nya kaya nandun sya sa daddy nya and grandparents niya. Sumuko na sa kakapangaral sa kanya yung lolo’t lola niya. Nakiusap pa nga sila sa’kin na kausapin ko daw yung pinsan ko kasi baka sakaling sa’kin daw e makinig. Pero wala pa ring effect. Hindi ako nagmamalinis. Hindi rin naman ako perfect na anak or estudyante. Pero hindi ako kasing pabaya niya. Bahala siya mag-debut siya mag-isa niya! Gagawin pa niya kong emcee… ayoko talaga! Sa hirap ng buhay ngayon pinagdedebut pa ba ang tulad niyang nagpapasakit lang sa ulo ng mga parents niya and grandparents? I don’t think so!

ALMAZAN HUMI MHU2

REAKSYON: Fulfilling nga bang magpuyat?

Ok lang siguro kung paminsan-minsan lang nagpupuyat... Masama rin kasi ang walang tulog... Di nakakapagpahinga ang mga organs mo...Hehehehe... Pero ganun talaga... Kailangang magsakripisyo para magawa mo ng tama ang mga gawain mo sa buhay...

PAKSA: Ang Dulot ng UP sa Buhay Ko

Haaaaay... Napakasaya ko dahil sa UP ako nag-aaral ng kolehiyo ngayon... Isa itong bagay na maipagmamalaki ko sa mga taong malapit sa akin... Actually, sikat nga ako sa iskul ko noong hayskul dahil isa lang ako sa apat na nakapasa sa UP... Nakakatuwa ang suportang naibigay nila sa akin... At hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito... Papatunayan ko na karapat-dapat ako na tumuntong ng UP at dito ibuhos ang lahat ng nalalaman ko... Ang UP ang siyang magiging sandalan ko sa susunod na limang taon at sana, makayanan ko... Ang pagpasok sa UP ang nagpatatag sa akin na kailangang mag-aral para maabot ang mga pangarap ko sa buhay...

Rdrgz. Hum1/mhu2
Reaksyon: Maikling Buhok
Pansin ko nga rin e na karamihan ngayon mahahaba ang buhok. Marami kasing ayos ang puwedeng gawin at sabi mo nga maraming puwedeng pampaganda ng buhok meron ngayon kaya ayos lang na pahabain nila ang buhok nila. Sabi nga nila na kapag mahaba raw ang buhok ng babae mas mukhang babaeng tingnan, pero syempre yung nag-aayos naman. Hindi purkit mahaba buhok mo pero gulo-gulo naman wag na lang magpaikli ka na lang ng buhok kung hindi mo naman kayang ayosin o nahihirapan ka lang.

Paksa: Chat
Mahilig ba kayong makipagchat sa internet? Wala lang dati kasi mahilig akong makipagchat sa internet gaya ng msn o ym. Puwedeng makachat mo dito yung mga kaklase mo. Puwede ka rin maghanap ng website na puwede kang makipagchat sa ibang tao na hindi mo kakilala. Pero ngayon hindi ko na masyadong ginagawa yun. Kapag may nakasabay lang akong kaklase ko na mag-online non lang ako uli makikipagchat pero never na uli sa mga taong di ko kakilala. Ewan ko nga kung anong naisipin ko kung bakit ako nakikipagchat sa di ko kakilala malay ko ba kung nagsasabi siya ng totoo, sa bagay para trippings,hehe…

DINEROS, PP19(MHY1)
Reaksiyon:Golf
Ang golf ay hindi naman lubos na mental game. Mas marami pa nga rito ang pisikal na elemento kabilang na ang mga elemento ng panahon. Noon ay hindi maintindihan ang scoring ng larong ito. Ang objective ay ang maipasok ang bola sa isa sa mga 18 holes sa pinakakaunting strokes. Ang larong ito nga ay may appeal nga sa mga upper class ng tao. Karaniwan itong recreation ng mayayaman at mga pulitiko. Hindi naman kontrobersiyal ang pagdevelop sa golf course kasi ang mga lupang ito ay pribado at nakakontrata. May mga golf courses din naman may lodging facilities kaya masasabing resorts ang mga ito depende na rin sa lokasyon.
Paksa: Computer Games na R-18
Sari-saring produkto ng teknolohiya ang nagbigay sa atin ng bagong libangan gaya ng mga laro. Nagsulputan ang Xbox 360, PS2 at Gamecube pati na ang napakaraming laro sa PC maging ito man ay original o pirated. Sa sobrang pagkamalikhain ng mga gumagawa ng laro ngayon, napakaraming elemento na ng totoong buhay ang nakikita natin sa mga simulation o RPG games. May mga laro ngayon kung saan may mga minigames na makikipagsex ang bida sa babaeng nakilala, iniligtas o naunlock niya. Bukod pa ito sa mga krimen gaya ng patayan at nakawan na maaaring lumabas din. Nagkaroon na ng ban sa mga larong ito sa ibang bansa ngunit dito sa atin ay tila napakadaling makapaglaro ng mga ito. Kahit mga bata ay nakakapaglaro nito dahil sa mga internet cafe na malapit sa paaralan. Wala namang masama sa paggawa ng adult gamesngunit nararapat lamang ang mga ito sa tamang target market na walang iba kundi ang mga taong 18 pataas ang edad at may muwang na sa mundo ng violence at sex.

SAGAD, HUM1, MHU2

REAKSYON: UKAY_UKAY ni ANG,U

Actually totoo yung sinabi mo about sa Ukay-ukay na yan, totoo nga namang mura talaga ito diba. Totoo din na napapabagsak niya ang industriya ng damit. Totoo lahat yun pero hindi natin masisisi ang mga tao na bumili sa mga ukay-ukay dahil talaga namang napakamura ng mga ito, lalo pat halos taghirap ang mga tao ngayon sa ating bansa kaya't malamang bumili sila sa mga mas murang mga bilihin.

PAKSA: Party Animal

Isa ka ba sa mga taong halos lumubog na ang mga mata dahil sa puyat, mga taong pawis na pawis sa kakasayaw sa mga bars, mga bangag sa kakainom magdamag, halos hapon na kung magsipagbangon. sa madaling salita party animal ka din! king saan may party nandun ka!
Ang masama pa dito e halos kalimutan mo na lahat ng iyong responsibilidad sa lahat! wag naman sana tayong masanay sa ganitong pamumuhay na puro saya lamang! may panahon din para sa mga ganitong bagay!

MARTINEZ, PP17 (TFR1)

Reaksyon: Pagsali sa Rally ni Atienza (PP17, TFU1)

Nung highschool ako eh pinasali kami sa rally ng aming mga guro. Sila pa nga yung nagsimula eh. Anti Cha Cha pa nga ata yun. Pero ngayon na nasa kolehiyo ay wala pa akong sinasalian. Lagi kasing nasa gitna ng mga exam ko, o kaya'y hindi naman ako naniniwala sa rally. Inaadmire ko ang mga rallyista dahil sa kanilang motivation at resolve, ngunit kaya ko lamang ayaw sumali ay dahil iba iba naman ang mga gustong matupad ng mga rallyista. Tsaka ang problema sa ating lipunan ay iba iba ang mga impormasyon na "alam" natin, kaya ang hirap gumawa ng desisyon.

Paksa: Chopsticks ng Asya sa Spoon and Fork ng Kanluran

Pinagiisipan ko lang, na magaling na mirror ng kultura ang ating mga utensils. Dito pa lang sa simpleng bagay na ito makikita ang iba't ibang mga karakteristiks ng ating lipunan. Pagmasdan ang aking pagkumpara sa chopsticks at spoon and fork. Ang utensils ay inimbento ng human upang makatulong ito sa kaniyang pag kain. Ang pinaka-efficient na paraan ng pagkain ang nagguide sa kanya upang iimbento ang pinaka-swak na utensil. Ngunit iba pa rin ang naging resulta sa Asya at sa Kanluran.

Sa Asya, makikita na nilalagyan nila ng mas maraming halaga ang kanilang pagkain. Ang presentasyon at pag kain ng kanyang pagkain ay hindi lamang isang proseso - isa tong ritwal na kailangan pahalagahan. Bakit ko nasabi ito? Tingnan ang chopsticks. Stick siya ngunit ang kanyang paraan ng paggamit ay hindi nagtutuhog, hindi niya sinisira ang anyo ng pagkain. Kinukuha niya sa gilid ang pagkain, at kailangan mo ng skill upang magawa ito. Samantalang sa Kanluran naman, makikitang ang pagkain ay.. tila pagkain lang sa kanila. Pantuhog talaga ang kanilang utensils. Ang spoon ay upang panghawak ng mga bagay na maliit at hindi pwede tusukin. Ngunit tingnan ang fork. Kung malaki siya at pwede tusukin, tutusukin talaga nila.Dito pa lang ay makikita na ang kaibiahan ng ating kultura. Ang galing, no? Hehehe.

MARTINEZ, PP17 (TFR1)

Reaksyon: Mas Maarte ang Lalake ni Ang (HUM1, MHU2)

All girls school kasi ako buong buhay ko, kaya hindi ko alam kung totoo ba ito o hindi. Pero ang sarap lang basahin nung pinost mo kasi talagang bilib ka na sa iyong paniniwala. Totoo kayang mas maarte ang lalake sa mga babae? Siguro ay.. mas handa lamang ang mga babae na maging flexible sa kanilang standards.

Paksa: Ang Galing ng Usapan

Ang galing lang ng usapan na narinig ko kanina.

Tao: Bababa ba?
Tao 2: Oo, bababa na.
Tao 3: Babang-babang ka na, ah.
Tao: Aba, baba ko naman talaga.

Nakakaaliw lamang siya pakinggan. Kung ako ay isang foreigner at maririnig ko ang usapang ito, siguro ay iisipin ko talagang walang kwenta ang wika ng mga Pilipino. Napaka-phonetic at parang paulit-ulit lamang ang sinasabi nila sa isa't isa. Parang ako, kapag nakakarinig ako ng French, iniisip kong lagi silang may sipon kasi ganun ang tunog ng kanilang wika. Ang galing lang, kasi naiintindihan natin ang isa't isa na gumagamit lang ng mga.. syllables na ito.

MARTINEZ, PP17 (TFR1)

Reaksyon: Ukay Ukay ni Ang (Hum1, MHU2)

Paborito ko rin magshopping sa may Ukay Ukay, at hindi lang para sa mga costume. Kailangan eh matiyaga ka lamang maghanap ng mga may quality naman na hindi punit sa una mong suot. ANg galing din kasi, P50 lamang siya. Kung Tshirt lang din naman ang bibilhin mo, eh di mag ukay ukay ka na lang diba? Wala rin namang makakapansin kung authentic siya o hindi. Kanya kanyang diskarte!

Paksa: Saang Panahon sa History Gusto Mong Mabuhay

Kung papapiliin ka kung kailan ka ipanganganak, kailan mo pipiliin? Mananatili ka ba sa panahon natin ngayon, kung saan napaka-advanced na nga ng teknolohiya, ngunit palasak naman ang korupsyon at kapitalismo? Pipiliin mo ba sa panahon ng Ancient Greeks, kung saan napaka intelektwal ng mga tao, pero kung alipin ka naman ay bawal ka magsalita at habambuhay kang nakaluhod? O kaya naman sa panahon nina King Arthur, na may chivalry at honor, ngunit hindi pa naiimbento ang tissue paper? Kunyari pwede tayong mapanganak sa future, na nakakalakbay ka na papuntang Mars, ngunit naka-Air Mask ka na dito sa Earth kasi ang ozone layer natin ay wasak na talaga.

Para sa akin, maswerte siguro ang mabuhay ng mga 50's. Relatibong simple pa ang buhay, at ang mga oportunidad na umunlad ay marami-rami pa. Konti pa lamang ang kakompetensiya mo, at hindi pa masyado kurakot ang mga tao. Maari kang mabuhay ng simple lamang. Hindi kagaya ngayon. Ang simpleng buhay ay katumbas ng sobrang hirap na trabaho. Oo may teknolohiya naman tayo gaya ng cellphone at internet, ngunit hindi ito sapat sa uri ng lason sa ating lipunan ngayon.

SUAYBAGUIO HUM1 MHU2

Reaksyon: Curfew

Hindi pa ako nakakaranas ng buhay ba na may curfew.
MAlaki kasi ang tiwala ng mama ko sa aming magkakapatid, at dahil sa probinsya lang kami nakatira, hindi masyadong magulo doon at hindi masyadong dilekado compared dito sa metro manila.
malayo din kasi ang school ko sa bahay namin, 35 mins ang biyahe(walang traffic) kaya palaging gabi na ako nakakauwi sa amin at umuuwi lang ako ng super duper late if may activity sa school.
kahit ngayon, sa boarding house namin walang curfew, pwede kang umuwi anytime..

Paksa: Bakit masarap kumanta kapag nasa loob ng banyo habang naliligo?
aham!! Ewan ko, hindi ko alam kung bakit hindi ko mapigilan ang sarili ko na kumanta sa loob ng banyo. alam kong hindi lang ako ang gumagawa nito, aminin! marami kamingng/tayong gumagawa nito.
kaya siguro masarap kumanta sa loob ng banyo, dahil nageecho ang boses mo at parang feeling mo ikaw lang ang nakakarinig sa boses mo na sa totoo ay hindi naman..

MARTINEZ, PP17 (TFR1)

Reaksyon: Hair Dye ni Vinluan (PP17, TFR1)

Hindi talaga bagay ang blonde sa mga Pilipino, miski gano ang pilit. Miski mistisa ka o mistiso, kung Pilipino eh hindi pa rin bagay ang blonde. Hehehe. Sa tingin ko eh bahid nga talaga ito ng kolonyalismo. Hindi natin nakikita na hindi ito bagay, at kaya lamang ginagawa ito ay dahil sa tingin nila ay "uso" o kaya may imahen sila na sila ay "cool." Hindi ba nila alam na kaya blonde ang buhok ng mga nasa Kanluran ay dahil nawalan ng natural na proteksyon ang kanilang buhok at pumuti dahil sa init ng araw?

Paksa: Kapag May Dumi sa Pagkain

Kapag nakakakita kayo ng dumi sa inyong pagkain, ano ginagawa niyo? May mga tao na talagang nandidiri na at hindi na talaga kinakain ang pagkain. May mga iba na susubukang kainin, ngunit hihinto rin kasi hindi na makakayanan. Sa huli, meron namang okay lang sa kanila, at kakainin pa rin. Sayang naman kasi yung pinambayad mo. Merong ding mga matatiyaga na pilit na binabalik ang pagkain sa restaurant/fast food/carinderia na pinagkainan at hinihingi ang kanilang pera uli.

Ano ang "worst experience" niyo tungkol sa pagkita ng dumi sa pagkain? Ako dati, kumakain ako sa may McDonald's Taft (seryoso to) at sa aking McFlurry ay may mga 3 strand ng buhok. Nakakumpol pa kasi sila, kaya medyo makapal-kapal pa siya tingnan. Tapos akala mo Oreo, kasi itim. Yikes! Hindi ko na tinapos, pero walang gana na rin akong ireklamo eh. Kung nireklamo ko yun, ibabalik kaya sa akin yung pera ko?

ANG, U. HUM1 MHU2

Reaksyon:16 yrs. Old dapat legal na
One year old...hehe... Pagkapanganak mo dapat free ka na sa kung anong gusto mong gawin pero syempre kaya mo nga nagustuhan ang mga bagay bagay dahil hindi ka kailanman na bigyan ng laya na makamtan lahat. About dun sa relatinship. Siguro di na dapat talaga sinisikil ng mga magulang ang kanilang anak. Habang lalung nagtatago, lalung may nangyayaring milagro. Masarap yung close kayo ng parents mo at nakakapag-open ka sa kanila.

Paksa: LOVE is a state of mind.
Partly naniniwala ako diyan kase di ako makumbinse na maiinlove ka sa isang tao na hindi mo ginagamit ang utak mo. Bakit kanino ka ba nagkakagusto? diba sa gwapo, di ba sa mabango, di ba sa may sense? Syempre ginamit mo ang utak mo sa pagpili ng prospect. At tsaka pag may nanliligaw sa yo, di ba ang sinasabi mo, sige pag-iisipan ko. You won't say, sige dadamahin ko.
But as I said, partly lang. May something kase na parang wala sa kontrol mo. Yes, you know na gumagana rin yung utak mo pero parang subconscious. Di mo siya makontrol maigi. Laging laman ng isip mo yung isang tao. Tapos kahit ayaw mo gawin ginagawa mo para sa kanya. Di ba, damn!
Pero alam mo ba mahirap yung nasa relasyon kayo at parehas kayong naniniwala na love is a state of mind. Parehas kayong hindi naniniwala sa mga ideyolohiya ng lipunan. Wala kaseng bond between you and him. Anytime pwede niyang isipin na maghanap na lang nang iba. Tutal naman kase love is a state of mind. Di naman kayo masasaktan pagakatapos ng break up.

Reyes, C. PP17 TFU1

Reaksiyon: Text votes
Sa tingin ko hindi naman palaging may mas deserving kesa dun sa matataas ang botong natatanggap sa mga tao. Iba iba kasi tayo ng opinyon. Sa tingin ng mga taong bumoboto, yung binoto nila and pinaka-deserving kaya nila ito binoto. Pero kung minsan nga lang, bumoboto ang iba dahil paborito nila yung nominado regardless kung deserving man siya o hindi. Halimbawa, sa Pinoy Big Brother, may kaibigan ako na sobrang paborito si Rico at talagang tinetext niya pa kami ng iba naming kaibigan na iboto siya at nung jindi siya matanggal nung first eviction, nagpasalamat din siya samin sa pamamagitan ng text kahit hindi namin siya binoto.

Paksa: Tacsiyapo Wall

Narinig niyo na ba kung ano ito? Sabi ni Korina Sanchez sa Rated K, sa pader na ito ay maari mong ilabas ang iyong sama ng loob. Pwede kang maghagis ng plato, tasa, mangkok at maging telebisyon sa pader na ito kung saan may nakasulat gaya ng sinungaling, manloloko, babaero at kung anu-ano pa. Binibili ang mga ibabato sa pader at ibinebenta ito ng may-ari ng lugar. Nakalimutan ko kung saang lugar 'yon dito sa Pilipinas. Hindi rin pala sinabi ng may-ari kung ano ang ibig sabihin ng tacsiyapo, basta masama saw ang pakahulugan nito. Siguro kung meron nun dito sa Maynila, siguradong papatok ito. Imbes na gumawa ang mga tao ng karahasan, mas mainam na ilabas na lang nila ito sa tacsiyapo wall,wala pang madadamay na ibang tao.

CAMATO, PP17, TFR1

REAKSYON: 666 NI ANG, U. HUM1 MHU2

Kung iisipin, medyo marami ngang kamalasang nangyayari ngayong nagsisimula pa lang ang taon. Pero hindi tayo dapat nababahala sa mga ganitong penomenon gaya ng nalalapit na 06.06.06. hindi kasi ako nanniniwala sa mga ganung bagay. Pawang kathang-isip lang ang lahat. Para mabawasan ang takot, maging optimistic na lang tayo at isiping may dahilan kung bakit nangyayari ang mga bagay bagay. Nakasalalay pa rin sa bawat isa ang kaligtasan.

PAKSA: BASAHAN KIDS

Sa araw-araw kong pagpasok dito sa Unibersidad, lago kong nakaksalamiha sa biyahe ang ilang grupo ng kabataan: madudungis, mabaho, may mga hawak na basahan. Kapag tiyempong huminto ang mga jeep sa stop light, isa-isa silang umaakyat, kanya kanya ng jeep na nililimusan. Umaakyat sila ng jeep at isa isang pinupunasan ang sapatos ng mga taong nakasakay. Pagkatapos, isa-isa din nilang nililimusan ng kakaunting barya. Naisip ko tuloy, paano kaya kung ako ang nasa kalagayan nila. Umaga hanggang gabi, iyon lang ang gagawin ko, mag-abang ng jeep at magpunas ng sapatos. Paano kung walang magbigay ng pera? Paano pag umuulan? Ayaw ko pa naman kapag umuulan. Wala naman silang paying. Ni wala ngang damit at tsinelas. Ang mas nakakaawa pa, karamihan sa kaniola mga 5 taon pababa. Paano kung masagasaan sila ng sasakyan? Sinong magtatanggol sa kanila? Hahayaan na lang ba silang mabulok sa kalsada? Sino ba ang dapat sisihin? Ang mga pabayang magulang? Ang nagdarahop na ekonomiya? O ang sadyang kabalintunaan ng buhay? Pinupunasan ng isang 5 taong gulang na bata ang sapatos ko. Musmos pa lang, namulat na siya sa hirap ng buhay. Samantalang ako, 19 na taon na, pero hindi pa marunong kumita ng sarili kong pera, dahil hindi ko naman kailangan. Palaminin pa rin ako ng mga magulang ko. Nagsisisi tuloy ako na wala akong mabigay sa kanila, kahit konting pagkain man lang. Sana pagdating ng araw, pag ako na ang kumakayod para sa sarili ko, hindi ako tratuhin na kagaya nila- na kapag pumapasok ng jeep ay parang hangin, walang pumapansin.

PANIM, PANPIL19/MHY1
REAKSYON: pancit canton...toma na!
Talaga? Di ko alam yan ah. Mga poor kasi kami kaya dinadaan namin sa Boy Bawang ang pulutan. O kaya Sugo.
Tama ka. Mabigat nga sa tiyan ang noodles. Kaya lang puro hangin lang yung noodles so 'illusion' lang ng kabusugan ang meron.
PAKSA: Anong nangyayari sa blog natin?
Bakit ganon? March 28 na ang nakalagay? Hindi ko rin mahanap ang mga posts ko.
Anong nagyayari Sir U? Lampas na pa naman ako sa 25.
Waah! Anong gagawin ko? Ibig bang sabihin nito mag-uulit ako? Ayoko na!Aaaahhh!Paplitan ko nga ng March 28 na date tong post ko...Huhuhu...

PANIM, PANPIL19/MHY1
REAKSYON:Pagbabalik ng Wowowee
Ang alam ko hindi na talaga Wowowee ang pangalan ng show. Pero si Willie Revillame pa rin ang host.
Wag naman natin solely isisi yung nangyari sa ABS or sa staff nung show kasi hindi naman siguro nila ginusto na marami ang mamatay. Kailangan din nating i-consider na hindi siya sa compound ng ABS nangyari, sa Ultra. Kaya may dapat ding panagutan ang management ng Ultra. At dapat din nating isipin na kung may maayos lang na trabahong available para sa mga Pilipino, siguroi hindi ganoon kadami ang dadagsa sa nasabing show.
PAKSA: Mga taong nagmamarunong
Nakakaasar talaga yung mga ganitong tao. Okay lang naman kasi kung sabihin mo ang opinion mo tungkol sa mga bagay-bagay, pero nakakainis yung mga tao na akala nila alam nila lahat at idea nila ang lahat ng bagay.
Gaya nung isa kong classmate. Tuwing may lesson kami inuulit niya ang mga sinasabi ng prof namin at pinapalabas na idea niya yun. Tapos titingin pa sa amin na mga classmates niya na parang sinasabi na purihin namin siya or tumawa kami sa mga jokes niya.
Haaay!Sana lang ma-realize niya na hindi na kami natutwa sa kanya.

REYES, HUM1 (MHU2)

REAKSYON: mas masarap mag-aral kaysa magtrabaho ni yalong

Oo nga,, sabi sakin nung coach ko...
At halos lahat ng tinatanong ko,.,, unless u rili love what your work is..
Aun.. sabi sakin nung coach koh,,, wag daw madaliing lumaki at magtrabaho,.. Dahil masarap daw talaga yung stage na to!...

PAKSA: sarili mOh..

gRabe,, naexperience ko talaga yung super na-iinferior ako..
Lalo sa team namin..
Kasi rookie pa lang ako team..
At nararamdaman ko na hindi ako Lumelebel sa mga seniors ko..
At filing ko wala akong kwenta!..
PEro,, sabi sakin ng timmate ko,,, wag kong i-compare ang sarili ko sa kanila... dahil meron talagang mas magagaling...
I-compare ko daw yung sarili ko nagyon,, sa dati kong sarili...
Nung inisip ko yun,, nag-improve ako..
Kaya yun... Hindi na masyadong nakakfrustrate!..
KAya,, yun,, kung perhas tayo ng case.. Wag mong isipin na wala kang kwenta!...

LIMA
PP17 TFR1

reaksyon: mga prof sa up... ni REYES, HUM1(MHU2)
iba't ibang klaseng prof naman ang meron dito sa up.. meron na akong naging prof na medyo barumbado.. merong mabait, medyo suplado.. nakakatawa.. parating absent.. di nagchecheck ng attendance.. meron namang hayop sa pagcheck ng attendance.. pasaway.. at higit sa lahat ang prof n masasabi nating matigas ang puso.. siya yung tipong nagpapaulan ng singko.. buhay nga naman oh.. tsktsk.. sadyang malas mo nga talaga pag itong tipong prof ang nakuha mo.. ang payo ko sayo.. magdrop ka na habang maaga pa.. hehehe.. joke lang.. ang mga prof kasi dito parang mga tuta.. may maamo meron namang hindi.. ang magagawa na lang natin ay ang pakisamahan at pakibagayan sila.. magtiis ka na lang.. sa up ka nag-aral eh..

paksa: usc elections
kahit saan ka ngayon pumunta meron at meron kang makakasalubong na mga kandidato para sa usc election.. haay buhay.. ang hirap pumili.. ang damidami pa naman sila.. at alam mo yung tipong dahil sa mga nangyayari ngayon hindi mo na alam kung paniniwalaan mo yung mga sinasabi nila o hindi.. kasi parang may mga bagay naman silang sinasabi na kapanipaniwala nga talaga per meron namang ewan parang bola lang ang dating.. sakit nga lang talaga sa ulo kung iisipin mo.. pero di naman natin to pwedeng iwasan kasi para din naman sa atin to.. haay.. basta siguraduhin na lang natin na boboto natin yung karapatdapat para di na magkagulo pa.. wag tayo gumaya sa sarili nating bansa.. iwas gulo na ang gawin natin.. hehehe

REYES, HUM1 (MHU2)

REAKSYON: if only ni huiso

napanoOd ko na yun!
Ang ganda ng story,, pati yung message niya..
Ako rin,, naiyaK ako dUn...
HAii..
hindi ko pa nga makalimutan yung sibanabi nung guy sa kanya na: "and this, this is my heart, it's yours now.."
HAiii....

PAKSA: journalists..

Bilib talaga ako sa mga jOurnalists.. Yung mga adventurous... Ang galing niLA.. Kahit nasa panganib na siLA,, gO parin sila sa trabahO niLA..
napakabrave at dedicaTed nilA sa trAbahO nIla..
SaluDo ako sakanila...
PArang yung sa isang mOvie,, Yung "septembeR tapes.."
Journalist siya na nagpunta sa Afghnanistan para i-trace si bin LAden.. Ang dami ng nangyari sa kanya... Ang dami ng namataY dahiL sa mission niyA.. perO,, he didn't give uP..
SinugaL niya buhay niya for ThaT!...
Oh dbaH!???
asteegg!...

REYES, HUM1 (MHU2)

REAKSYON: manggang hilaw ni yalong

Oo nga!... favorite ko yaN!...
hehe..
Ang sarap nga ng combination!...
haiii...
sana makakain na ulit ako nun ngayon!>..
ehehehe.....

PAKSA: Pasaway na drivers!...

Hindi Lang mga pasaherO ang pasaway eH,, pati drivers din..
KAsi,, ang mga pasaheRo,, kung san san sumasakay at bumababa..
At ang mga drivers,, ganun din..
Madalas,, tumitigil sa gitna ng kalye!...
Kaya nga heavy traffic madalas dito sa commonwealth ave.
Tapos,, sa may tapat ng subd. namin,, may u-turn slot... Pero bawal ang PUJ's at mga bus..
Siyempre,, dahil likas na pasaway ang mga taO,, nag-uu-turn parin sila doN...
Kung minsan may MMDA na nakabanTay,, hindi paawaT... maglalagaY!..
eH,, etO Ahh.... Wla pang 1 meter ay merong U-turn slot for them!!!>.. BAdtRiP!>.. tsktsk.,... kaya hindi tayo umuunlad eH!... Lahat pasaway!... hindi lang officials natin.. LAHAT!!!!!!!!

PANIM, PANPIL19/MHY1
REAKSYON:Pagbabalik ng Wowowee
Ang alam ko hindi na talaga Wowowee ang pangalan ng show. Pero si Willie Revillame pa rin ang host.
Wag naman natin solely isisi yung nangyari sa ABS or sa staff nung show kasi hindi naman siguro nila ginusto na marami ang mamatay. Kailangan din nating i-consider na hindi siya sa compound ng ABS nangyari, sa Ultra. Kaya may dapat ding panagutan ang management ng Ultra. At dapat din nating isipin na kung may maayos lang na trabahong available para sa mga Pilipino, siguroi hindi ganoon kadami ang dadagsa sa nasabing show.
PAKSA: Mga taong nagmamarunong
Nakakaasar talaga yung mga ganitong tao. Okay lang naman kasi kung sabihin mo ang opinion mo tungkol sa mga bagay-bagay, pero nakakainis yung mga tao na akala nila alam nila lahat at idea nila ang lahat ng bagay.
Gaya nung isa kong classmate. Tuwing may lesson kami inuulit niya ang mga sinasabi ng prof namin at pinapalabas na idea niya yun. Tapos titingin pa sa amin na mga classmates niya na parang sinasabi na purihin namin siya or tumawa kami sa mga jokes niya.
Haaay!Sana lang ma-realize niya na hindi na kami natutwa sa kanya.

REYES, HUM1 (MHU2)

REAKSYON: pagsali sa rally ni atienza

aKo rin gutO ko rin sumama minsan..
KAso nga lAng natatakot din ako.. KAsi baka magkaguLo,, magkaron ng stampede,, ma-water bOmb.. perO,, gustO ko,, kasi,, gustO kong maging isang citizen sa aking bansa.. and it's for the good of all..
At ang totoong definitiOn ng citizen ay yung active at nakikialAm sa mga nangyayari sa bansa..
NaaasaR nga ako dun sa mga taOng walang pakialam..
Para na nga sa atin yung ginagawa nung ibang mga raliyista,, tapos,, anng kapal pa ng mukha!..
Parang yung sa news may ininterview sila na lalaki,, tionatanong kung anong masasabi niya sa pagdeclare ni GMA ng state of emergency.. Ang sagOt: "wala naman...This will only last for a few days lang naman eh!.." kaloKaH!!....
WAlang pakialam si kuYa!!!>...

PAKSA: ChOosy kaH!...

Aii nakooh... naRanasaN niyO na sigURo yung may namamaLImOs sa inyO dbah...
Edi yung iba kontento na sa bArya...
Minsan may nanghihingi pa ng kinakain mOh!...
aBA,,, merOng ePal na namimiLi paH!..
Parang dun sa frienD kOh,, nasa McDo kAtipUnan siya,,, tApos may cheeseburgeR siya,, may kagat na ng Onti... Humihingi yung pUlubi.. kaya binigay niYa yung bUrger niya..
Aba... Ang gustO daw nung bata ay bIgMac!!!
KAPAL... ahaha...
NakakaLokaH...
Ayaw mamimili...
Hehe...

ALMAZAN HUMI MHU2

REAKSYON: eleksyon

Madugo kapag eleksyon... Labanan ng mga partido... Labanan ng mga platapormang ipapatupad nila... Haaaaay... Puro pangako, meron namang napapako... Sana iba ang eleksyon sa USC sa eleksyon sa bansa... Pero maiiwasan kaya ang dayaan? Dayaan na nagbibigay daan para mailuklok ang maling tao sa pwesto na may kapangyarihan... Kapangyarihan na ginagamit para makuha ang gusto... May bisa pa ba ang eleksyon? Gayung puro dayaan naman ang pumapalaot?

PAKSA: Ako ay may Lobo

Ako ay may lobo... Lumipad sa langit... Di ko na makita... Pumutok na pala... Sayang lang ang pera ko... Pambili ng lobo... Sa pagkain sana, nabusog pa ako... Eto ang madalas kantahin ng mga bata... Mga batang may mga mumunting pangarap sa kanilang puso't isipan... Tulad ko dati na puno ng mga pangarap... Mga pangarap na nais kong maabot balang araw... Mga pangarap na siyang dahilan kung bakit ako patuloy na lumalaban... Lumalaban kahit nahihirapan... Hindi ko hahayaang basta na lang mawala at pumalaot sa langit ang mga pangarap ko... Hindi ko hahayaang pumutok na lang ang mga pangarap na pinipilit kong abutin kahit gaano pa man kataas ito... Hindi ako magsisisi sa ginagawa kong pag-abot sa mga pangarap ko... Hindi ako magsisisi na sana ay tinigilan ko na lang ang pag-abot sa mga ito bago pa ako mabigo...

REYES, HUM1 (MHU2)

REAKSYON: henna ni ang

Umm... OkEi..
PErO ako kasi nagagnDahan duN eH!...
ang asteeG!...
Hehe... Ang angas ng itsUra!...
WLA lang.. aKO rin gustO ko ring magpahenna.. perO hindi dun sa may pwetan at likuRAn.. sa may paa sigUrO!...

PAKSA: KataKot-taKot!..

maRami satIn ang mahiLig maNood ng hOrrOR fiLms...
Oh dbaH..
Ako mahiLig akong manOod nUn..
SiyempRe,, papaisipin kah,, nakakaguLAt at exciting!...
Siyempre gustO ko may kasama nanONooD... dbah!!!
PErO,,, ang kinaasaRAn kOh sa ganYAn,, yung iba,, gustOng gusto manoOd ng horror perO hindi naman niLA kaya..
Okei Lang naman na matakOt kah,, perO yung tiPong nakakaperwisyO na yung mga ginagawa niLA..
PArang yung kapatid KOh,, nagyayang manood ng The Ring,, tapos,, perti ba naman sa CR nagpasaMA!... Oh dbaH!???
KamusTah namaN sakiN!>>!????

ALMAZAN HUMI MHU2

REAKSYON: Sarap Matulog

Haaaay... Masarap talagang matulog... Dun na lang natin nababawi ang hirap para sa isang araw na pag-aaral... Mas malala talaga ngayong college kaysa noong hayskul... Mas nakakatulog pa nga ako ng mahimbing dati... Pero ngayon, dahil may mga klase akong pang-umaga at uwian ako sa bahay namin, talagang maaga akong nagigising at pumapasok... Ganyan ang sakripisyo sa pag-aaral...

PAKSA: Ang Bilis ng Oras

Ang bilis talaga ng oras... Di mo mamamalayan, gabi na pala... Pero bakit ganun, kapag nasa klase at inaantok na parang gusto mo nang umalis, ang bagal nang oras... Pero kapag gusto mo naman ang pinag-aaralan at nag-eenjoy ka tsaka naman parang ang bilis ng oras... Ang gulo no... Di mo talaga maintindihan ang ikot ng mundo... Kapag magagandang bagay ang nangyayari sa iyo, ang bilis ng oras... Pero kapag malungkot, pangit at nakakatamad, sobrang bagal naman...
Hindi mo talaga matansya kung kailan papatak ang oras... Sa kung anong pangyayari ang maaring kumaharap sa iyo sa bawat tikada ng segundo sa orasan... Pero masarap pa ring mabuhay kahit puno ng kahirapan...

Rdrgz. Hum1/mhu2
Reaksyon: Susi sa Kalai
Nakakatuwa naman yung ginawang souvenir ng kaibigan mo,hehe. Siguro napakasaya niya doon at hindi pa siya makaget over sa mga karanasan niya sa Kalai,hehe… Pero hindi naman siguro magiging delikado kasi sa pagkakaalam ko ay napakahigpit ng security sa kalai, kaya hindi naman siguro nila hahayaan na kung sino-sino na lang ang makapasok. Lalo na mga fresh yang andoon so medyo kahit papaano babantayan nila nang mabuti yun. At siguro naman naisip na rin nila yun na maaaring may magpaduplicate ng mga susi nila.

Paksa: SA
SA o student assistant. May ilan akong mga kakilala na student assistant sa skul. Wala lang parang ang sarap lang masubokan. Nga lang sabi nila sobrang hirap daw kasi kung minsan kapos sila ng oras para makapag-aral. Nang una rin daaw gustong-gusto nilang pumasok pero ngayon naranasan na nila, mahirap dindaw pala lalo na kapag suno-sunod ang exams mo at kailangan mo mag-aral pero kailangan mo rin pumasok. Pero bilib pa rin ako sa kanila kasi nagagawan nila ito ng paraan nga lang konting sakripisyo lang talaga kahit hindi ganon kataas ang kinikita nila. Parang ang saying maranasan na kumikita ka na sa trabaho mo. Nga lang hindi talaga ako pinapayagan ng mga magulang ko kasi, baka raw mapabayaan ko ang pag-aaral ko. Iba raw talaga kapag nakatikim ka na ng sweldo parang maadict ka nang magtrabaho, syempre kumikita ka na ng sarili kong pera. Kaya sabi nila sa ngayon pag-aaral muna ang prayoridad ko lalo na napag-aaral pa naman nila ako kaya hindi ko raw kailangang magtrabaho habang nag-aaral. Para maibuhos ko sa pag-aaral ang lahat ng oras ko. Pero hindi ko naman sinasabi na ang mga estudyanteng nagtratrabaho e napapabayaan na ang pag-aaral, sa tingin ko naman kaya nila ginawa iyon kasi alam naman nilang kaya nila ang responsibilidad na pinasok nila.