Huwag Magpost Para Lang Makapagpost

Format Pamagat: Apeliydo, Klase, Seksyon Reaksyon: Dito idiskas ang iyong tingin sa pinakahuling post bago ang sa 'yo. Sabihin ang mga dahilan kung bakit sang-ayon ka sa opinyon n'ya, o kung bakit sa tingin mo dapat s'yang bumalik sa greyd wan. Paksa: Dito magsimula ng bagong diskusyon.

Tuesday, January 31, 2006

dela Roca, PP17 (TFU1) Reaksyon: Tsismis
Sang-ayon ako dyan sa sinabi mo. Bakit nga ba hindi muna isipin ng mga tsismosa nating mga kababayan ang mararamdaman ng taong kanilang pinag-uusapan. Wala ba silang pakialam sa magiging reaksyon ng taong ginagawan nila ng kung anu-anong tsismis. Pwede ngang medyo may katotohanan ang tsismis pero dahil nga sa ito ay nagpasalin salin lang sa iba't ibang tao, kadalasan ay nadadagdagan na ito o di kaya naman ay nababawasan na.Ilagay kaya ng mga tsismosa ang sarili nila sa kalagayan nung taong pinagtsitsismisan nila. Hindi ba sila magagalit kung may kumakalat na kwentong barbero tungkol sa kanila? Yan kasi ang hirap sa iba! Ang galing gumawa ng istorya tungkol sa buhay ng may buhay. Wag na lang kaya silang magsalita ng di maganda sa kanilang kapwa. Matindi ang karma.

Paksa: mary shelley's Frankenstein
Napanood n'yo ba yung movie ng Mary Shelley's Frankenstein? Grabe, naiyak ako dun. Akala ko masama talaga ang monster na ginawa ni Dr. Frankenstein, pero hindi pala. Para din siyang tao na may damdamin nung una pero dahil sa di magandang trato sa kanya ng mga tao napilitan syang maging masama. Noong una kasi ay hindi nya alam kung bakit ganun na lang ang panghahamak sa kanya ng mga tao sa kanyang paligid hanggang sa nakita niya ang kanyang sarili sa salamin. Nakita niyang may dahilan pala kung bakit siya sinasaktan at pinangngilagan ng mga tao. Kakaiba ang kanyang itsura. Puro tahi ang kanyang katawan at mukha. Doon niya nalaman na hindi siya pangkaraniwan, na hindi talaga siya isang tao, na isa lamang siyang produkto ng siyensya, ng mapangahas na pag-iisip ng tao. Resulta lamang siya ng masidhing pagnanais ni Dr. Frankenstein na makagawa ng aparatong may kakayahan bumuhay sa mga namatay na matapos pumanaw ang ina nito. Matinding galit ang narandaman ng monster sa lumikha sa kanya. Inisip niya kung bakit kinailangan pa siyang likhain kung ganito din lang naman ang magiging trato sa kanya ng mga tao. Naisipan niyang maghiganti. Isa-isa niyang pinaslang ang pamilya ni Dr. Frankenstein hanggang sa ang Dr. na nga lang ang natira. Dahil sa wala na ngang pamilya ang Dr., kasama ang halimaw na kanyang nilikha ay nanirahan sila sa north pole kung saan wala ng nilalang ang makakakita sa kanila. Ngunit ang pangalang Frankenstein ay nanatili sa alaala ng mga tao bilang ang Doktor na gumawa sa sarili niyang halimaw. Naiyak talaga ako dun sa parte ng pelikula kung saan namatay si Dr. Frankenstein. Umiyak kasi yung monster at ang dahilan niya ay ama pa rin daw nya si Frankenstein at kailanman ay di siya nito itinuring na isang anak at ni hindi din nga siya binigyan ng pangalan,e.
Kung ang isang halimaw na gaya nga ng nilikha ni Dr. Frankenstein ay nagawang maging mabuti kahit sa huling sandali, tayo kayang mga normal na tao, magawa kaya natin? Bakit may mga taong kung kumilos at umasal ay daig pa ang pinakamamabangis na halimaw?

VASQUEZ, HUM1 (MHR2)
Reaksyon: Balatkayo

Masasabi ko lang, mahirap talaga magpakatao. Sa buhay na ito, mahirap makita kung sino ba ang mga totong tao at ang mga nagpapanggap lang. Masyado na rin kasing talamak ang plastikan. Nakakainis na ang inaakala mong kaibigan ay hindi ka naman pala itinuturing na kaibigan niya. Siguro dahil nga sa sobrang dami na ng plastik na tao sa mundo, may mga taong ayaw na ring magpakilala bilang tunay na sila at ayaw ipakita ang tunay nilang mga ugali dahil sa takot na maloko din ng mga mapagpanggap na tao dito sa mundo. Pero dahil dito, nagiging mapagpanggap na din sila. Parang itinuturing siguro itong paraan para hindi madamay sa malaking kalokohan ng mundong ito.

Paksa: Kahirapan sa Pilipinas

Sobra na nga raw ang kahirapan ng buhay sa ating bansa. Halos lahat na ng trabaho ay pinasok na ng mga Pilipino para mapakain lang ang kaniyang sarili at pamilya. Pati pagbebenta ng laman. Hindi na lang aliw o prostitusyon ang pwedeng ibenta ngayon. Pati mga parte ng katawan at mga laman-loob ibinebenta na din. Natatandaan ko ang isang kwento sa "Maalaala Mo Kaya" sa channel 2. Ibinenta ng isang tatay don ang kaniyang atay para makapag-aral ang kaniyang anak at para mayroon silang makain. Pero dumating ang isang araw na ang mismong anak na niya ang nangangailangan ng liver transplant dahil nagkasakit ito. Malaki daw kasi ang kita sa pagbebenta ng anomang parte ng katawan ng isang tao, pero siyempre iikli ang buhay ng isang tao dahil dito. Ang bone marrow daw ang pinakamahal sa parte ng ating katawan at kung pepresyuhan naman daw ang isang buong tao, aabot sa halos $50 million dollars ang halaga nito. Nakakaawa naman ang mga kababayan natin na gagawin na ang lahat, pati pagbebenta ng sariling mga parte ng katawan para mabuhay, pero sa huli sila rin ang nanganganib ang buhay.

Calderon
PP 17/TFR 1

Reaksyon: Tsismis

Sang-ayon ako, ang laging talo talaga syempre yung pinagtsitsismisan. Konsensya na lang ang sa nagkakalat,pero marami na ring naiimune sa konsesya, kaya di nakapagtatakang marami pa ring nagkakalat ng tsismis.

Paksa: V day

Tuwing ika-14 ng Pebrero ay ipinagdiriwang natin ito, pero malabo talaga ang kasaysayan sa likod nito. Puro mga teorya lang at haka-haka ang mga naglalayong ipaliwanag ang unang Valetine's day. Ang sigurado, siguro, ay may isang taong,santo, nagngangalang Valentine ang sangkot dito. Ngayon, kung siya man ay pari, o preso ay walang nakatitiyak. Basta kung anuman ang tunay na ginawa niya ay siguradong romantic ang dating. Masyado nang nacommercialize ang holiday na ito, tulad ng pasko, pero di gaya ng pasko, mahirap naman talagang isapuso ang isang holiday na ni hindi natin alam kung ano ang tunay na origin. Basta, nasa tao na kung anong pakahulugan ang nais niyang ibigay sa araw na ito, o kung paano niya ipagdiriwang ang matagal nang ipinapalagay na araw ng mga puso. Ikaw,may balak ka ba sa Valentine's day?

Sanil Hum1/MHU2

Reaksyon: Tsismis
Talagang kawawa ang mga taong natsitsismis, kasi napapahiya sila. Tapos kung anu ano ang napapabalita tungkol sa kanila na minsan ay hindi naman totoo. Sa pagkalat ng tsismis, nag-iiba kasi ang kwento, maaari itong madagdagan o mabawasan. Hindi naman natin maiiwasan na makarinig ng mga tsismis e, pero sana, kung masama ang tsismis o kung hindi ka sigurado dito, wag naman na sanang kinakalat. Ano na lang kaya ang nararamdaman ng taong nagiging usapan ng bayan. Tapos pag sinabi pang tsismis, karaniwang hindi maganda ang mga kwento tungkol sa isang tao. Ang masama pa, ang bilis nitong kumalat, tapos kapag nagsalita ang taong tsinismis, hindi din siya papaniwalaan. Hindi lang iyan, sa napakaraming pagkakataon, gustong-gusto nating nakaririnig ng mga tsismis, minsan kasi nakakaintriga nga talaga. Gayumpaman, sana maisip natin ang kalagayan ng mga natsitsismis.

Paksa: Forgive and Forget
Lagi ko na lang iyan naririnig, pero bakit mahirap gawin. Hindi natin maikakaila na kapag may taong nagkasala sa atin nahihirapan tayong magpatawad at kalimutan ang nangyari. At kung minsan, kapag masyado tayong nasasaktan sa mga pangyayari, naiisipan pa nating bumawi. Pero sa totoo lang, nahihirapan din akong magpatawad, lalo na kung kaibigan mo o kahit sino mang malapit sayo ang nakagawa ng kasalanan. At kadalasan, kahit napatawad mo na ang taong iyon, hindi mo na maibalik ang dati niyong relasyon. Kung sabagay, mahirap nga naman ayusin ang samahan, lalo na kung nasira ang tiwala sa isa't-isa. Sa ganoong lagay, parang nagtatanim na din tayo ng galit sa ating kapwa. Ayaw ko ng pakiramdam kapag ako ay nagagalit, hindi naman mabilis magalit ang tao eh, depende na nga lang sa dahilan. Pero kapag nagagalit ka kasi, mabigat itong dalhin. Mabubunutan ka ng tinik kapag ikaw ay nagpatawad, pero andun ulit yung takot na baka ulitin ito at kung anu-ano pa. Mahirap man gawin ang magpatawad, dapat matuto tayong gawin ito. Tapos kung may papatawarin tayo, dapat kusang loob at hindi dahil napilitan ka lang o para wala lang masabi ang mga tao. At kung pinatawad mo ang isang tao, dapat tapos na, mahirap man gawin sana ay magawa natin.

ALIAS PP17 TFU1


REAKSYON: AIR21 VS PUREFOODS
Hindi ako madalas manood ng PBA games dahil hindi talaag ako mahilig sa basketball. Pero tuwing may panahon, kapag nanonood ang mga pinsan kong lalaki, napapasama na rin ako. Nakapanood na rin ako ng laro sa NBA, at pasensyahan na lang tayo. Sabihin na ninyo na wala akong sense ng nasyonalismo, pero mas nagagalingan talaga ako sa mga manlalaro ng NBA. Marami kasi sa mga taga-PBA ay hindi gaanong maganda ang performance, parang larong kanto lang ang trato nila sa propesyonal na liga. Hindi tulad sa NBA, kitang-kita mo ang propesyonalismo ng mga manlalaro. Gayumpaman, saludo pa rin ako sa mga patuloy na tumatangkilik sa PBA at sa lahat ng mga palabas na Pinoy.


PAKSA: SOBRANG KATABAAN

Naalala ko ang insidente minsang sumakay ako sa pampasaherong jeep. Sa Philcoa terminal, hindi umaalis ang isang dyip hangga’t di napupunan ang kaukulang bilang ng pasaherong kasya dito. Minsan tuloy, ang huling pasaherong sasakay ay halos wala ng maupuan lalo pa kung natapat sa isang hilerang may ‘malusog’ na pasahero. Madalas sa mga ganitong pagkakataon, nagpaparinig o kaya nama’y nangungutya ang tingin ng ibang mga pasahero.


Naisip ko tuloy, bakit nga ba may mga taong sadyang matataba? Ayon sa pananaliksik ng mga syentipiko, malaking salik ang henetika: namamana ang sobrang katabaan. Ngunit ang malaking bahagi ng pagkakaiba sa timbang ng mga tao ay may kaugnayan sa kapaligiran. Sa usaping nature versus nurture, mas malaki ang impluwensiya ng huli. Dahil sa maling kaugalian sa pagkain (pagkahilig sa sitsirya) at hindi aktibong istilo ng pamumuhay (kawalan ng ehersisyo), maraming tao ang nanganganib magkaroon ng diabetes, alta presyon, sakit sa puso, at/o iba pang mga komplikasyong pwedeng idulot ng ganitong problema.


Maraming nagnanais malunasan ang kanilang mga probleam sa pigura. Kaya nga milyun-milyong dolyar ang kinikita ng mga negosyong naglalayong tulungan ang mga taong nagnanais magpapayat. Nariyan ang mga operasyon tulad ng small bowel bypass, gastric partitioning, gastroplasty, gastric bypass, at iba pa. Nariyan din ang pamosong South Beach diet na nakatuon sa pagbabawas ng carbohydrate at pagdaragdag ng protina sa menu ng pasyente. Mayroon ding mga dumadaan sa liposuction kung saan inaalis ang labis na himaymay ng taba mula sa isang espisipikong parte ng katawan sa pamamagitan ng isang makipot na tubong panghigop na ipinapasok sa ilalim ng balat. Pero ang huling ‘solusyon’ na ito ay hindi programa sa pagbabawas ng timbang; isa itong paraan ng pagpaparetoke. Magastos ang konsultasyon at posibleng magdulot lang ito ng ibang komplikasyon. Lumalabas na ang tradisyonal pa ring solusyon ng ehersisyo at balanseng diyeta ang pinakamainam na paraan. Pero maging ang ganitong solusyon ay nangangailangan ng malaking sakripisyo sa parte ng taong nagnanais magpapayat.


Kung ganito kahirap magpapayat, maaring hindi tama ang pagkutya sa sobrang katabaan ng ilan. Masakit tanggapin ang pagkutya – tuwiran man o di-tuwiran, pasalita o sa tingin lang. Mas dapat pa nga nating kainisan ang ilang mga pasaherong nahahalata na ngang masikip ang upuan ay wala pa ring konsiderasyon at hindi man lang umaayos ng upo, na animo’y nakasalampak sa sofa at sarili nila ang upuan.

DELA CRUZ, PP17, TFU1

REAKSYON: Passion of the Christ

Oo, sobrang ganda talaga ng pelikulang 'to. Kaso lang, masyado akong nagambala sa mga eksenang katakut-takot tulad ng pinaparusahan si Hesus. Masyado akong apektado sa eksenang iyon dahil talagang ang galing ng pagkakagawa. Parang totoo at grabe ang dugong lumalabas. Halos hindi na ko makatingin at malapit na rin akong maiyak. Sobrang naramdaman ko ang kagustuhan talaga ni Hesus na ialay ang buhay na para lamang sa kaligtasan ng lahat. Totoong napakaganda ng pelikula.

PAKSA: AIR21 VS. PUREFOODS

Nanonood ba kayo ng PBA? Pasensya na sa mga hindi nanonood pero gusto ko lang talagang sabihin kung ano na ang pangyayari dito. Sa kasalukuyan, naglalaban ang paborito kong team, ang Air21 at Purefoods para sa Finals Round. Nakakainis kasi 3-1 ang score e ang kailangan ay best of 7 na laro kaya kailangan pa ng Air21 ng 3 panalo para sila ang umusad sa Championship. Paborito ko ang Air21 dahil sa galing nila lalo na ni Ren-Ren Ritualo. Natalo nila ang San Miguel para sa Wild Card position para makalaban ang Talk and Text sa Semi Finals. Dahil na naman sa kagalingan nila, natalo naman nila ang Talk and Text kaya ngayon umusad sila para makalaban nga ang Purefoods. Suportahan natin ang Air21! Pasensya na sa mga hindi nanonood ng basketbol ha? Kung hindi kayo nanonood, maaaring magsabi na lamang kayo ng kung anong alam ninyo sa PBA. Salamat!

ROMAN PP17 TFR1
REAKSYON: Passion of the Christ
Sumasang-ayon ako sa mgasinabi ng ni Gravador patungkol sa pelikulang ito. Tunay ngang isa itong obra. Totoo rin na nagkaroon ng maraming issue tungkol dito. Sumasang-ayon ako sa naging panananaw Niya na ang bottomline ay pinagdaanan ni Jesus ang lahat ng paghihirap na iyon upang maligtas tayo sa ating mga kasalanan. Pinili Niyang pagdaanan ang hirap at subdin ang kagustuhan ng ama dahil sa pagmamahal Niya sa atin. Na sa kabila ng pagiging perpekto Niya at walang kasalanan ay napako siya sa krus. Ang pelikula ay isang paalalasa atin sa katotohanan at tagumpay na ito ng Jesus Christ, ang ating tagapagligtas.
PAKSA: Philippine Linguistic Congress
Kamakailan lamang ay idinaos sa UP Diliman ang ika-anim o ika-siyam (pasensya na hindi ko kasi dala ang aking program at tshirt dito) na Philippine Linguistic Congress. Nilahokan ito ng iba't-ibang delegates sa Pilipinas at sa ibang bansa. Nagkaroon ng pagtitipon ang iba't-ibang mga linguist at mga dalubhasa sa iba't-ibang wika. Nagkaroon ng kanya-kanyang mga discussion ang bawat mga delegates. Para sa akin na isang linguistic students, nakakatuwa ang pangyayaring ito dahil hindi lamang mas napapaunlad ang iba't-ibang kaalaman ukol sa iba't-ibang wika, nagkakaroon din ng pagkakataon ng magkatipon-tipon sila at magkakilala. Nakabilib din malaman sa sa isang bansa tulad ng Russia ay pinag-aaralan nila ang wikang Pilipino. Isa ngang Ruso ang nagsalita at tinalakay ang kanilang pag-aaral at sumasagot siya sa tanong ng mga manonood sa wika ring tagalog na kung iisipin ay mahirap dahil may kakaibang tunog ang wikang Pilipino na wala sa ibang bansa. Mas naging malinaw rin sa akin kung gaano ko isinawalang bahala noon ang mga wika. Mas nakita ko ang kahalagahan at pagkakaiba ng ilang mga salita sa Tagalog na sa ordinaryong paggamit ay may pare-parehong ibig sabihin ngunit kung susuriin mabuti ay magkakaiba. Mas naging malinaw din ang kahalagahan ng pag-aaral ng wika.

ROMAN PP17 TFR1
REAKSYON: Passion of the Christ
Sumasang-ayon ako sa mgasinabi ng ni Gravador patungkol sa pelikulang ito. Tunay ngang isa itong obra. Totoo rin na nagkaroon ng maraming issue tungkol dito. Sumasang-ayon ako sa naging panananaw Niya na ang bottomline ay pinagdaanan ni Jesus ang lahat ng paghihirap na iyon upang maligtas tayo sa ating mga kasalanan. Pinili Niyang pagdaanan ang hirap at subdin ang kagustuhan ng ama dahil sa pagmamahal Niya sa atin. Na sa kabila ng pagiging perpekto Niya at walang kasalanan ay napako siya sa krus. Ang pelikula ay isang paalalasa atin sa katotohanan at tagumpay na ito ng Jesus Christ, ang ating tagapagligtas.
PAKSA: Philippine Linguistic Congress
Kamakailan lamang ay idinaos sa UP Diliman ang ika-anim o ika-siyam (pasensya na hindi ko kasi dala ang aking program at tshirt dito) na Philippine Linguistic Congress. Nilahokan ito ng iba't-ibang delegates sa Pilipinas at sa ibang bansa. Nagkaroon ng pagtitipon ang iba't-ibang mga linguist at mga dalubhasa sa iba't-ibang wika. Nagkaroon ng kanya-kanyang mga discussion ang bawat mga delegates. Para sa akin na isang linguistic students, nakakatuwa ang pangyayaring ito dahil hindi lamang mas napapaunlad ang iba't-ibang kaalaman ukol sa iba't-ibang wika, nagkakaroon din ng pagkakataon ng magkatipon-tipon sila at magkakilala. Nakabilib din malaman sa sa isang bansa tulad ng Russia ay pinag-aaralan nila ang wikang Pilipino. Isa ngang Ruso ang nagsalita at tinalakay ang kanilang pag-aaral at sumasagot siya sa tanong ng mga manonood sa wika ring tagalog na kung iisipin ay mahirap dahil may kakaibang tunog ang wikang Pilipino na wala sa ibang bansa. Mas naging malinaw rin sa akin kung gaano ko isinawalang bahala noon ang mga wika. Mas nakita ko ang kahalagahan at pagkakaiba ng ilang mga salita sa Tagalog na sa ordinaryong paggamit ay may pare-parehong ibig sabihin ngunit kung susuriin mabuti ay magkakaiba. Mas naging malinaw din ang kahalagahan ng pag-aaral ng wika.

GRAVADOR, Hum1 (MHU2)

Reaksyon: Chain Mails

Sa mundo ng mga internet, hindi na talaga maiwasan ang mga pasaway at kabilang na sa mga pasaway na ito ang mga taong mahilig magforward ng mga mails na sabi pa nga eh dapat mo pang ishare sa iba. sa madaling salita, chain mails. minsan sabi ng iba ay kakaexcite daw ito dahil malay mo ay ang iwish mo'y matupad matapos mong mapadala ang mail sa lahat mong friends, ngunit ang iba ay naiinis sa sorang kulit na dinadala nito lalung-lalo na kung puno ang mailbox mo dahil dito. hindi talaga ito nakakabuti sa nakararami. may mga chain mails din na may pananakot sa huli na kung hindi mo matutupad ang nasasaad ay may mangyayari sa iyo o sa mahal mo sa buhay. nakakatakot iyon di ba? kaya minsan ay napipilitan ang mga taong iforward ang mga ito sa takot na malasin sila. hayy, madali talaga tayong mapaniwala.

Paksa: Passion of the Christ

Alam kong hindi pa semana santa ngunit naisip ko ito dahil nagkaroon ng film showing sa aming dorm ng Passion of the Christ noong Sabado. napanood o na ito noong last yer pa ngunit naantig pa rin ako sa mga pangyayari sa pelikula. hindi nga ako makapaniwalang si Mel Gibson pala ang henyo sa likod ng napakagandang pelikulang ito. marami ang humanga dito ngunit narami rin ang tumuligsa sa karahasan daw nito. ngunit ang ipinakita naman ay sadyang ang tunay na pahirap na dinanas ni Kristo. kailangan bang limitahan iyon? ayaw ba ng mga taong makita ang pagdurusa ng ating Diyos para isalba tayo? alam kong masyadong madugo ngunit ito talaga ang katotohanan na dapat naman nating harapin. sobrang pasakit ang dinanas Niya para sa atin. Ganyan tayo kahalaga sa kanya. Siya ang nagdusa para sa mga kasalanan natin. iyan ang tunay na wagas na pag-ibig. ang pag-ibig Niya sa atin.

PAREL, PP17 TFR1

Reaksyon: Pagiging Kontento

Sang-ayon ako sa nasabing pananaw na karamihan sa mga tao ay hindi makuntento. Ito ay nakakabuti ngunit minsan ay nakakasama rin. Siguro ang mga tao ay sadyang ganito lamang. Likas na siguro sa atin ito. Isang posibleng dahilan ay ang pagnanasa nating malamangan ang iba. Ninanais natin ang mga bagay o kalagayan na angat sa iba. Dito nakikita ng karamihan ang kanilang mithiin sa buhay. Hindi masama ang maghangad ng mas mabuting kalagayan ngunit ito dapat ay ilagay sa tama. Hindi natin masisiguro na ang pagkamit nito ay magpapasaya sa atin o magdudulot lamang ng panibagong paghahangad. Marahil, ito ay isa lamang paraan at hindi ang tunay nating hinahangad na kasiyahan.

Paksa: Mga Katawagan

Pogi, boss, tsong, manong, kuya, brad, tol .. ito ay ilan lamang sa mga ginagamit natin na pangtawag sa mga kakilala at madalas sa hindi kakilala. Tinatawag kang kuya o tol, di mo naman kapatid. tinatawag kang brad, hindi mo naman ka-frat. Tinatawag kang boss, di mo naman boy. tinatawag kang tsong, hindi mo naman kamag-anak. At lalong-lalo na, Tinatawag kang pogi, hindi naman. Siguro ito lamang ay patunay sa kulturang nakamulatan ng Pilipino. Natuto tayong maging malapit sa isa't isa at ituring ang bawat isa na kaugnay natin. Hindi natin iniisipan ng masama kung tawagin tayong kuya, lolo o tsong dahil alam natin na bahagi tayo ng isang lipunan na itinuturing ang bawat isa na bahagi ng iisang pamilya.

PAREL, PP17 TFR1

Reaksyon: Pagiging Kontento

Sang-ayon ako sa nasabing pananaw na karamihan sa mga tao ay hindi makuntento. Ito ay nakakabuti ngunit minsan ay nakakasama rin. Siguro ang mga tao ay sadyang ganito lamang. Likas na siguro sa atin ito. Isang posibleng dahilan ay ang pagnanasa nating malamangan ang iba. Ninanais natin ang mga bagay o kalagayan na angat sa iba. Dito nakikita ng karamihan ang kanilang mithiin sa buhay. Hindi masama ang maghangad ng mas mabuting kalagayan ngunit ito dapat ay ilagay sa tama. Hindi natin masisiguro na ang pagkamit nito ay magpapasaya sa atin o magdudulot lamang ng panibagong paghahangad. Marahil, ito ay isa lamang paraan at hindi ang tunay nating hinahangad na kasiyahan.

Paksa: Mga Katawagan

Pogi, boss, tsong, manong, kuya, brad, tol .. ito ay ilan lamang sa mga ginagamit natin na pangtawag sa mga kakilala at madalas sa hindi kakilala. Tinatawag kang kuya o tol, di mo naman kapatid. tinatawag kang brad, hindi mo naman ka-frat. Tinatawag kang boss, di mo naman boy. tinatawag kang tsong, hindi mo naman kamag-anak. At lalong-lalo na, Tinatawag kang pogi, hindi naman. Siguro ito lamang ay patunay sa kulturang nakamulatan ng Pilipino. Natuto tayong maging malapit sa isa't isa at ituring ang bawat isa na kaugnay natin. Hindi natin iniisipan ng masama kung tawagin tayong kuya, lolo o tsong dahil alam natin na bahagi tayo ng isang lipunan na itinuturing ang bawat isa na bahagi ng iisang pamilya.

ATIENZA,PP17/TFU1
Reaksyon: Passion of Christ
Napakarami ngang tumutuligsa sa umano'y karahasan na ipinakita sa pelikulang ito. Ngunit sa aking palagay, ipinapakita lamang nito ang katotohanan kaya walang dahilan para tuligsain. Ang pagtuligsa dito ay maaaring nangangahulugan lamang na hindi natin matanggap ang katotohanang ito. Marahil ay dahil sa kanilang mga sarili, hindi nila alam kung karapatdapat ba sila sa pagsasakripisyong ito.
Tunay na isang obra ang pelikulang ito. Ngunit ang nakakalungkot, matapos mapanood ang pelikula, may nagbago ba sa atin? May ginawa ba tayo upang magpakabuti nang sa gayo'y maging karapatdapat sa paghihirap Niya?
Paksa: Pagsusukli sa mga Jeep
Naranasan mo na bang magbayad ng P8 sa jeep tapos hindi ka na sinusuklian ng P.50? Hindi ba nakakainis kasi 'pag ikaw naman ang nagbayad ng P7 lang, papagalitan ka nang todo ng driver dahil nga kulang. Isa ito sa masamang ugali ng Pilipino, mahilig manglamang tapos 'pag galit na galit naman ang pag siya ang pinaglamangan. Kaya't bago natin gawin ang isang bagay sa iba, isipin muna natin kung ano ang magiging reaksyon natin pag tayo ang nasa ganoong sitwasyon.

Huwag Magpost Para Lang Makapagpost
SAN MIGUEL, pp17 tfr 1

reaksyon: Ang Pag-unlad ng PBA

pareho tayo. dati ay isang PBA fan din ako. barangay ginebra naman ang koponan ko nun! marlou aquino, bal david, pido j., noli locsin pati pa nga si dudot jaworski. pagkatapos ng panahon nila, nawalan na rin ako ng ganang manood.

sumasang-ayon din ako sa sinabi mo. ang mga UAAP players na sikat ay napupunta na sa pba. sina ren ren, villanueva, mike cortez, james yap at kung sinu-sino pang maraming taga-hanga. mas magaling din ang ginagawa nilang paraan para sumikat ang pba. at tama rin ang sinabi mo, nahaluan pa ng showbiz kaya sumikat. sana sumikat pa ang pba para international na rin ito!

paksa. ang YM

isa sa pinakagusto kong gawin sa mga panahong wala akong magawa ay mag-ym (yahoo messenger). ang YM ay isang mahalagang program sa pc. noong nasa hayskul palang ako, ang mga project namin ay ginagawa nalang sa ym kasi wala na kaming panahon para magkita. madaling magpasa ng impormasyon at mabilis pa. ang isa pang gamit nito ay para makausap ang mga kaibigan. lahat halos ng kaibigan ko ay wala sa up. ang ym lang ang tanging paraan para makausap ko ang barkada ko. at magkaroon na panahon para lahat kami ay "makapag-usap" buti nalang may ym. mas pinapadali nito ang buhay

GERVASIO, PP17 (TFR1)

REAKSYON: AIR21 vs. PUREFOODS

Oo nga, nakakagulat nga ang post-season ng Air21. Underdogs kasi talaga sila e, pero natatalo nila ang mga koponang tulad ng Talk and Text. Minsan daw kasi, pag masyadong maraming magagaling, hindi maganda ang chemistry at teamwork. Lahat sila nagpapasikat, gustong mag-skor at gustong maging star. Kaya siguro natalo ng Air21 ang TNT, dahil sa teamwork. Magaling nga si Ren Ren Ritualo, at siya na nga yata ang pinakamagaling na syuter sa PBA, pero siyempre, tinutulungan din siya ng mga role players - mga players na hindi kasing sikat, pero magaling sila sa kanilang dapat gawin. Pero parang napagod na rin ang Air21 sa kanilang mahabang mga series, at natatalo na nga sila ng Purefoods. Andaming pahinga kasi ng Purefoods e, naghihintay lang sila sa semifinals habang ang Air21 naman, ang dami pang laro bago makipaglaban sa Purefoods. Dahil 3-1 na nga ang sitwasyon, malamang matatalo ang Air21 pero pwede silang matuto sa playoffs na to, lalo na dahil isa silang batang koponan at marami ay kulang pa sa playing experience.

Ang koponan ko naman ay ang Red Bull Barako at si Larry Fonacier ang paborito kong player. Nung UAAP pa lang siya, alam ko nang magaling siya e. Buti naman at ang huling 2 laro ay nagka-break out games siya. Nagka career highs siya sa puntos at nanalo tuloy ang Red Bull, kahit underdogs din sila laban sa Ginebra Gin Kings (ang pinakapopular na koponan sa PBA). 3-1 din ang sitwasyon, pero pabor sa Red Bull. Manonood nga ako bukas e. Go Red Bull! Haha

PAKSA: Ang Pag-unlad ng PBA

Dahil nasa PBA ang topic natin (at dahil feeling ko hindi na to mauulit), gusto ko lang matanong ang mga PBA fans diyan kung bakit kaya bumabalik ang PBA sa dati niyang kasikatan?

Naaalala ko kasi nung bata ako na nanonood talaga ako ng PBA. Ang Purefoods pa nga ang koponan ko - sina Alvin Patrimonio, Jerry Codinera, Rey Evangelista, Richie Ticzon, atbp. Nakikita ko rin sina Jawo, Jolas, Benjie Paras, Nelson Asaytono, Dindo Pumaren at marami pang iba. Pero parang biglang nawala to, parang hindi na naging kasing sikat. Ako lang ba yun? O marami bang tao ang parang unti-unting nawalan ng interes sa PBA? Lalo na nung ginawa pa nila ang MBA.

Pero ngayon, bumabalik na ang PBA. Tatlong dahilan ang naiisip ko kung bakit nagkaganito. 1) May ginagawa talaga ang PBA commissioner at officials para mas sumikat ito. Sa marketing nila, mas marami nang mga ads (billboards, TV commercials, etc) at ang bleachers tickets, P5 na lang (oo, 5!). Kaya parang mas marami nang taong nag-uusapan tungkol sa PBA. 2) Mas maraming UAAP to PBA na manlalaro. Parang andami nang nadadraft na UAAP players sa PBA kaysa noon. Kaya tuloy, ang mga mag-aaral at alumni ay nanonood na rin ng PBA para makita ang kanilang paboritong manlalaro noong UAAP. 3) Si Kris Aquino (at si James Yap). Parang isang Midas talaga itong si Kris na kahit ano'ng pasukan niya, bumebenta. Kahit asar na asar ako sa kanya, inaamin kong marami talaga siyang mga fans. Kaya kung si Kris ay nanonood ng PBA, marami rin sa kanyang fans ang manonood. Grabe talaga yung hatak ng babaeng yun!

Ang,U. HUM1MHU2

Reaksyon:Pagsusukli sa jeep
Malamang ang akala ng drayber hanggang highway ka kase hindi mo naman nilinaw yata kung ano saan ka bababa. Anyway, ang sakin naman tinanggap ko na masama talaga sa loob ng mga drayber na magbigay ng discount sa estudyante. Ikaw mismo ang magdiscount para sa sarili mo.
8.75 ang normal fare, 7 pag student. 'Pag nagbigay ka ng otso, masama pa sa loob ng tsuper. Pero siyempre eight parin binabayad ko no. Manigas siya. As much as possible hindi rin ako nagbabayad ng buo, kase kahit isigaw mo pa sa buong Quezon Ave, "MANONG, STUDENT PO!", hay naku 8.75 parin bawas sa pera mo. Kaya lagi ka dapat may barya kung ayaw mo malamangan.

PAKSA:Valentine's Day
Dalawang lingo na lang Araw na ng mga puso. Naaalala ko pa nung highschool, pag ganitong okasyon, ang dami daming tindera ng bulaklak sa labas ng gate ng school namin. Yung mga boys kanya kanyang dala ng regalo sa nililigawan nila. Teddy bears,pabango,chocolates...
Pero ngayong college,parang hindi na napapansin ang mga ganitong okasyon. Ni hindi ko nga maaalala yan kung hindi Feb.11 ang exam ko. Pero sabi nila, bago dumating ang valentines nadedepress daw ang mga single.(How true?) At ang mga relationship, it's either mabuo o mabreak. Yung mga girls na may manliligaw tinataon ang pagsagot sa mismong araw ng valentayns. Kung single ka naman at walang nagbigay sayo ng flower, go ahead, bilhan mo ang sarili mo. Malay ba ng mga taong nakakakita kung totoong may nagbigay sa iyo o binili mo lang yun.Tapos pag-uwi mo ibigay mo sa nanay mo.Diba ang thoughtful?
Yung mga nasa relationship naman, naghahanap ng paraan para magbreak o magcool off muna habang valentine's, para iwas gastos. Samantalang yung iba parang baliw na desperadong magkagf o bf bago magvalentines.
Nakakainis rin minsan ang mga requirements ng prof. Yung friend ko sa LaCo, pinagdadala sila ng bouquet ng flowers except roses at dapat may kasamang tulip.Ang magdala perfect sa exam. Anung klase yun? Paano kung poor ka, at wala kang pambili ng bulaklak? Kawawa ka naman diba. Ang lagay nakasalalay sa bulaklak ang grades mo? Parang binili o sinuhulan mo na rin yung prof kapag ganun.
Anyway, masarap din naman na hindi ka out of place kapag valentines. May kaholding hands ka, may ka date... Pero kung single ka, masarap din. Kase walang hussle sa paghahanap ng regalo, sa pag-iisip sa kung saan kayo magdidate, at kung ano ang isusuot mo. Tulog ka na lang.
Fullmon yata sa 13, ibig sabihin malaki laki pa ang buwan sa 14, naks! Ang romantic.=)

Isaguirre Panpil17 TFR1

REaksyon: Pagsukli sa Jeep

Hay naku tama ka! nakkainis noh? buti k nga .50 sentimoslangeh (hindi sa minamaliit ko ang fifty cents ha) sa'kin dalawang piso pa! maraming beses na nangyari yunkapag pumupunta kamingmga kaibiganko sasm north.maaga kasi ang uwian namin pro hapon pakami sinusundo kaya nagpapalipas oras kami sa sm. tapos kapag nagbabayad kami ng sampung piso, hindi na sinusukliyung 2 pesos.nagbibingibingihan yung mga driver. kunwari hindinila naririnigyung "Estudyante po!"kahit halos isigaw mo na. nakakainis talaga! magagalit pa sila kapag pinaalala mong "Manong yung sampu po estudyante lang!"

PAksa: Ulan

MAsaya ako kapag umuulan. pero hindi kapag biglaang ulan. tulad ngayong araw, bigla na lamang umulan. alam ko kasalanan ko kasi hindi ko tiningnan ang weather report kaninang umaga kaya hindi ko inalalang magdala ng payong. nakakainis lang kasi kung kelan hindi ako susunduin at wala akong payong na malaki (lagi ko kasing dala yung payong kong malaki,hindi ko lang nadala kanina kasi late na ko) tsaka pa umulan. at saktong-sakto pa na pababa ako ng FX ay bumuhos ang malakas na ulan! tapos nung nasa bahay na ako, bigla namang tumigil. Pero sa kabila nun, gusto ko pa rin ang ulan--lalo na pag nasa bahay lang ako at kumakain ng champoradong mainit.

ZABLAN, Hum1 (MHU2)


Reaksyon: lunes

Ako pinakagusto kong araw ang lunes. Simula kase sya ng week para sa akin. Ewan ko pero may kakaibang pakiramdam kapag malapit ng magmonday. Yung feeling na parang inaantay mo ang pagsikat ng araw. Ah basta. Parang ganun.. Bawat lunes ay isang bagong simula para sa akin. Kahit pa tambak ang homeworks, exams at kung anu-ano pa ay ok lang. Positibo palagi ang attitude ko kapag lunes. Marami dyan ang ayaw ng araw na ito pero may choice naman talaga tayo kung pano natin titignan ang buhay. Edi mas maganda kung magiging positivena lang tayo ano man ang araw. Mas magiging productive pa tayo at masaya lagi.

Paksa: chain mails

Naalala ko nung elementary pa ko yung mga ka-jolog-san naming mga chain letters. At nang tumagal ay naging chain mail na sa internet. Nakakainis palagi kapag magbubukas ako ng mail tapos tambak ang mga basurang email na kadalasan ay puro chain mails. Minsan hindi ko na binabasa ang laman ng mga ito dahil alam ko namang puro lamang ito kalokohan. Iba-ibang klase pa yan. May tungkol sa pag-ibig, kaibigan, buhay hayskul, multo, minsan tungkol kay God, atbp. Bihira lang sa mga nababasa ko na may halaga talaga. Yung iba naman ok na sana (tulad ng ibang stories, graphics, etc) yun nga lang, ginagawa silang chain mail! Pero madalas naiisip ko, kapag may nababasa akong "..this is for you to feel remembered..", sana personal na letter na lang iyon. Yung totoong mga salita ng kaibigang nangangamusta at nakakaalala. Hindi yung forwarded lang tapos ginawa pang chain mail.. :(

Ang,U. HUM1MHU2

Reaksyon:Pagsusukli sa jeep
Malamang ang akala ng drayber hanggang highway ka kase hindi mo naman nilinaw yata kung ano saan ka bababa. Anyway, ang sakin naman tinanggap ko na masama talaga sa loob ng mga drayber na magbigay ng discount sa estudyante. Ikaw mismo ang magdiscount para sa sarili mo.
8.75 ang normal fare, 7 pag student. 'Pag nagbigay ka ng otso, masama pa sa loob ng tsuper. Pero siyempre eight parin binabayad ko no. Manigas siya. As much as possible hindi rin ako nagbabayad ng buo, kase kahit isigaw mo pa sa buong Quezon Ave, "MANONG, STUDENT PO!", hay naku 8.75 parin bawas sa pera mo. Kaya lagi ka dapat may barya kung ayaw mo malamangan.

PAKSA:Valentine's Day
Dalawang lingo na lang Araw na ng mga puso. Naaalala ko pa nung highschool, pag ganitong okasyon, ang dami daming tindera ng bulaklak sa labas ng gate ng school namin. Yung mga boys kanya kanyang dala ng regalo sa nililigawan nila. Teddy bears,pabango,chocolates...
Pero ngayong college,parang hindi na napapansin ang mga ganitong okasyon. Ni hindi ko nga maaalala yan kung hindi Feb.11 ang exam ko. Pero sabi nila, bago dumating ang valentines nadedepress daw ang mga single.(How true?) At ang mga relationship, it's either mabuo o mabreak. Yung mga girls na may manliligaw tinataon ang pagsagot sa mismong araw ng valentayns. Kung single ka naman at walang nagbigay sayo ng flower, go ahead, bilhan mo ang sarili mo. Malay ba ng mga taong nakakakita kung totoong may nagbigay sa iyo o binili mo lang yun.Tapos pag-uwi mo ibigay mo sa nanay mo.Diba ang thoughtful?
Yung mga nasa relationship naman, naghahanap ng paraan para magbreak o magcool off muna habang valentine's, para iwas gastos. Samantalang yung iba parang baliw na desperadong magkagf o bf bago magvalentines.
Nakakainis rin minsan ang mga requirements ng prof. Yung friend ko sa LaCo, pinagdadala sila ng bouquet ng flowers except roses at dapat may kasamang tulip.Ang magdala perfect sa exam. Anung klase yun? Paano kung poor ka, at wala kang pambili ng bulaklak? Kawawa ka naman diba. Ang lagay nakasalalay sa bulaklak ang grades mo? Parang binili o sinuhulan mo na rin yung prof kapag ganun.
Anyway, masarap din naman na hindi ka out of place kapag valentines. May kaholding hands ka, may ka date... Pero kung single ka, masarap din. Kase walang hussle sa paghahanap ng regalo, sa pag-iisip sa kung saan kayo magdidate, at kung ano ang isusuot mo. Tulog ka na lang.
Fullmon yata sa 13, ibig sabihin malaki laki pa ang buwan sa 14, naks! Ang romantic.=)

MORSEQUILLO PP17 TFR1

Reaksyon: Hopeless Love

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit napakalaki ng problema ng mga tao, lalung lalo na ng mga kabataan pagdating sa pag-ibig. Masyado itong pinapakumplika, gayong simple lang naman talaga ang magmahal. O ha! Pero sabi nga ni Judy Ann, "Hindi ganun kasimple yon" (sigurado akong mga kapwa jologs ko lang ang makakarelate dito). Kailangan siguro ng mas marami pang karanasan para tuluyan pang maintindihan ang konsepto ng pag-ibig, at isabuhay ito. Tungkol naman sa hopeless romantic na kapatid ng may-akda, maisusuggest ko lang e lumabas-labas siya ng bahay minsan para makita niya kung gaano kaganda o kapangit ang mundo para naman may iba siyang mapagbalingan ng atensyon. Magsasawa rin yan, at matututo na rin in the process.

Paksa: Call Centers

Ito na ata ang pinakasikat na trabaho ngayon, malaki ang kita, hindi masyadong mabigat ang trabaho. Oras lang ang kalaban, pag nai-adjust mo na ang body clock mo, wala ng problema, pwede ka nang magtaguyod ng pamilya sa laki ng sweldo.

Pero ang mga call center din ang isa sa pinakamalinaw na indikasyon ng pamumuta ng mga kapitalista sa mga tao. Imagine, kahit anong kurso ang kinuha mo, kahit hindi ka pa graduate okay lang. Basta matatas kang magsalita ng Ingles at kaya mong makipag-verbal boxing sa mga caller na banyaga, pasok ka. Nakakasilaw nga naman ang kita kaya pwede mo nang idisregard yung mga iba mong natutunan sa higit isang dekada mong pag-aaral, maliban sa communication and people skills.

Parang kabuteng nagsusulputan ang call center companies sa bansa. Balita ko kahit sa probinsya, meron na rin. Napipintong maging call center capital ang Pilipinas. Oo, makakatulong ito sa pagpapataas ng employment rate pero mukhang darating ang panahon na magiging answering machines na lang tayo ng mga ibang bansa. Walang sariling pag-unlad.

Monday, January 30, 2006

PONCE Hum1 MHR2

Reaksyon: Passion of Christ
Napanood ko din 'to. Pero hindi ko na tiningan yung ibang eksena dahil nga masyadong marahas. Anuman ang layunin ni Gibson ng mga gumawa ng pelikulang ito, masasabi kong realistic at kontrobersyal ang bawat tagpo. Syempre sinadyang maging kontrobersyal at marahas para sumikat at bumenta. Naging iba sa karaniwan dahil hinaluan ng images na tulad ng sa mga murder at action movies at hindi basta pinortray na mabait si Lord, mapagbigay, at iba pa. Binigyang diin ng pelikula ang pagdedetalye ng mga pahirap na dinanas ni Kristo, na hindi ko malaman kung totoo ba o exaggerated ang iba dahil wala naman tayong historical evidence bukod sa bibliya.

Paksa: Okey lang 'yan..
Naiinis ako ngayong araw. Hindi dahil sa mga pangit na naranasan ko ngayon, kundi dahil sa panggagatong ng mga nasa paligid ko. "Okey lang yan" ang palagi kong naririnig sa kanila kapag narinig nila ang karanasan o problema ko. Sa loob-loob ko naman, paano magiging okey 'yun? Obvious ba? Kaya ko nga sinasabi sa inyo, dahil hindi 'yun okey, hindi ako okey. Kailangan ko ng matinong payo, o kaya naman 'yung makikinig lang sa akin. Kapag nag-coconfess tayo ng mga problema, sa mga kaibigan halimbawa, napapansin ko ang irony na ito. Hindi ko ma-appreciate ang pakikisimpatya nila kapag sinasabi pa nilang okey 'yung nangyari. Sana, kung wala tayong sasabihin sa tao kundi "okey lang 'yan", hindi na lang tayo nagsasalita. Wala na ba silang maisip sabihin?

DELA CRUZ, PP17, TFU1

REAKSYON: Kalokang Hollywood Couples

Oo nga...nakakainis talagang mabalita yang mga ganyan. Halatang wala silang pakialam sa kahalagahan ng isang relasyon. Naiirita na ko dahil talagang pinaulit-ulit pa yang balitang yan. Kakainis lalo na nung nalaman kong wala na sina Jennifer Lopez at Ben Affleck. Parang kelan lang sila, tapos nagkaroon lang ng movie na Daredevil hiwalay na sila? Lahat na lang sila pati si Brad Pitt nakatikim lang ng ibang babae nagsawa na sa karelasyon nila. Mga stupido!

PAKSA: Hopeless Love

Nakakainis ang mga taong in love sa mga taong alam naman nila na wala na silang pag-asa. Bakit ba sila nagpapakatanga? Tulad ng kapatid ko, sobrang umaasa siya sa lalaking iyon. Sobrang sikat, guwapo, at may girlfriend na yon pero talagang umaasa pa rin siya. Bakit ganon? Kailangan bang maniwala sa destiny kung tawagin nila? Kailangan bang hintayin mo yung mahal mong yun hanggang sa pumuti na buhok mo? Kawawa naman ang mga taong umaasa pero masaklap talaga ang buhay. Tigilan na kasi dapat ang kahibangang iyan dahil ikaw rin lang naman ang lugi, ikaw ang talunan, ikaw lang din ang masasaktan. Nakakabaliw talaga ang pag-ibig kaya hangga't maaga at alam mo nang wala ka nang pag-asa sa taong iyon, tigilan mo na.

BULURAN, PP17, TFR1
Reaksyon: Passion of Christ

Balita ko nga ay masyadong violent ang Passion of Christ kaya nga hindi ko ito pinanuod kahit na may vcd na kme sa bahay. Ewan ko ba..hindi sa ayaw ko ang mga eksena, naaawa lang talaga ako lalo pa at wala namang kasalanan si Kristo.

Ito ay nagpapaalala sa atin na madame pa rin ang katulad ni Kristo sa ating panahon, mga inosenteng taong pinaparusahan ng wala namang kasalanan. Mapanghusga kasi ang lipunan, agad agad na binibigyang konklusyon ang mga bagay at sinisisi sa taong alam na walang kapangyarihang ipagtanggol ang sarili.

Sana ay huwag tayong maging Hudyo sa ating kapwa. Parang imposible na hindi manghusga, pero dapat ay sapat ang ebidensya. Magingat na lamang tayo sa ating mga sinasabi upang hindi makadulot ng pinsala sa iba.

Paksa: Wrestling

Hindi ko talaga maintindihan ang gustong ipamalas ng wrestling. Masyado itong brutal pero sa isang banda, nakakaaliw din para sa mga tagatangkilik nito.

Sabi ng iba, scripted daw ito. Maaari namang may katotohanan sapagkat O.A. na ang mga sumasali. Minsan ko lang ito napanuod ngunit hindi ko na ata uulitin pa kasi talaga namang nakakakilabot ang karahasang ginagawa nila sa isa't-isa.

Ang alam ko ay mayroon nang namatay sa wrestling, pero patuloy pa din ito. Eh kasi din naman, patuloy pa din itong pinapanuod. Ou nga at nakakaaliw para sa ilan ngunit wala naman tayong makukuhang magandang aral o matutunang bagong konsepto mula sa panunuod nito.

BULURAN , PP17, TFR1
Reaksyon: Passion of Christ

Balita ko nga ay masyadong violent ang Passion of Christ kaya nga hindi ko ito pinanuod kahit na may vcd na kme sa bahay. Ewan ko ba..hindi sa ayaw ko ang mga eksena, naaawa lang talaga ako lalo pa at wala namang kasalanan si Kristo.

Ito ay nagpapaalala sa atin na madame pa rin ang katulad ni Kristo sa ating panahon, mga inosenteng taong pinaparusahan ng wala namang kasalanan. Mapanghusga kasi ang lipunan, agad agad na binibigyang konklusyon ang mga bagay at sinisisi sa taong alam na walang kapangyarihang ipagtanggol ang sarili.

Sana ay huwag tayong maging Hudyo sa ating kapwa. Parang imposible na hindi manghusga, pero dapat ay sapat ang ebidensya. Magingat na lamang tayo sa ating mga sinasabi upang hindi makadulot ng pinsala sa iba.

Paksa: Wrestling

Hindi ko talaga maintindihan ang gustong ipamalas ng wrestling. Masyado itong brutal pero sa isang banda, nakakaaliw din para sa mga tagatangkilik nito.

Sabi ng iba, scripted daw ito. Maaari namang may katotohanan sapagkat O.A. na ang mga sumasali. Minsan ko lang ito napanuod ngunit hindi ko na ata uulitin pa kasi talaga namang nakakakilabot ang karahasang ginagawa nila sa isa't-isa.

Ang alam ko ay mayroon nang namatay sa wrestling, pero patuloy pa din ito. Eh kasi din naman, patuloy pa din itong pinapanuod. Ou nga at nakakaaliw para sa ilan ngunit wala naman tayong makukuhang magandang aral o matutunang bagong konsepto mula sa panunuod nito.

Magno PP17 [TFR1]


Reaksyon: Hopeless Love

Mayroong manipis na hibla na namamagitan sa kung ano ang tinatawag na pag-ibig at kung ano ang hindi. At kadalasan, maraming mga tao ang napagkakamalan ang isang pakiramdam bilang pagmamahal na sa katunayan pala ay hindi naman talaga. Maaaring infatuation o puppy love lang na medyo nagkaroon ng kaunting pagmamalabis.

Marahil ang ganitong konsepto ang dahilan kung bakit may mga tao na “nagpapakatanga”. Marahil ang ganitong ideya rin ang rason sa likod ng mga paniniwala sa “destiny” o tadhana.

Sa katunayan, hindi ko talaga alam kung ano ba ang masasabi ko sa naunang post sa akin. Hindi naman kasi ako si Dr. Love na may ideya kung paano ko sasagutin sa isang hmmm… lohikal [?] na pamamaraan ang mga binitiwang mga katanungan.

Pero siguro ang tangi ko lamang masasabi ay mayroon lamang talagang mga tao na laging may natitirang pag-asa sa kani-kanilang mga sarili pagdating sa ganitong usapin. Tipo bang handa silang gawin ang lahat kahit pa gaano kaliit ang posibilidad sa mga sitwasyong kinabibilangan nila. Iyon nga lang siguro, mas makakabuti rin kung may kapasidad pa rin ang isang tao na timbangin ang mga bagay-bagay... kung tama pa ba ito o nagbubulag-bulagan na lamang sa kung ano ang tunay na nangyayari.

PAKSA: LUNES

Ilan kayang mga tao ang magsasabi ng sagot na Lunes kapag tinanong sila kung ano ang pinakagusto nilang araw sa isang linggo?

Marahil hindi kabilang sa mga sasagot na iyon ang mga kagaya kong mag-aaral. Pati malamang yung mga may trabaho sa opisina. Siguro marami ang may hindi sasagot noon. Paano ba naman kasi, LUNES iyon e. Ibang usapan. Panibago na namang pakikipagsapalaran sa mga school requirements. O di kaya'y sa mga deadlines sa mga trabaho. Pagsabak na naman sa isang nakakapagod na linggo. Karamihan pa man din ay may hangover pa sa weekend. Nabitin masyado kaya nang sumapit ang araw ng Lunes ay nag-iinit ang ulo. Sabayan pa maagang oras ng pagpasok [para umabot ng flag ceremony kung mayroon man] o ng traffic jam.

Subalit hindi naman siguro lahat ng tao ay may galit sa araw ng Lunes. Nariyan iyong mga panatiko ng mga telenovela o soap opera na nag-abang ng susunod na kabanata sa pinapanood nila tuwing weekdays. Minsan naman kapag tumatapat ng suweldo ay magagawa kayang mabanas ng mga tao kapag Lunes? O paano naman kung may isang kaklase ka na pinakahihintay mong makita muli sa araw na ito... malamang siguro sasabihin mong Lunes ang paborito mong araw sa linggo.

Ah basta, mapa-Lunes o Biyernes o Sabado man yan, depende na sa tao kung pipiliin niyang magsaya sa araw na iyon o paninindigan na isa iyon sa mga araw na hihilingin niyang malaktawan na lamang ng kalendaryo.

GRAVADOR, Hum1 (MHU2)

Reaksyon: Crab Mentality

Hindi maiwasan ang mahigpit na kompetisyon sa ating bansa. lahat ay nagnanais nang yumaman. at sa pagnanais na yumaman ay ginagawa ng mga tao ang lahat para malamangan ang mga nakakataas sa kanila. ang crab mentality sa atin ay gawaing komon na. sa sobra pagkagahaman sa pera ay nakakaya na nating maging traydor sa kapwa nating nagtiwala sa atin. mahirap mang isipin ay ito talaga ang nagagawa ng pera at kapangyarihan sa mga tao: ang pagiging masyado nating makasarili. mas ginugusto nating magtagumpay mag-isa at mapasaatin ang lahat ng yaman kaysa sabay-sabay na umunlad. hindi naman sa linalahat ko ngunit ganito talaga ang takbo ng mga utak ng nakakarami:ang hindi magpahuli sa iba. Hayy, ang mga tao talaga. minsan ay hindi mo na mabasa.

Paksa: Kalokang Hollywood Couples

Whew! basta talaga mundo ng showbiz eh makulay na't magulo pa! tingnan na lang natin ang mga nangyayari sa mga hollywood couples na "unpredictable ang mga pinaggagawa! isipin mo na lang si Brad Pitt at Jennifer Aniston na biglang naghiwalay at ngayon ay nasa piling nina Angelina Jolie at mr Vaughn na nakatrabaho pa ni Pitt! tapos si Tom Cruise ay nabuntis naman ang napakabatang si Katie Holmes! gulo talaga oo, parang ang diborsyo sa kanila ay papel lamang na pwedeng punitin at ipawalang-bisa nang madalian lamang. hindi ko talaga inekspek na ganoon ang mangyayari. idol ko pa naman si Angelina pero okay na rin. masaya naman ata siyang ipangalan kay Pitt ang kanyang dalawang ampon. pati nga si JLo at Ben Affleck ay nagkahiwalay na lang bigla at napunta kina Mark Anthony at Jennifer Garner. Wow! showbiz talaga oo. Bonggaciuz lagi ang mga entrada ng mga artista. entrada pati rin sa mga kontrobersya.

AUTENCIO, HUM1 MHR2


REAKSYON: Hale

Ang pinakamalaking puna ko sa bandang Hale ay ang walang kadating-dating nilang mga lyrics. Kasi kapag gumagawa sila ng kanta, parang hindi nila alam ang mechanics ng grammar o kaya'y wala silang pakialam. Tulad na lamang ng first line ng kantang nilang "The Day You Said Goodnight": Take me as you are. Ha? Ano raw? Kung tatagalugin mo ito ang kalalabasan ay: Tanggapin mo ako nang ganyan ka. Walang sense, di ba? Idugtong mo pa yung susunod na linya: Push me off the road. Diyos ko, nagkalokoloko na ang gustong sabihin ng kanta!

Ang dami-daming mas magaling sa kanilang gumawa ng kanta. Tulad ng dating Eraserheads, Ilang isaw pa ba ang kakainin, o giliw ko?/ Ilang tansan pa ba ang iipunin, o giliw ko? / Gagawin ko ang lahat pati ang thesis mo / 'Wag mo lang ipagkait ang hinahanap ko. Tingnan mo, kahit pang joke-time yung kanta may poetry pa rin. Yung Hale, kahit nagpapakasentimental sila, wala pa ring epekto sa akin. Hindi ko magagawang mahusgahan ang Hale sa teknikal na aspeto ng kanilang tugtog kasi wala naman talaga akong karanasan doon. Pero sa bilang isang tagapakinig ng music, at fan ng lyrics na tumatagos at hindi cliche, masasabi kong, marami pa ring pagkukulang ang Hale.

At least hindi sila tulad ng Cueshe: 'Cause I'm truly madly crazily in love with you. Haller? Tumawag ang Savage Garden, balik nyo raw yung lyrics nila.


PAKSA: Summer at Pagbibilad sa Araw

Magtatapos pa lang ang Enero ay ramdam na ng Maynila ang paparating na tag-araw. Kahit na malamig pa rin tuwing umaga, patuloy namang tumataas ang temperatura pagdating ng hapon. Pinakaayaw ko talagang pakiramdam ang naiinitan. Biro ko nga sa nanay ko, hindi talaga ako dapat mapunta sa impyerno. Hindi lang kasi pagkainis ang nararamdaman ko kapag mainit. Halos nararamdaman ko ang pagpitiki ng mga ugat ko sa ulo, at parang gusto kong himatayin nabibilad ako sa araw. Kaya nga hindi ko maintindihan yung mga taong ang ideay ng perpektong bakasyon ay ang mag-sunbathing buong araw sa beach. Hindi naman sa hindi ko gustong maligo sa dagat, pero mas gusto kong ginagawa yon kapag dapit-hapon na, habang pinapanood lumubog ang araw. Siguro ay sanay lang talaga ang Pilipino sa init at hindi na natin ito naa-appreciate. Di tulad ng mga foreigner na kadalasang balot na balot ng damit at ginaw na ginaw sa kabuuan ng buhay nila. Bakit nga ba may mga taong mahilig mag-sunbathing?

MASCARDO PP17 TFR1

REAKSYON: Crab Mentality

Sang-ayon ako sa sinabi ng may-akda na pangit ng ganitong mentalidad sa ating mga Pilipino dahil nakakapigil ito sa pag-unlad natin bilang mga indibidwal hindi lang para sa ating mga sarili kundi para na rin sa ating bansa. Sa halip na pagtuunan natin ng pansin ang pagpapabuti ng ating sarili, nauubos ang oras natin sa paghila pababa ng ibang taong nagpupunyaging umunlad.


PAKSA: Pagmumura

"Fuck you!" "Putang ina!"Yan ang madalas na maririnig natin ngayon, hindi lang sa mga matatanda kundi pati na rin sa mga bata. Bukambibig na yan ng mga musmos sa paligid. Malamang kaysa hindi, hindi nila alam kung ano ang ibig sabihin nito. Parang "cool" na kasi ang dating sa mga bata pag nagmumura. Madalas naman nasisisi ang mga magulang ng mga batang ito. Mali daw ang pagpapalaki at hindi nasusubaybayan ng maigi. Pero mga magulang nga kaya ang dapat sisihin?

Malaki ang impluwensya ng kinalakhang paligid sa paguugali ng mga bata. Tama man ang pagpapalaki dito, kung lagi namang naririnig ng bata ang mga mura pagdating sa eskwelahan, matutuo rin ito magmura. Pano nga ba ako natutuo magmura? Noong grade 5 ako, narinig ko ang kaklase kong nagmumura. Nalaman kong natutunan pala niya iyon sa kunduktor ng school bus nila. Maayos naman ang pagpapalaki sa akin ng mga magulang ko pati na rin sa kaibigan kong iyon. Syempre nariyan din ang media na malaki rin ang epekto sa atin. Hindi lang talaga maiwasang maexpose sa mga ganitong bagay. Kahit sino ay hindi ligtas dito.

PIZARRO MHR2 HUM1

Reaksyon: Hopeless love

Baduy man pakinggan, ganyan lang talaga kapag nagmamahal. Hindi mo maiiwasan na umasa pa rin na magugustuhan ka rin niya kapag may 'mahal' mo siya. Pero siyempre, may iba naman na inalay na nila ang buong buhay na nila sa paghihintay sa taong mahal nila. Yung tipong nagbubulagbulagan at nagbibingibingihan na sila sa katotohanan na may iba na yung mahal nila. Ang tawag diyan, nagpapakatanga. Iba rin yon.

Paksa: Pagkawalan ng boses

Nawalan ako ng boses ngayon. As in ang hirap magsalita dahil walang tunog na lumalabas kapag hindi ko masyado ineksert yung boses ko na lumabas. Sa mga panahong ganito ko nareriyalayz ang importansya ng boses para sakin. Gaya kanina, may nakakatawang report yung grupo sa klase, hindi ako makatawa ng maayos. Tapos nagkwekwentuhan kami ng kaibigan ko kanina pero siyempre, hindi ko makwento ng maayos yung sinasabi ko kasi ang sakit sa lalamunan. Kahit na gustong gusto ko na i-F na F (Feel na Feel) ang pagkwento, hindi ko magawa. Tapos ngayon na mag-aaral dapat ako sa isang sabjekt, hindi ko rin magawa ng maayos. Kasi ako, pag nag-aaral, kailangan sinasabi ko lahat ng inaaral ko para matandaan ko. Dahil wala akong boses, hindi ako makasalita. Hindi ko rin maintindihan masyado. Nakakaasar talaga. Kaya kayo, alagaan niyo mga boses niyo. Mahirap mawalan ng boses. .. Paano pa kaya yung mga nawawalan ng pandinig? O kaya nabubulag? Ang lungkot.

SANCHEZ, Hum 1 (MHU2)

Reaksyon: Hale

Hindi talaga ako mahilig makinig ng musika ng Hale. Ngunit mula sa mga awitin nilang naririnig ko sa radyo, mukha namang maganda sa pandinig ang kanilang musika. Medyo malungkot nga lang ang tunog. Kanya-kanya naman tayo ng tipong musika. Siyempre may mga taong hindi trip ang musika ng Hale. At tungkol sa paninira, kung talagang magaling ang bandang ito suguradong malalampasan nila ang lahat ng pagsubok at paninirang ipinupukol sa kanila.

Paksa: Crab Mentality

Bakit ganoon ang mga tao? Kapag nakikitang umaangat ang kanilang kapwa, gagawa at gagawa ng paraan para mahatak pababa. Hindi ko naman nilalahat subalit kapansin-pansin naman ito sa ating lipunan. Kung may nanalo sa isang kumpetisyon, sinasabi ng kalaban na nandaya raw siya. Para ngang wala nang natatalo. Kung natalo ka, sinasabing malamang nadaya ka. Hindi sinusuportahan ang nagwagi. Parang sa showbiz, kapag sumisikat ang isang artista, lahat nalang ng klaseng intriga ay ibinabato sa kanya. Kesyo raw buntis o kapag lalake ay may anak sa labas. Sabi naman ng iba, indikasyon raw ito na sumisikat ang artista kaya maraming naninira sa kanya.

Ito nga ang aking punto. Bakit sa pagsikat o pagtatagumpay ng isang tao (artista man o hindi) ay kaakibat na nito ang paninira sa kanya? Ang crab mentality ay bunga ng inggit. Hindi makuntento ang taong nakikita ang kanyang kapwang umaangat samantalang ang kanyang sarili ay nananatili sa ibaba. Nakakalungkot lang isipin na kung wala ang crab mentality siguro ay napakaunlad na ng Pilipinas.

Crab Mentality- hango sa paggalaw ng mga crab na isang hayop sa karagatan. Tayo ay tao at mas may angking katalinuhan sa mga hayop. Bakit natin hinahayaang maging kawangis ng ating mga gawain ang gawi ng isang hayop?

ZABLAN, Hum1 (MHU2)

reaksyon: bee pressure

hindi ko pa naranasang maglasing kaya hindi ko alam ang feeling. at wala akong balak. magre-react ako sa beer pressure mismo. sa aming magpipinsan (puro kame babae) second ako sa youngest tapos lahat sila umiinom na maging yung pinakabata na highschool pa lang. tuwing may occasion na magkikita-kita kame eh laging ganyan ang "ritual" ng bonding namin. iinom sila tapos pagti-tripan ako bat di pa daw ako umiinom. eh ako naman, ayoko lang talaga. (cge sabihin nio na napaka-KJ ko, boring and all that..).. hindi ko kase gusto yung amoy tsaka nakakatakot malasing.. hehe.. anlakas talaga ng beer pressure kahit sa iba kong mga kaibigan. hindi ako nagsasalita ng tapos pero tingin ko hindi ako iinom ng beer any time soon..

paksa: hale

haha. o cge. maganda ang bandang hale 'di ba? hindi ko sinabing "maganda" dahil gwapo yung vocalist pero dahil maganda talaga yung music nila. Hindi ako isang malaking supporter ng hale pero hindi lang ako masaya dun sa maraming nagsasabi (at naninira) na chic rock (tama ba? basta something like that) lang raw yung music nila. Tapos lagi pa silang kinukumpara sa ibang banda. (Minsan nga ginagawan pa ng issue para pag-awayin sila pero ibang topic na yun..) Yung music raw ng hale tipong girls lang raw ang nakaka-appreciate. Hindi ako sumasang-ayon dito. Narinig ko na yung lahat ng kanta nila sa album and maganda, malinis at superb ung pagkakagawa. Magaling ang hale at sana mahiya naman yung mga detractors nila. Instead na suportahan nila ang kapwa-Pilipino nila ay hinihila nila ito pababa..

Magno PP17 [TFR1]


Reaksyon: Hopeless Love

Mayroong manipis na hibla na namamagitan sa kung ano ang tinatawag na pag-ibig at kung ano ang hindi. At kadalasan, maraming mga tao ang napagkakamalan ang isang pakiramdam bilang pagmamahal na sa katunayan pala ay hindi naman talaga. Maaaring infatuation o puppy love lang na medyo nagkaroon ng kaunting pagmamalabis.

Marahil ang ganitong konsepto ang dahilan kung bakit may mga tao na “nagpapakatanga”. Marahil ang ganitong ideya rin ang rason sa likod ng mga paniniwala sa “destiny” o tadhana.

Sa katunayan, hindi ko talaga alam kung ano ba ang masasabi ko sa naunang post sa akin. Hindi naman kasi ako si Dr. Love na may ideya kung paano ko sasagutin sa isang hmmm… lohikal [?] na pamamaraan ang mga binitiwang mga katanungan.

Pero siguro ang tangi ko lamang masasabi ay mayroon lamang talagang mga tao na laging may natitirang pag-asa sa kani-kanilang mga sarili pagdating sa ganitong usapin. Tipo bang handa silang gawin ang lahat kahit pa gaano kaliit ang posibilidad sa mga sitwasyong kinabibilangan nila. Iyon nga lang siguro, mas makakabuti rin kung may kapasidad pa rin ang isang tao na timbangin ang mga bagay-bagay... kung tama pa ba ito o nagbubulag-bulagan na lamang sa kung ano ang tunay na nangyayari.

PAKSA: LUNES

Ilan kayang mga tao ang magsasabi ng sagot na Lunes kapag tinanong sila kung ano ang pinakagusto nilang araw sa isang linggo?

Marahil hindi kabilang sa mga sasagot na iyon ang mga kagaya kong mag-aaral. Pati malamang yung mga may trabaho sa opisina. Siguro marami ang may hindi sasagot noon. Paano ba naman kasi, LUNES iyon e. Ibang usapan. Panibago na namang pakikipagsapalaran sa mga school requirements. O di kaya'y sa mga deadlines sa mga trabaho. Pagsabak na naman sa isang nakakapagod na linggo. Karamihan pa man din ay may hangover pa sa weekend. Nabitin masyado kaya nang sumapit ang araw ng Lunes ay nag-iinit ang ulo. Sabayan pa maagang oras ng pagpasok [para umabot ng flag ceremony kung mayroon man] o ng traffic jam.

Subalit hindi naman siguro lahat ng tao ay may galit sa araw ng Lunes. Nariyan iyong mga panatiko ng mga telenovela o soap opera na nag-abang ng susunod na kabanata sa pinapanood nila tuwing weekdays. Minsan naman kapag tumatapat ng suweldo ay magagawa kayang mabanas ng mga tao kapag Lunes? O paano naman kung may isang kaklase ka na pinakahihintay mong makita muli sa araw na ito... malamang siguro sasabihin mong Lunes ang paborito mong araw sa linggo.

Ah basta, mapa-Lunes o Biyernes o Sabado man yan, depende na sa tao kung pipiliin niyang magsaya sa araw na iyon o paninindigan na isa iyon sa mga araw na hihilingin niyang malaktawan na lamang ng kalendaryo.

Calderon
PP 17/TFR 1

Reaksyon: kalokang hollywood couples

Sang-ayon ako, actually hindi na natin kailangang lumayo pa (ang gasgas na nun ha?) kahit sa lokal na setting, halos ganyan na rin ang sitwasyon. Hindi nga lang uso ang divorce dito, for obvious reasons, pero kung nagkaganon, marami na rin sigurong mga showbiz personalities ang nagdivorce at naghanap ng mga bagong "partners." Ang unfair naman kung sasabihin nating mga artista lang ang gumagawa nun,though may katotohanan, kaya lang naman laging sila ang napapansin dahil sikat sila. Basta, may epekto nga siguro ang mga camera at kasikatan,napapagulo ang mga bagay-bagay.

Paksa: Panlito

Iniutos ng pangulo ang all-out support sa isang Pilipinang domestic helper nasa death row sa Kuwait. Syempre maganda ito, bilang isang mamamayan, masarap isiping kahit nasa ibang bansa ay may pakialam pa rin ang gobyerno natin sa kanila. Kaya lang ang tanong, bakit ngayon lang. Hindi ba unfair yun, na laging may isang kasong pinagtutuunan ng pansin palagi at naooverlook na yung iba. Siguardong kapag nakaligtas ang Pilipinang iyon, uuwi sya rito na may hero's welcome(kasama ang float). Narinig ko sa news, at medyo commonsensical naman na hindi ito ang una at natatanging kasong tulad nito. Maraming nakakulong na mga Filipino sa ibang bansa, ang iba halos di na natutugunan ang mga kaso. Wala lang, hindi naman yung mismong pagsagip ang nalalabuan ako kundi yung timing at hypochrisy na nakapalibot dito. Isa pa, sa tingin niyo ba ay sincere ang intensyon sa mga ginagawa ng gobyernong ito? Hindi kaya ito panlito lang para maalis ang atensyon natin sa mga kung anu-anong nangyayari sa ngayon? Hindi kaya gagamitin lang ng pangulo ang pagkakataong ito, kung magtagumapy man, para magpagood shot? Sana nga hindi. Saya sigurong isipin nun.

TARUN, HUM1 (MHR2)

Reaksyon: Hale

Hindi ko alam kung bakit nababaliw ang kapatid ko sa Hale. Nung bakasyon, puro na lang kanta nila ang naririnig ko sa bahay. Kaya pag ako naman ang hari doon, yung gusto ko lang din naririnig. Eh bakit nga ba di sya nagsasawa sa Hale? Ako man nagtaka. Para sa akin kasi malungkot ang karamihan sa mga kanta nila. Pero nung minsang nakaharap ko ang gitara at kinapa ang musika nung isang kanta nila, aba! Ayun! May kung anong meron sa lyrics na kahit paulit-ulit ko pang tugtugin, maganda pala! Pano nangyari yun? Sa palagay ko, nasa nakikinig lang yun. Marami nakong narinig na kanta nila pero bakit yun lang yung nagustuhan ko? Ewan. Pwede na rin namang sabihing nasa pagdadala din ng banda yun. Kahit naman maganda yung mga kanta kung wala yung factor na magpapasikat sa kanila, wala rin. At ang pangit dun, minsan may mga bandang di naman kagandahan ang mga kanta pero sumisikat pa rin. Ang sa akin, hindi natin masisisi ang iba kung sabihing hindi ok ang Hale sa kanila. Eh ano naman di ba? Kung sa tingin natin mali sila, eh di mali! Go lang! Kebs dba?

Paksa: Exams sa UP Fair

Speaking of bands, naalala ko ang UP Fair. Sa dami ng bandang nagsulputan sa Pinas ngayon malamang dudumugin na naman ng mga tao ang diliman para mapanood ang mga bandang sabay-sabay na sumisikat ngayon. Andun na tayo, ika nga nila, golden age daw ng mga bandang pinoy ngayon. Pero hindi ko maintindihan kung bakit dinudumog din ako ng kamalasan tuwing fair. Sa halip kasi na magsaya, nandyan ang mga pasaway na exams na ngayon pa lang eh nakikigulo na sa planner ko. Idagdag pa ang papers at sangkatutak na lab reports. Oo na, acads muna. Pero sana lang, sana lang meron akong kahit isang gabing pwedeng ipagsaya ang mga taong pinahihirapan ng acads! Isa na ako dun. Sana lang!

Sunday, January 29, 2006

PONCE Hum1 MHR2

Reaksyon: Crab Mentality
Ayon sa mga iskolar, parte ng malawakang pagkilala sa kasalukuyang values ng Pilipino ang pagkakaroon ng crab mentality. Kasama nito ang utang na loob, pakikisama, bayanihan-na naeextinct na sa tingin ko-, hiya, at marami pa. Paulit-ulit na sinasabi ng ilan na kaya hindi umuunlad ang Pilipinas, dahil d'yan sa mga values na 'yan. May katwiran sila. Kasi ganyang mga values din ang umiiral sa pulitika. At dahil nga haligi na daw nating mga pinoy ang ugaling ito, hindi madaling maaalis nang basta-basta.Nasa socio-cultural approach 'yan ng analisis sa Pilipinas. Nakakalungkot lang at hanggang ngayon ay wala pa tayong maisip na solusyon sa mga baluktot nating ugali. Mahirap na kasing tuwirin ang tumanda nang baluktot.

Paksa: Parental wisdom-Filipino Style
Natanggap ko 'tong e-mail msg na 'to. Nakakatawa, pero totoo. Ibang klase talaga ang mga magulang natin.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga mumunti ngunit ginintuang butil na payo na nakuha ko sa aking mga magulang:
1. Si Inay, tinuruan niya ako HOW TO APPRECIATE A JOB WELL DONE.
"Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa labas! Mga leche kayo, kalilinis ko lang ng bahay."
2. Natuto ako ng RELIGION kay Itay.
"Kapag yang mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka na!"
3.Kay Inay ako natuto ng LOGIC.
"Kaya ganyan, dahil sinabi ko."
4. At kay Inay pa rin ako natuto MORE LOGIC.
"Kapag ikaw ay nalaglag diyan sa bubong, ako lang magisa ang manonood ng sine."
5. Si Inay din ang nagturo sa akin kung ano ang ibig sabihin ng IRONY.
"Sige ngumalngal ka pa at bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!"
6. Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang CONTORTIONISM.
"Tingnan mo nga yang dumi sa likod ng leeg mo, tingnan mo!!!"
7. Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung anong ibig sabihin ng STAMINA.
"Wag kang tatayo diyan hangga't di mo nauubos lahat ng pagkain mo!"
8. At si Inay ang nagturo sa amin kung ano ang WEATHER.
"Lintek talaga kayo, ano ba itong kuwarto nyong magkapatid, parang dinaanan ng bagyo!"
9. Ganito ang paliwanag sa akin ni Inay tungkol sa CIRCLE OF LIFE:
"Malandi kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito, maari rin kitang alisin sa mundong ito."
10. Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOR MODIFICATION.
"Tumigil ka nga diyan! Huwag kang mag-inarte na parang Nanay mo!"
11. Si Inay naman ang nagturo kung anong ibig sabihin ng GENETICS.
"Nagmana ka ngang talaga sa ama mong walanghiya!"
12. Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung anong ibig sabihin ng ENVY.
"Maraming mga batang ulila sa magulang, di ba kayo nagpapasalamat at mayroon kayong magulang na tulad namin?"
13. Si Itay naman ang nagturo sa akin ng ANTICIPATION.
"Sige kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa bahay!"
14. At si Itay pa rin ang nagturo kay Kuya kung anong ibig sabihin ng RECEIVING.
"Uupakan kita pagdating natin sa bahay!"
15. Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang HUMOR.
"Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong lawnmower, wag na wag kang tatakbo sa akin at lulumpuhin kita!"
16. At ang pinakamahalaga sa lahat, natutunan ko kina Inay at Itay kung ano ang JUSTICE.
"Isang araw magkakaroon ka rin ng anak, tiyak magiging katulad mo at magiging sakit din sa ulo!"

reaksyon: Crab mentality
Maraming ganitong klase ng mga tao, na patuloy maninira ng kapwa nila para sa ikasisira ng iba. Tsimis dito, tsimis doon. walang humpay na siraan at hilahan pababa hanggang sa lahat sila'y bumagsak. Inggit naman talaga ang umiiral sa mga ganitong tao. Makita lang na umaasenso ang iba, sisiraan nito- naiinggit kasi siya. Sour graping, wala kasi siya sa posisyon nung tao o wala siya ng kung ano ang meron 'yung tao, kaya gagampanan niya ang pagiging detractor ng taong yun. Nakakainis.

Paksa: Metrosexual
Naalala ko lang yung report ng mga kaklase ko noon sa Baguio, tungkol sa mga metrosexual o mga lalakeng masyadong conscious sa kanilang itsura. Gumagastos sila ng pera para sa pagpapaganda (pagpapagwapo), pumupunta sila sa mga spa ,salon at gym. Pinagtalunan sa report nila kung ang mga metrosexual daw mga bakla.
Sa lipunan natin masyadong ikinakahon ang bawat gender, may mga kilos na idinidikta ng lipunan na dapat gawin ng isang tao. Pagbabae ka ganito dapat mong gawin, at paglalake ka naman eto naman ang dapat mong gawin at ikilos- madalas tayong ikahon ng lipunan. Mahirap sa lalake, parang bawat galaw mo tinitingnan, konting umupo ka lang na naka-cross ang legs mo may gay tendency ka na, makapagsuot lang ng kulay na "pambabae" may pagkabakla ka na, makapagsalita ka lang ng gay- lingo bakla ka na, magustuhan mo lang mga kanta na kadalasan mga babae lang kumakanta kinukwestyon na agad pagkalalake mo. Hay buhay talaga! At pati nga pagiging vain ng isang lalake pinagdedebatihan pa rin, na kesyo masyado kang nag- aayos ng sarili at masyado kang "maarte" sa katawan mo bading ka na. Ang mga lalakeng artista at modelo, masasabing mga metrosexual sila, gumagastos sila para sa pagpapaganda ng kanilang itsura at ganun din naman siguro ang mga ordinaryong lalake na masyadong rin conscious sa kanilang itsura . Hindi naman siguro makatarungan na sabihan agad sila na bakla, e ano naman kung masyado silang vain at gumagastos para lang magpagwapo. Karapatan nila 'yun.

PIZARRO HUM1 MHR2

Reaksyon: Edukasyon sa Japan

Marami akong kilala na gusto rin mag-aral sa Japan. Maganda yata yung Fashion or basta kahit anong Design na kurso nila doon. Ako, walang plano mag-aral ng kolehiyo sa ibang bansa. Siguro sa masters ko.

PAKSA: Beer pressure

Siguradong halos lahat tayo ay makakareleyt dito. Nagyaya ang kaibigan mo uminom. Siyempre dahil wala ka namang ginagawa nung araw na yon at next class mo ay 2 oras pa, payag ka naman. Pumunta kayo sa isang kainan na pwedeng uminom at naka 2 red horse wapak ka. Sa kasamaang palad, nalasing ka at kung ano ano ang nasabi mo sa kaibigan mo. Malamang, hindi ka na nakapasok sa sumunod mong klase. Kinabukasan, kinwento sayo ng kaibigan mo ang mga pinagsasasabi mo. Buti sana kung walang kwenta lang ang mga nasabi mo eh pero mga bagay pala na hindi dapat sinasabi. (I.e pangalan ng CTG mo (crush type gusto)), ano gagawin mo?

ALMEDA/PP17/TFU1

Reaksyon: Caffeine

Ano ba ang paksa dito, caffeine o kape? Tanong ko lang kasi ang tea ba nakakaaddict? May caffeine din kasi yun. So hindi natin masasabi na masama ito o masama ang paningin ng mga tao dito. ang masama lang naman talaga eh pag sobra. Lahat ng sobra, kahit pera pa yan, masama. Wala naman kasi talagang magandang idudulot ito. Isipin natin ha, ang ano nagyayari sa mga sobrang yaman, di ba minsan naloloko o kaya nagpapakamatay. so dapat lahat yung tama lang. advice ko rin: mas maganda ang tea, kasi cleansing ito at nagiging alert ka pero hindi yung sobra na nanginginig ka na.

Paksa : Edukasyon sa Japan

Gustong gusto ko mag-aral sa Japan. Alam niyo kung bakit? Kasi maganda ang Japan, bukod sa maraming matututunan na mga bagong ideya, eh makikita mo pa kung paano nila ipriniserve ang kanilang kultura. Kung mapapanood niyo sa IBC13, ang ganda ng mga ipinapakita nila soon. sobrang silna-sila ung kultura na ipinapakita nila. Nood kayo, baka maenganyo din kayo.

AUTENCIO, HUM1 MHR2

REAKSYON:: "The Internet Will Take Over the World!!"

Malaki na nga ang nagiging impluwensya ng Internet sa ating buhay. Isa sa mga dahilan nito ang pagiging bago ng teknolihiyang ito, ang kawalan pa ng mga batas upang masigurong walang masasaktan o malalagay sa panganib sa paggamit nito. Sabi nga ng isang teacher ko, ang Internet lang daw ang totoon demokrasya sa mundo, at kahit na malaya ito, magulo naman. Pero hindi naman tayo dapat matakot ang mag-isip ng mga sci-fi scenarios kung saan ay gagawin na tayong alipinn ng mga robots. Ang problema kasi, tulad pa rin ng dati ang frame of mind natin. Pinipilit tayo ng Internet na baguhin ang perception natin sa mundo. Para sa mabuti o masama, hindi pa natin masasabi.



PAKSA: Caffeine

Sa mahabang panahon ay may masamang reputasyon na ang kape. Ang madalas na pag-inom sa kape ay nagdudulot ng dependence dito. At saka raw pinapababa niyang ang immune system at nagpapalala raw ng sipon. Ngunit may nabasa ako na ang caffeine daw ay may mabuting dulot sa mga pasyenteng may Alzheimer's Disease. Ayon sa pag-aaral, ginagawa ra mas active ng caffeine ang mga nerve endings sa utak at pinipigalan ang pagkasira dito na sanhi ng Alzheimer's. Hindi pa naman tuluyang napatunayan ang teoriyang ito, ngunit isang magandang panginatin 'to upang masalba ang masamang reputasyon ng caffeine. Bilang isang slef-confessed caffeine addict, hindi lang naman ang caffeine buzz ang hanap ko. Gusto ko rin ang magkahalong tamis-pait kapag umiinom ako ng kape. Ang technique lang ay ang dahan-dahang pag-inom para hindi ma-shock ang iyong katawan. Kapag nangyari 'yon, malaming ay gumapang ka sa kisame sa sobrang pagkadilat.

reaksyon: Hale
Hindi rin ako big fan ng hale pero pinakikinggan ko mga kanta nila. ok naman ito. Hindi naman talaga maiiwasan na may mga naninira sa kanila kasi nga naman sa pagsulpot ng napakaraming banda sa bansa e marami nang mapagkukumparahan sa banda ng Hale. Ganyan naman kadalasan, imbes na suportahan ang kapwa Pilipino, naghihilahan sila pababa hanggang sa sabay- sabay silang lumubog. May kanya- kanya tayong gusto, siguro hindi lang talaga nila feel ang hale kaya nila ito sinisiraan o yung iba inggit sa kanilang narating. Sana isipin na lang nating lahat ang pag- unlad ng musikang Pilipino.



Paksa: Metrosexual
Naalala ko lang yung report ng mga kaklase ko noon sa Baguio, tungkol sa mga metrosexual o mga lalakeng masyadong conscious sa kanilang itsura. Gumagastos sila ng pera para sa pagpapaganda (pagpapagwapo), pumupunta sila sa mga spa ,salon at gym. Pinagtalunan sa report nila kung ang mga metrosexual daw mga bakla.
Sa lipunan natin masyadong ikinakahon ang bawat gender, may mga kilos na idinidikta ng lipunan na dapat gawin ng isang tao. Pagbabae ka ganito dapat mong gawin, at paglalake ka naman eto naman ang dapat mong gawin at ikilos- madalas tayong ikahon ng lipunan. Mahirap sa lalake, parang bawat galaw mo tinitingnan, konting umupo ka lang na naka-cross ang legs mo may gay tendency ka na, makapagsuot lang ng kulay na "pambabae" may pagkabakla ka na, makapagsalita ka lang ng gay- lingo bakla ka na, magustuhan mo lang mga kanta na kadalasan mga babae lang kumakanta kinukwestyon na agad pagkalalake mo. Hay buhay talaga! At pati nga pagiging vain ng isang lalake pinagdedebatihan pa rin, na kesyo masyado kang nag- aayos ng sarili at masyado kang "maarte" sa katawan mo bading ka na. Ang mga lalakeng artista at modelo, masasabing mga metrosexual sila, gumagastos sila para sa pagpapaganda ng kanilang itsura at ganun din naman siguro ang mga ordinaryong lalake na masyadong rin conscious sa kanilang itsura . Hindi naman siguro makatarungan na sabihan agad sila na bakla, e ano naman kung masyado silang vain at gumagastos para lang magpagwapo. Karapatan nila 'yun.

MASCARDO PP17 TFR1

REAKSYON: Bargain sa Pagitan mo at ng Diyos

Ginagawa ko rin minsan ang pakikipag-"bargain" sa Diyos. Hindi naman mali ang tingin ko dito. Hindi sa nagdududa ako sa mga plano Nya pero siguro, iniisip kong mas pagbibigyan ng Diyos ang hiling ko kung may sakripisyo sa parte ko. Parang wala kasing effort pag ibibigay na lang bigla ng Diyos yung hiling ko. At least kung may kapalit akong ibibigay, maiisip kong pinaghirapan ko ang biyayang bigay sakin ni Lord. Mararamdaman kong karapat-dapat kong matanggap ang hiling ko. Hindi ako palaging nakikipag-"bargain" kay Lord. Ginagawa ko ito kapag may hiniling akong kailangang kailangan ko lang talaga.

PAKSA: Duckpin Bowling

Nasubukan mo na bang maglaro ng duckpin bowling? Kung hindi pa, sana makapaglaro ka kahit minsan. Masaya rin kung kukunin mo itong PE at sa Alumni Center ka maglalaro. Nung freshie orientation kasi, binanggit ito ng mga host at parang ang saya saya nito base sa mga kwento nila. Totoo nga naman ang sinabi nila. Luma at antigo na ang bowling lanes pero mag-eenjoy ka talaga. Syempre nandun ang thrill na mapatumba mo ang mga pins kahit wala kang kahit kaunting alam sa pagbobowling. May kanya-kanyang style ang mga estudyante. Yung iba nakakamangha, yung iba nakakatawa. Siguro pinagtatawanan din ako ng iba pag tumitira ako pero ayos lang. Nageenjoy naman ako sa pagbobowling. Meron pang isang nakakatuwang bagay pag naglaro ka sa Alumni Center. Mga tao kasi yung nagtatayo ng pins na pinatumba mo kaya makikita mo yung mga paa nila. Napakahi-tech diba. Pero may kakaibang nangyayari dun lalo na pag kaunti na lang ang natitira sa klase, yung pag nakaalis na yung mga natapos ng maaga. Halimbawa, walo ang napatumba mo, magugulat ka na lang na natumba rin yung natirang dalawang pins kahit di ka pa ulit tumitira. Sinipa na ni manong. Ayus! Nakastrike ka na! Hindi ko alam kung ginagawa nila yun para mapataas ang score ko o kung gusto lang nilang matapos na kami at umalis na para makapagpahinga na sila. Anuman ang dahilan nila, hindi ko na alam. Basta ang alam ko, napakasaya ng isang oras tuwing nasa Alumni Center ako. Kung gusto nyo ng masaya at hindi mahirap na PE, kunin nyo to. Mas maganda kung may kasama kang kaibigan para may kasama kang tumawa pag napupunta sa gutter yung bola mo.

VINLUAN, PP17 TFR 1

REAKSYON:: "The Internet Will Take Over the World!!"

Sumasangayon ako sa sinasabi ng paksa na ito. Actually, totoo talaga na (computers in general) ang internet ay naghahari sa buhay natin. And to some extent, these machines, and the services and programs that come with it, really are ruling our lives. Lumakad ka lang sa kahabaan ng Katipunan at makakahanap ka na ng isang katutak na online gaming cafes na napupuno ng mga estudyante ng Ateneo, Kostka etc. Marami rin sa atin, pagkauwi sa bahay, ay bubuksan kaagad ang computer minsan, para mag e-mail, minsan, para mag ym, at sa mga iba, para lang nakabukas. Ang iba naman, kina-career ang mga friendster at halos makikila mo na talaga sila sa account nila. Nakakatulong nga naman talaga ang Internet services, malaking ginhawa at tulong para sa kabilisan ng mga sari-sariling buhay natin. Pero,tandaan rin natin na may mga ibang bagay sa buhay natin na kinakailangan rin tuunan ng pansin.



PAKSA :Bargain sa Pagitan mo at ng Diyos

Gumawa ka na ba ng isang ‘bargain’ (as in bargain) sa pagitan mo at ng Diyos? Sa mga lumipas na mga taon, tila hindi ko maalis ang gawaing ito. Sa patuloy na paggawa nito, parati kong rason ang ‘nakasanayan ko na kasi’. Madalas, kung may dumarating na kagandahan sa buhay natin, isang ‘bargain’ ang automatikong lumalabas sa mga dasal natin …”Diyos dahil binigay mo ‘to, alam kong kukunin mo to kaya okay lang” o di kaya “Lord isasakripisyo ko ito basta wag mo lang kunin yung ganito”. Napagpasyahan ko na kung tayo’y nagba-bargain sa Diyos, ibig rin sabihin ay may pagkakaalinlangan at duda tayo sa mga biyaya niya…at dahil dito, masasabi ba natin na hindi buo ang paniniwala natin sa Poong Maykapal? Minsan, naiisip ko na ito ay psykolohikal na produkto lamang ng ating pag-iisip upang makaramdam tayo ng kaligtasan kapag may mga bagong tao, bagay o pagbabago sa buhay natin. Tingin mo, tama ba ang gawaing ito?

MARQUEZ PanPil17 TFR1

REAKSYON: Caffeine

Siguro nga ay totoong nakaka addict talaga ang caffeine. May mga tao kasi na hindi pwedeng hindi iinom ng kape o kaya naman ng soft drinks (may caffeine din yun) sa isang araw. Kaya naman ilang milyong piso ang kinikita ng mga kumpanya ng mga caffeine products taon taon. Nais kong bigyang pansin ngayon ang Starbucks, Mocha Blends, SBC etc. Imagine, isang cup ng kape P100! hehehe! Yung 3 in 1 siguro P10 lang. 10 times yung patong! At ang mga outlets nila nagkalat sa buong Metro Manila. Wala yatang mall na wala ng alin man sa mga yun. Sa bawat unibersided may malapit din na branch nila. At ang iniisip ko minsan, paano kaya nakakapag aral ang mga "nagaaral" sa mga shop na yun? Ang ingay ingay sa loob, at amoy sigarilyo naman sa labas. Oh well. Sa tingin ko ang caffeine ay naging status symbol na din. (Emphasis on the overpriced coffee and whatever-ccinos :p )

Reaksyon: Beer Pressure
Masarap ba ang beer? No, seriously, hindi ko maintindihan kung bakit sarap na sarap ang guys dito. Para kasing lasang kalawang (not that nakatikim na ko ng kalawang hehehe). Nakakataba pa. Hard drinks nalang! Tatamaan ka pa agad.
Anyway, ang masasabi ko sa iyo, sa susunod na iinom ka, huwag mo nalang i chismis ang mga sikreto mo. Pero nabasa ko sa isang journal na ang beer or alcohol ay nagiging excuse lamang sa mga bagay na hindi natin masabi o magawa pag sober tayo. Posible ba yun na sobra ka wasted as in hindi mo na maalala kahit ano na sinabi at ginawa mo that time? I dont think so.

Paksa: Pagka graduate, ano na?
Marami pa ba talagang magagandang job opportunities dito sa bansa? Pagkatapos mong maghirap ng apat na taon (or more!) sa kurso mo, nakasisiguro ka nga ba na hindi ka babagsak sa isang call center? No offense sa mga nagtatrabaho sa call center, marangal naman ang trabaho na iyon.
Gagraduate na kasi ang ate ko this March. Sa UP Diliman din siya, Economics. Nagpunta siya sa job fair pero hindi niya raw feel yung mga kumpanya doon. Kaunti lang ang nagustuhan niya.
Napaisip tuloy ako. Paano na pagdating sa panahon na ako naman ang maghahanap ng trabaho? Scarcity na ba talaga? May halaga ba ang pinaghihirapan kong pagaralan sa araw araw ng buhay ko bilang isang college student?
Nakakatakot isipin pero alam ko dapat hindi pa rin tayo mawalan ng pag-asa. If nothing else, pwede naman magaral nalang ng nursing at mag abroad ;p
Ano sa tingin ninyo?

MARTINEZ, PP17 (TFR1)

Reaksyon: Appendicitis

Ito ang "mysterious" na sakit. Marami kasing tao, akala nila kapag sumakit na ang gilid ng tiyan nila, appendicitis na iyon. Ako rin, inaamin ko, hindi ko rin alam kung papaano mo talaga malalaman kung may appendicitis ka, o sakit lang yon sa tiyan. At malay mo, kapag babae, eh na-agrabyado lang talaga ng dysmenorrhea? Kapag tumatakbo tayo ng hindi nagwawarm up, at sumakit ang gilid ng tiyan, appendicitis na ba iyon? Isa ang sigurado, huwag na natin antayin na mangyari ito sa atin. Tama ang sinabi nung gumawa ng paksa: "Masyadong nakakaargrabyado dahil perwisyo na gastos pa!"

Paksa: "The Internet Will Take Over the World!!"

Pasensya sa Ingles na pamagat. Mas ma-epekto kasi ito at mas nakakapagpakita ng takot. Hahaha!

Nakakagulat talaga ang pagsulong ng internet sa panahon natin. Hindi pa ito 50 na gulang ngunit ang bilis na nang paglaganap nito. Kung iisipin, ang mga ganitong klase ng teknolohiya ay karaniwang sa mga mayayamang bansa lamang laganap. Ngunit makikitang pati sa mga mahihirap na bansa ay kalat din ito. Papaano? Dahil sa mga laro gaya ng DoTA at Ragnarok. Ang mga kabataan ay laging nakatutuok sa kanilang mga computer at mas bihasa pa dito kaysa sa Math at Science. Bakit ko naman nasabi na ang internet "will take over the world"? Ito ay dahil mas nagiging dependent na ang tao sa internet ngayon. Miski ang pagreresearch ay dito na rin ginagawa. Pwede ka na rin magshopping sa internet, o kaya'y dito magtrabaho at gumawa ng hanapbuhay. Alam niyo ba na sa Stanford University sa US, eh meron silang serbisyo para sa kanilang mga estudyante ng pagdodownload ng "online lectures"? Ay naku. Pati ang pagtuturo sa internet na rin. Gaano ba kahirap ang pumunta sa klase? Tinamad ka pa talaga at inisip na magdownload na lamang ng lecture. Sa tingin ko, kapag matanda na ang henerasyon natin, lahat na ng klase ng interaksyon ay magaganap sa internet. Wala na ang lalabas sa bahay! Lahat na tayo nakatutok sa computer screen!

Sanil Hum1/MHU2

Reaksyon: Beer pressure
Hindi kasi ako yung type ng tao na kapag nalasing, kung anu ano na ang sinasabi eh. Ewan ko lang, pero marami naman kasi akong kakilala na napipigilan pa nila ang kanilang mga bunganga sa pagsasabi ng mga bagay bagay. At sinabi mo naman na kaibigan mo ang nagyaya, e yun naman pala malalaman at malalaman din nila yun eh. Pero kung ganoon ka nga malasing, nadudulas ka sa mga bagay bagay na ayaw mo nilang malaman, eh di wag kang uminom o kaya ay hinay hinay lang sa pag-inom.

Paksa: I'll try
Napapansin ko lang na kapag may inuutos ka sa mga kagrupo mo, malimit na sagot yan. At hindi lang sa pagkakataong ganoon. Naririnig din yan sa mga taong iniimbita mo sa party o kung anu ano pa. Nagdebut kasi kaibigan ko at, mayroong mga nagsabing they will try at hindi naman pumunta. Sana man lang, sinabi na nila na hindi sila makakapunta. Nahihiya daw sila at kung anu-ano pa kaya hindi daw masabi na hindi sila makakapunta. Pero hindi ba mas nakakahiya kung may reserved seat ka tapos hindi ka dadalo. Buti sana kung emergency ang dahilan. Pati sa mga kaibigan, maririnig mo yan, kapag pinagsasabihan mo sila. Feeling ko pag sinabi ng tao na 'i'll try' mas malaki ang posibilidad na hindi nila ito gagawin. Parang ginagamit itong excuse, sasabihin pa sayo 'hindi naman ako umoo a.' Sana deretsahan na lang sinasabi kung kaya nilang gawin ang isang bagay o hindi, para hindi makaabala.

DELA CRUZ, PP17, TFU1

REAKSYON: insomniacs..

Naisip ko rin na ako ay insomniac. Salamat naman at hindi. Sabi kasi ng nanay ko ay kahit inaantok na ko ay tinatapos ko pa rin ang gusto kong gawin kahit hindi ganon ka-importante kaya inaabot ako halos ng ala-una ng madaling araw. Siguro may masama ring dulot yan dahil bangag ka paggising mo. Yung tipong kulang ka sa tulog at masama daw iyan sa katawan sabi sa magasing nabasa ko. Possible raw na makatulog ka kahit saan nang hindi mo namamalayan.

PAKSA: Appendicitis

Diyos ko, yung kapatid ko nagkaroon nito. E kasi naman pagkatapos kumain, sayaw nang sayaw. Siya pa ang nagagalit kapag pinagsasabihan siya ni mama. Ayan tuloy, mahirap ang magkaroon nito dahil baka ito pumutok na maaaring maging dulot ng kamatayan. Marami nang cases sa pamilya namin ang nagkaroon nito at sa awa naman ng Diyos ay wala pang napapahamak sa kanila. Kaya, sinasabi ko sa inyo na kahit papaano ay maghanap kayo ng oras para magpahinga pagkatapos kumain dahil mahirap nang magkaroon ng sakit ngayon. Masyadong nakakaargrabyado dahil perwisyo na gastos pa!

Cartalla- PP17 (TFR-1)

reaksyon: Pambata ba ang cartoons?
Hindi kaya! Although target talaga nito ang mga bata, hindi pa rin karapat-dapat na sabihing pambata lang to. Mas dapat ngang bantayan o maging mapili sa pagpa-panood ng cartoons sa mga bata eh. Kasi may mga ibang mensahe ang ibang mga cartoons na di nakikita ng mga magulang pero nakaka-apekto sa mga bata. Like yung teletubbies, alam nyo ban a ang karakter ni Tinky Winky ay isang bakla. Lahat ng Semiotico nito ay pagpapalabas ng kabadingan. Yun kulay niya na violet- “official color ng gay” tapos lalakin sya pero may pouch bag. Ito pa malupit! Nilalandi niya yung isang lalaki pa sa teletubbies. Di ko lan matandaan kung sino, si Po ata. So yun. Yung mga ganyang bagay ay may epekto sa mga bata, di man tuwiran. Pero, bata nga naman sila, kaya ano baa lam nila sa pagiging bakla at pagiging tunay na lalaki diba. Sana lang mas maging responsible yung mga matatanda na bantayan ang mga bata sa panonood ng cartoons, in a way nanonood na rin sila, so di lang toh pambata,. (nage-enjoy din namn tayo dba)


Paksa: mas chismoso ang mga lalaki.
Naniniwala ba kayo dito. Ako oo! Cge, idefine muna natin ang chismis. Chismis- pag-uusap tungkol sa ibang tao na may posibilidad na kumalat ngunit hindi naman talaga dapat kumakalat, dahil nga ang chismis ay TAGO. As we all know, mas tahimik ang mga lalaki sa ating mga babae. So pag may nalaman sila mula sa isang kaibigan, din a sila nagbibigay ng oras para ipagkalat pa ito. Itinatago nalang nila ito sa kanilang mga sarili and dat makes them a more effective chismoso.

Cartalla, PP-17 (TFR-1)

Reaksyon: pagsalin sa mga org.
Wala naman akong violent reaction tungkol sa pag Sali sa mga org. may good points sya though may bad points din. Good points muna tayo. Syempre marami kang makikilalang new friends, dami din mga experiences, masaya, matuto ka, at makakatulong to’ sa pag-a-apply ng work. Dagdag points din kasi to lalo na kapag academic org. sa bad points naman, hay nako! Busy busyhan ka plagi nyan, may posibilidad pa na mapabayaan mo yung pag-aaral mo, tapos kawindang talaga, ano pa ba?! Ka pagod. Yun lang naiiisip ko sa bad points eh. See? Mas maraming good points to. Kaya why not maging BS-Org. diba!

Paksa: galing ni idol: pacman
Grabe!!! Napaka husay. Nasaksihan ko ang lahat, eventhough nasa divisoria ako nung time nay un. Lam nyo kung pano nagyari yun? Dun sa isang store na binibilhan naming, may t.v. tapos di kami umalis dun hangga’t di pa napapabagsak ni pacman si morales. At take note, tindera, customer, lahat nasa store nay un ha at full force na nagc-cheer. Tapos nung nanalo na umiyak pa yung isang tindera oh dba die hard. Saying yung sixth round dapat tumba nay un eh, save by the bell, tsk tsk tsk. Basta ang masasabi ko lang, si pacman ay isang kayamanan ng Pilipinas. Pride kung Pride. Pero sana hindi masyado ini-ispoil si pacman, kasi nakakatampo yun sa ibang mga atleta ng Pilipinas, baka mawalan pa sila ng gana kasi parang nababalewala sila diba? Watchatink>

Buan, PP17 (TFR1)

Reaksyon: Bargain sa pagitan mo at ng Diyos

Madalas ko ring gawin ito; lalo na kapag may ipinagdarasal ako na mangyari o may bagay na "hinihiling". Madalas kapag napasok sa isang bagay na mahirap lusutan, "itinitrade" ko ang mga meron ako kapalit ng pagkalusot doon. Ewan ko ba. Pero kapag gingawa ko ito, naiisip ko rin na parang ang babaw ng tiwala ko sa Diyos para isipin na sa bawat bagay na ibibigay niya kailangan may kapalit. Naiisip ko na sa tuwing ginagawa ko iyon, para ko na ring sinasabi na hindi ibibigay o kayang ibigay ng Diyos ang hinihiling ko kung hindi ko isusuko sa kanya kung ano ang kasalukuyang meron ako.

Matagal ko na gustong tuluyang maalis ang nakagawian kong ito. Mahirap pero sinusubukan ko.


Paksa: Paksa: Pagsali sa mga org

Iba talaga ang Up! Dito mo mararanasan ang buhay sa tinatawag nilang totoong mundo. Sa pakikipag-usap ko sa aking mga kaibigan nung Biyernes, naisip ko na dito na pala ang may pinakamahabang application process sa pagsali sa mga org. Sa UST daw ay magbabayad ka lang ng P50, miyembro ka na ng isang org. Ganon din yata sa ADMU. Dito sa UP, isang buong sem ang application. Madaming requirements at activities. Gayunpaman, masaya pa rin ang pagsali sa mga org dito. Maraming nakikilala at experiences na hindi malilimutan. ;p

ZABLAN, Hum1 (MHU2)

reaksyon: social climbing

dati may nabasa akong article tungkol sa mga social climbers na pinipilit talaga pumasok sa mga "elite circles". Halimbawa nila ay yung pumupunta sa mga social events kahit hindi invited tapos kapag may picture-taking dikit ng dikit sa mga sikat o mayayaman. Okey lang sa kanila kahit sa dyaryo, ang caption ng picture nila ay " Ms Blahblah and friend". sumasang-ayon ako sa kanya (may-akda) na nakakainis at nakakailang kasama ang mga taong ganun.. kahit naman sa araw-araw ay makakakita tayo ng mga ganyan.. pakalat-kalat lang sila. haybastahindikosilalubosmaintindihan.

paksa: insomniacs..

naaawa ako sa mga taong tulad ko. tulog sa araw, gising sa gabi. hahaha. hindi ito basta-basta maling sistema ng pagtulog o "biological clock". kung sa iba ay madali ang pagtulog sa mga katulad naman namin ay hindi. sa kaso ko, kahit ilang oras ng nakapikit ang mata ko, blanko ang isipan at tahimik ang kapaligiran (o maingay dahil sa music) hindi pa rin ako makatulog. sinubukan ko na rin ang "start dreaming" na sinsasabi ng iba pero wala pa rin. nung una lang effective! wala na talaga siguro akong magagawa sa sitwasyon kong ito kaya ngayon ay ine-enjoy ko na lang ang every minute ng aking pagiging gising hanggang maramdaman ko ang lason ng antok.

Pero in a way, maganda rin naman na gising sa gabi. Lalo na pag may exams o kailangang i-rush o i-cram na projects at reports. Tahimik ang buong bahay at kapaligiran kaya nakakakilos ako ng malaya at ayos na rin mag-isip-isip. Minsan, masarap pang lumabas ng bahay at maglakad-lakad tapos tutulala sa langit. Yun nga lang, pag may pasok kinabukasan, late makakapasok o kaya tulog sa klase. tsk.

Bertulfo HUM1 MHR2

Paksa: Pambata ba ang CARTOONS?

Wala naman nang bata sa amin pero nang bumisita ang tita ko kasama ang dalawa niyang mga anak na sa tiyansa ko ay hindi hihigit parehas sa sampung taon ay napaisip ako. Pagdating pa lang kasi nila ay umakyat na sila sa 2nd floor nang bahay namin at binuksan ko ang telibisyon. Siyempre mga bata kaya doon sa Cartoon Network ko inilagay tapos umalis na ako. Palabas noon ang Tom n Jerry na pambata naman talaga (sino ba namang maniniwala na pag nasabugan ka eh buhay ka pa rin?) Pero pambata nga ba ang palabas na ito?

Kung iisipin halos lahat ng eksena sa palabas na iyon ay mararahas talaga. Yung huling nakita ko ay yung plantsa hinuhulog ni Jerry doon sa pusang si Tom. Marami eksena ang gumagamit ng bomba. Nakakatuwa nga lang ay hindi naman nasasaktan ang mga bida pero pano kung maniwala sila na paghinampas mo ng kawali ang ulo ng pusa o kahit sino ay magiging plat lang iyon at may lalabas na star? Paano kung maniwala sila na ang martilyo ay pampukpok sa paa? At marami pang iba. Pambata nga ba ito ganoong masyadong sakitan ang ipinakikita dito sa pagitan ng pusa at daga? Kahit sabihin na mga imposibleng bagay ang kinalalabasan ng pinaggagawa nila, may tiyansa pa rin na maniwala ang mga bata kasi bata sila.

Siguro kahit cartoons ay dapat paringbantayan angm mga bata saa panonood. Nakakasama mo na sila sigurado ka pang nauunawaan nila ang pinanonood nila.

Reaksyon: Exams

Katatapos ko pa lang mag-exam sa natsci2 ko. Ang nakakaasar, nalate ako ng 30 mins dahil sa pambihirang nagphophotocopy sa may ---. Anyways, okay lang naman ang eksam kahit na ang dami nitong nakasabay na papers pero bad trip talaga pag tapos mo nang ipasa ung papel mo tapos naalala mo may mali ka at hindi nasagutan. Pero lahat naman talaga ay pwedeng iwasan, hindi yung eksam. Kung desidido lang talaga tayo at kaya nating talunin ang sarili nating katamaran at iba pang panggulo sa buhay.

Isaguirre PanPIl17TFR1

REaksyon: Goin' BUlilit

Sumasang-ayon ako na hindi porke't mga bata ang cast ng isang palabas, child-friendly na ito. napakababaw naman na batayan iyon para ituring na child-friendly ang isang show gayong ang mga mensaheng ipinaparating nito, direct o indirectly, ay hindi angkop sa mga kabataan. Aaminin kong hindi ako ganoon kadalas manood ng goin' bulilitpero sa kakaunting beses na nagawa kong panoorin ang dapat na nakakatuwa at inosenteng palabas ay ganoon na rin ang napansin ko. siguro kasi matatanda ang writer kaya yung mga maling paniniwala at masasamang kaugalian ng mga taong ito ay ipinapamana na nila sa mga bata.

Paksa: Telebisyon

Palabas na rin naman sa telebisyon ang pinag-uusapan bakit hindi na lamang yun ang aking gawing paksa. LInggo laman ang araw na wala ako talagang dapat gawin. LUnes-Sabado, pwera Miyerkules, ay may pasok ako. Kapag Miyerkules naman, madalas pumupunta pa rin ako sa eskuwelahan dahil sa mga G.A., exam o meeting. Kaya pag Linggo lang ako napipirmi sa bahay. at kapag nasa bahay, t.v. lang ang pewde kong atupagin. ngayong araw na ito, natuwa ako kasi sabi ko makakapanood ako ng t.v. medyo matagal din kasi kong hindi pinansin ito. Tapos nung nasa harap na ako ng t.v. napansin ko na wala akong mapanood. lipat lang ako ng lipat sa iilang channel na mayroon kami dahil wala kaming cable. Sa channel 23, re-runs ng Amazing RAce. Sa channel4,5,9 at 13 mga kung anu-ano lang. at ang pinakanadismaya ako sa CH 2 at 7. Syempre ASAP at SOP pa rin. ayos lang naman yun eh. dati paborito ko pa ata ang ASAP.pero ngayon hindi ko na talaga masikmura ang brand of entertainment nila na hindi nag-evolve , hindi nag-grow at nag-mature; paurong pa ata! Pilit pinapakanta ang mga taong hindi naman marunong at sinasama pa sila sa isang production number kasama ang mga totoong banda, pinapasayaw ang mga babaeng hindi rin marunong sumayaw pero may mga magagandang katawan at willing mag-suot ng kapirasong tela at isinasalang ang mga magagaling daw kumanta na halatang hindi nag-reherse dahil hindi nila makuha ang tamang blendiing para naman maging ,at least, katanggap-tanggap ang kanilang number. naiinis talaga ako kasi meron talagang may mga talento sa kanila pero hindi nabibigyan ng exposure. mabuti pa ang channel 25 [net25] merong kwenta kahit paano. subukan niyo minsan.